Unstoppable For Christ

Unstoppable For Christ We are the youth of People's Missionary Church of Paliparan. No one can stop us to Revive our city for Jesus

27/09/2019

Everyone is invited and welcome. It's for FREE! See you guys. God bless.

05/06/2018

Pagkaing Espirituwal ngayong Martes.
React,Share, and post your reflections.
Visit ourdailybread.org for more

*[[1Jn 4:19]] MBB* Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.
22/09/2017

*[[1Jn 4:19]] MBB* Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.

Pagkaing Espirituwal ngayong Sabado.
React,Share, and post your reflections.
Visit odb.org for more

*[[Psa 31:9]] MBB* Lingapin mo ako, ikaw ay mahabag, Pagkat ako, Yahweh, ay nababagabag; Mata ko'y maga na dahil sa pag-...
19/09/2017

*[[Psa 31:9]] MBB* Lingapin mo ako, ikaw ay mahabag, Pagkat ako, Yahweh, ay nababagabag; Mata ko'y maga na dahil sa pag-iyak, Mahina na ako at wala nang lakas!

10 Halos pumanaw na yaring aking buhay, Dahil sa lungkot ko at pananambitan; Sa dami ng aking suliraning taglay, Umurong na pati buto sa katawan.

11 Lahat kong kaaway ay humahalakhak, Pati kapitbahay ako'y hinahamak; Dating kakilala ay nagsisiilag, Kung masalubong ko ay nagsisiiwas.

12 Nilimot na akong tulad ng namatay, Di na pinapansin, parang yagit lamang.

13 May mga bulungan akong naririnig, Mula sa kaaway sa aking paligid; Sa kanilang balak ako'y nanginginig, Ang binabalangkas, ako ay iligpit.

14 Subalit, O Yahweh, ang aking tiwala Ay nasasaiyo, Diyos na dakila!

15 Sa iyong kalinga, umaasa ako, Laban sa kaaway ay ipagtatanggol mo; At sa umuusig na sinumang tao.

16 Itong iyong lingkod, sana ay lingapin, Ingatan mo ako't iyong pagpalain; Iligtas mo ako at iyong sagipin, Tanda ng pag-ibig na di nagmamaliw!

17 Sa iyo, O Yahweh, ako'y namamanhik, H'wag mong tutulutang ako ay malupig; Ang mga masama ay dapat magahis, Upang sa libingan sila manahimik.

18 Yaong sinungaling ay patahimikin, Ang mga palalong ayaw kang kilanlin; Yaong mga taong ang laging layunin: Ang mga matuwid, kanilang dustain.

Pagkaing Espirituwal ngayong Miyerkules.
React,Share, and post your reflections.
Visit odb.org for more

*[[2Co 11:21]] MBB* Kahiya-hiya man ay aaminin kong hindi ko kayang gawin iyan! Kung may nakapagmamapuri, ako'y makapagm...
18/09/2017

*[[2Co 11:21]] MBB* Kahiya-hiya man ay aaminin kong hindi ko kayang gawin iyan! Kung may nakapagmamapuri, ako'y makapagmamapuri din--ako'y nagsasalitang tulad ng isang mangmang.

22 Sila ba'y Hebreo? Ako man. Mga Israelita ba sila? Ako rin. Lipi ba sila ni Abraham? Ako'y gayon din.

23 Sila ba'y mga lingkod ni Cristo? Nagsasalita akong waring isang baliw, ngunit ako'y mas mabuting lingkod ni Cristo kaysa kanila. Higit ang aking pagpapagal; makailang ulit akong nabilanggo, hinagupit nang maraming beses, at madalas na nabingit sa kamatayan.

24 Makalima akong tumanggap ng tatlumpu't siyam na palo mula sa mga Judio,

25 tatlong ulit kong naranasang hagupitin ng mga Romano, at minsang binato. Makaitlo kong naranasang mawasak ang barkong sinasakyan at minsa'y maghapo't magdamag akong lulutang-lutang sa dagat.

26 Sa malimit kong paglalakbay, nasuong ako sa iba't ibang panganib: sa mga ilog, sa mga tulisan, sa mga kapwa ko Judio at sa mga Hentil; mga panganib sa lunsod, sa ilang, sa dagat, sa mga mapagkunwaring kapatid.

27 Naranasan ko rin ang labis na hirap at pagod, malimit na pagpupuyat, matinding gutom at uhaw. Natikman ko ang maginaw ngunit wala man lamang mabalabal.

28 Bukod sa lahat ng iyan, inaalaala ko pa araw-araw ang mga iglesya.

29 Kung may nanghihina, karamay nila ako; at kung may nahuhulog sa pagkakasala, labis na naghihirap ang kalooban ko.

30 Kung kailangang ako'y magmapuri, ang ipagmamapuri ko'y ang aking mga kahinaan.

Pagkaing Espirituwal ngayong Martes.
React,Share, and post your reflections.
Visit odb.org for more

*[[Psa 119:105]] MBB* Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, Liwanag na tumatanglaw sa landas kong daraanan.1...
15/09/2017

*[[Psa 119:105]] MBB* Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, Liwanag na tumatanglaw sa landas kong daraanan.

106 Taimtim ang pangako kong ang utos mo ay susundin, Tutupdin ko ang tuntuning iniaral mo sa akin.

107 Labis-labis, Panginoon, ang hirap kong tinataglay, Sang-ayon sa pangako mo, pasiglahin yaring buhay.

108 Ang handog kong pasalamat, Yahweh, sana ay tanggapin, Yaong mga tuntunin mo ay ituro mo sa akin.

109 Ako'y laging nakahandang magbuwis ng aking buhay, Pagkat di ko malilimot yaong iyong kautusan.

110 Sa akin ay mayroong handang patibong ang masasama, Ngunit ang 'yong kautusan ay hindi ko sinisira.

111 Ang bigay mong mga utos, ang pamanang walang hanggan, Sa puso ko'y palagi nang ang dulot ay kagalakan.

112 Ang pasiya ko sa sarili, sundin ko ang kautusan, Susundin ko ang utos mo habang ako'y nabubuhay.

Pagkaing Espirituwal ngayong Biyernes.
React,Share, and post your reflections.
Visit odb.org for more

*[[Pro 13:10]] MBB* Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, Ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng katalinuhan....
12/09/2017

*[[Pro 13:10]] MBB* Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, Ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng katalinuhan.

11 Ang yamang tinamo sa daya ay madaling nawawala, Ngunit ang yamang pinaghirapan ay pinagpapala.

12 Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban, Ngunit ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan.

13 Ang nagwawalang-bahala sa payo ay hahantong sa kapahamakan, Ngunit ang nagpapahalaga sa utos ay gagantimpalaan.

14 Ang mga turo ng matalino ay bukal ng tubig ng buhay, Ito ay maglalayo sa bitag ng kamatayan.

15 Ang mabuting pag-unawa ay umaakit ng kalooban, Ngunit ang kataksilan ay naghahatid sa kapahamakan.

16 Ang katalinuhan ng isang tao'y nakikita sa kanyang gawa, Sa kilos ay nakikilala ang taong walang unawa.

17 Ang masamang tagapagbalita ay lumilikha ng kaguluhan, Ngunit ang mabuting tagapamagitan ay lumulutas ng alitan.

18 Kahihiyan ang kasasadlakan ng hindi nakikinig ng saway, Ngunit ang tumatanggap ng payo ay mag-aani ng karangalan.

19 Ang pangarap na natupad ay may dulot na ligaya, Ngunit ayaw iwan ng masama ang kasamaan niya.

20 Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, Ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo.

Pagkaing Espirituwal ngayong Martes.
React,Share, and post your reflections.
Visit odb.org for more

*[[1Corinto 15:50]] MBB* Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: ang binubuo ng laman at dugo ay di magkakaroon ng bahag...
06/09/2017

*[[1Corinto 15:50]] MBB* Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: ang binubuo ng laman at dugo ay di magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos, at ang katawang panlupa ay di maaaring magmana ng buhay na walang hanggan.

51 Pakinggan ninyo ang hiwagang ito: hindi mamamatay ang lahat, ngunit lahat tayo'y babaguhin

52 sa isang sandali, sa isang kisap-mata, kasabay ng huling tunog ng trompeta. Pagtunog ng trompeta, ang mga patay ay muling bubuhayin at di na mamamatay. Babaguhin tayong lahat,

53 sapagkat itong katawang nabubulok ay dapat mapalitan ng di nabubulok at ang katawang namamatay, ng di namamatay.

54 Kapag napalitan na ng walang pagkabulok ang nabubulok at napalitan na ng walang kamatayan ang namamatay, matutupad ang nasasaad sa Kasulatan: Nalupig na ang kamatayan; ganap na ang tagumpay!

55 Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?

56 Ang kamandag ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang lakas ng kasalanan ay nagmumula sa Kautusan.

57 Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!

58 Kaya nga, mga kapatid, magpakatatag kayo at huwag matitinag. Magpakasipag kayo sa gawain para sa Panginoon yamang alam ninyong di nasasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya.

Pagkaing Espirituwal ngayong Miyerkules.
React,Share, and post your reflections.
Visit odb.org for more

*[[Eph 4:7]] MBB* Ang bawat isa sa ati'y binigyan ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Cristo. 8  Ganito ang ...
04/09/2017

*[[Eph 4:7]] MBB* Ang bawat isa sa ati'y binigyan ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Cristo.

8 Ganito ang sinasabi ng Kasulatan, Nang umakyat siya sa kalangitan, Nagdala siya ng maraming bihag, At nagbigay ng mga kaloob sa tao.

9 (Ano ang ibig sabihin ng umakyat siya? Ang ibig sabihin niyan ay bumaba muna siya rito sa lupa. [h]

10 Ang bumaba ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan, sa kabila ng mga langit, upang malaganapan ng kanyang kapangyarihan ang kalahat-lahatan.)

11 At ang iba'y ginawang apostol, ang iba'y propeta, ang iba'y ebanghelista, ang iba'y pastor at g**o.

12 Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng hinirang, sa ikauunlad ng kanyang iglesya.

13 Sa gayon, tayong lahat ay magkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos at magiging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo.

14 Hindi na tayo matutulad sa mga batang nadadala ng bawat aral, parang sasakyang-dagat na sinisiklut-siklot ng mga alon at tinatangay ng hangin. Hindi na tayo malilinlang ng mga taong ang hangad ay ibulid tayo sa kamalian.

15 Manapa'y sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, magiging ganap tayo kay Cristo na siyang ulo.

16 Sa pamamagitan niya'y nabubuo ang katawan mula sa mga bahaging pinag-ugnay-ugnay ng kasukasuan; at kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, ang buong katawan ay lalaki at lalakas sa pamamagitan ng pag-ibig.

Pagkaing Espirituwal ngayong Lunes.
React,Share, and post your reflections.
Visit odb.org for more

*[[Luk 9:57]] MBB* Samantalang naglalakad sila, may taong nagsabi kay Jesus, Susunod po ako sa inyo kahit saan. 58  Suma...
31/08/2017

*[[Luk 9:57]] MBB* Samantalang naglalakad sila, may taong nagsabi kay Jesus, Susunod po ako sa inyo kahit saan.
58 Sumagot si Jesus, May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, ngunit ang Anak ng Tao'y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan.

59 Sinabi ni Jesus sa isa, Sumunod ka sa akin. Ngunit sumagot ang tao, Panginoon, hayaan po muna ninyo akong umuwi upang ipalibing ang aking ama.

60 Sinabi ni Jesus sa kanya, Ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa paghahari ng Diyos.

61 Sinabi naman ng isa, Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit magpapaalam muna ako sa aking mga kasambahay.

62 Sinabi sa kanya ni Jesus, Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.

Pagkaing Espirituwal ngayong Huwebes.
React,Share, and post your reflections.
Visit odb.org for more

30/08/2017

You are so special because God made you. Always remember, God doesn't make mistakes.
Hindi ka isang "pagkakamali". Ikaw ay isang "pagpapala". Hindi ka "hulog ng langit" tulad ni satanas (Luke 10:18).

29/08/2017

Pagkaing Espirituwal ngayong Martes.
React,Share, and post your reflections.
Visit odb.org for more

Address

Dasmarinas

Telephone

+639354304778

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Unstoppable For Christ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Unstoppable For Christ:

Share