19/09/2024
𝐒𝐄𝐓𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐄 𝟏𝟗: 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐀 𝐒𝐀𝐋𝐄𝐓𝐓𝐄
𝑾𝒊𝒏𝒊𝒌𝒂 𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝑩𝒊𝒓𝒉𝒆𝒏 𝒔𝒂 𝑳𝒂 𝑺𝒂𝒍𝒆𝒕𝒕𝒆, “𝑳𝒖𝒎𝒂𝒑𝒊𝒕 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒎𝒈𝒂 𝒂𝒏𝒂𝒌, 𝒉𝒖𝒘𝒂𝒈 𝒌𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒌𝒐𝒕...”
𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗘𝗧𝗧𝗘
Alalahanin, O Mahal na Birhen ng La Salette, Ina ng Pag-asa. Ikaw ang nagpapaalala sa aming magbalik-loob sa Ama. Ito ang pagpapatunay na ang kagandahang loob mo'y nanatiling busilak, sa pag-aaruga mo sa amin, tungkulin mo'y tinupad. Dahil sa paanan ni Kristo'y itinuring mo kaming mga tunay mong anak, kung kaya ninais mong ni isa'y huwag mapahamak, maging sa iyong walang tigil na pananalangin, pati luha'y pumatak. Huwag namang mawalan ng saysay ang iyong pagpapakahirap. Hiling nawa namin sa iyo o aming Inang liyag na matapos ang pakikibaka namin sa mundong ito at sa pananatili naming tapat kay Kristo, sa kapurihan mo'y makibahagi kaming ganap upang kung nasaan ka ngayo'y naroon din kaming lahat at nang kaganapan ng kaluwalhatian ng Diyos Ama'y tuluyang matupad. Amen.
𝙈𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝘽𝙞𝙧𝙝𝙚𝙣 𝙣𝙜 𝙇𝙖 𝙎𝙖𝙡𝙚𝙩𝙩𝙚, 𝙞𝙥𝙖𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙢𝙤 𝙠𝙖𝙢𝙞.
Maligayang Kapistahan! National Shrine of Our Lady of La Salette - B**a II, Silang, Cavite.
______________________________
Visit our website and follow our official social media accounts:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus
Youtube: https://www.youtube.com/