Nora Capariño Helping Hand

Nora Capariño Helping Hand Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Nora Capariño Helping Hand, Religious Center, Blk 26 Lot 14, Kinababa Halal Resto Cafe, Dasmariñas.

Mga kapatid sa Islam, muli na namang dumating ang panahon ng dakilang pagsamba—ang Qurban. Ito ay hindi lamang pagkatay ...
04/05/2026

Mga kapatid sa Islam, muli na namang dumating ang panahon ng dakilang pagsamba—ang Qurban. Ito ay hindi lamang pagkatay ng hayop, kundi pagsuko ng puso, taqwa, at pagsunod sa Allah.

Sinabi ng Allah:
﴿لَن يَنَالَ اللَّهَ لُحُومُهَا وَلَا دِمَاؤُهَا وَلَٰكِن يَنَالُهُ التَّقْوَىٰ مِنكُمْ﴾
“Hindi nakararating sa Allah ang laman o dugo nito, kundi ang inyong taqwa.” (Al-Hajj: 37)

Ayon sa mga ulama, tulad nina Ibn Taymiyyah at Ibn al-Qayyim, ang Qurban ay kabilang sa pinakadakilang simbolo ng Islam—ito ay tanda ng ganap na pagsunod, tulad ng ginawa ni Ibrahim (عليه السلام).

Ito ay pagkakataon natin upang:
• Magpakumbaba sa harap ng Allah
• Magbahagi sa mga nangangailangan
• Buhayin ang diwa ng pagkakaisa sa Ummah

Huwag nating hayaang lumipas ang pagkakataong ito. Kung tayo ay may kakayahan, makilahok tayo sa Qurban—sapagkat ito ay Sunnah na may dakilang gantimpala.

Sinabi ng Propeta ﷺ:
“Walang gawa ang anak ni Adam sa araw ng Nahr na higit na minamahal ng Allah kaysa sa pagdaloy ng dugo (Qurban).” (Tirmidhi)

mga kapatid—magtulungan tayo.
Ang inyong Qurban ay hindi lamang sakripisyo, kundi awa para sa mahihirap, at daan tungo sa kaluguran ng Allah.

Nawa’y tanggapin ng Allah ang ating mga handog at gawing dahilan ng pagpapala sa ating buhay.

✍️ Brother Harun Capariño Estoesta

04/05/2026

Ang pagiging magulang ay hindi lang tungkol sa buhay na ito—kundi paghahanda para sa kabilang buhay. Kaya ang tanong: saan tayo magsisimula? Paano natin ituturo ang Islam hindi lang bilang “batas,” kundi bilang pagmamahal sa Allah sa puso ng bata?

Sa idad na 6 - 10 ( Pag sasanay saknila )

Sa panahong ito, ang pokus ay pag sasanay ng magandang ugali, disiplina, at tamang halimbawa.

* Qur’an: Simulan ang pagme-memorize (Hifdh) sa edad na 7 habang malakas pa ang memorya. Magtakda ng araw-araw na oras para sa pag-uulit.
* Salah: Itama agad ang pagdarasal bago masanay sa mali. Turuan sila ng kahulugan ng bawat galaw, hindi lang basta kilos.
* Masjid: Gawing regular ang pagpunta sa Jumu’ah bilang pamilya. Dalhin sila sa Masjid para maramdaman nila na bahagi sila ng Ummah.
* Ugali (Adab): Maging mabuting halimbawa—magsalita nang mahinahon at may respeto. Ituwid agad ang pagsisinungaling, kahit maliit pa.
* Aktibong Pagsamba: Hayaan silang magbigay ng sarili nilang sadaqah. Hikayatin silang mag-ayuno kahit kalahati ng araw para masanay.
* Araw-araw na Aral: Magturo ng isang Hadith bawat linggo at isabuhay ito sa bahay.

Sa idad na 11 - 14 ( Pag bukas ng pag unawa nila )

Sa panahong ito, ang pokus ay pagpapaliwanag ng “bakit,” paghubog ng sariling paninindigan, at koneksyon sa Allah.

* Ang “Bakit”: Ipaliwanag ang wisdom sa likod ng mga utos—hindi lang “gawin mo ito.”
* Pananagutan: Turuan silang maging responsable sa sarili nilang Salah. Unti-unting bigyan ng tiwala.
* Espiritwalidad: Ipakilala ang mga adhkar sa umaga at gabi bilang bahagi ng araw-araw na buhay.
* Ligtas na Tahanan: Gawing bukas ang bahay para sa tanong. Makinig nang may respeto, hindi puro utos.
* Awa ng Allah: Ituro na ang Tawbah ay pag-asa, hindi dapat katakutan o ikahiya.
* Hangganan: Pag-usapan ang kaibigan, impluwensya, at kahinhinan (Haya) nang may pag-unawa, hindi pananakot.
* Pagmamahal Bago Takot: Turuan silang mahalin ang Allah bago takutin sa parusa.

Kung gusto natin ng mga anak na sumasamba sa Allah dahil gusto nila, hindi dahil napipilitan lang.

Kapag ang puso ay puno ng pagmamahal sa Allah, kusang susunod ang pagsunod.

04/05/2026

Ang pagiging provider ng isang ama sa tahanan ay isang dakilang amanah (tiwala) mula sa Allah—hindi lamang sa pagbibigay ng pagkain at pangangailangan, kundi sa paggabay sa pamilya tungo sa takot sa Allah at matuwid na pamumuhay. Sinabi ng Allah sa Qur’an:
﴿الرِّجَالُ قَوَّامُونَ عَلَى النِّسَاءِ﴾
“Ang mga lalaki ay mga tagapangalaga at tagapamuno ng mga kababaihan…” (Surah An-Nisa 4:34).

At sinabi ng Propeta ﷺ:
“كلكم راعٍ وكلكم مسؤول عن رعيته”
“Kayong lahat ay tagapag-alaga at pananagutin sa inyong nasasakupan.”

Kaya ang isang ama ay hindi lang dapat magsikap sa halal na kabuhayan, kundi siguraduhing ang kanyang kita ay malinis, may barakah, at ginagamit sa kabutihan. Itinuro ng mga ulama na ang tunay na tagumpay ng provider ay hindi nasusukat sa dami ng kinita, kundi sa kung paano niya napangalagaan ang kanyang pamilya sa Deen—tinuruan sila ng Salah, mabuting asal, at pag-alaala sa Allah.

Sa huli, ang pinakamagandang pamana ng isang ama ay hindi kayamanan, kundi isang pamilyang may takot sa Allah at matibay sa pananampalataya.

04/05/2026

Tandaan mo bilang magulang—Hindi habang buhay maliit ang anak mo, Darating ang araw na hindi na sila makikinig sa iyo—kaya habang bata pa sila, itanim mo ang Islam sa kanilang puso.

Ang pera, bahay, at kayamanan—maiiwan lahat,
Pero ang iman (Pananampalataya) at akhlaq (Mabuting ugali) na naitanim mo sa kanila—iyan ang dadalhin nila hanggang sa libingan at pati ikaw, makikinabang doon.

Kaya kung mahal mo ang anak mo, ilapit mo siya sa Allah, hindi lang sa mundo.

30/03/2026

Ang pagtatapos ng Ramadhan ay hindi nangangahulugan na babalik tayo sa dati nating pagiging pabaya sa pagsamba at pagsunod sa Allah.

Sa halip, ito ay paalala na ipagpatuloy ang kabutihang nasimulan natin. Kung naging malapit ka sa Allah sa Ramadhan, manatili sa landas na iyon kahit tapos na ito.

Sapagkat ang Rabb ng Ramadhan ay Siya rin ang Rabb ng buong taon—kaya’t huwag nating iwan ang kabutihan na ating nasimulan.

Ramadhan Free Iftar Meals Distribution Batch 8 - Masjid Jami Al Ghali / Safeenah Nuh Islamic Center SNIC The Messenger o...
25/03/2026

Ramadhan Free Iftar Meals Distribution Batch 8 - Masjid Jami Al Ghali / Safeenah Nuh Islamic Center SNIC

The Messenger of Allah ﷺ said:
“Whoever gives food to a fasting person to break his fast, he will have a reward like theirs, without that detracting from the reward of the fasting person in the slightest.” — Narrated by Al-Tirmidhi (Hadith 807) and Ibn Majah (Hadith 1746)

May Allah accept this charity, bless every donor and volunteer, and make this act a continuous charity (Sadaqah Jariyah) in loving memory of Sister Nora Capariño whose legacy continues through kindness and service to others. Allahumma Aameen 🤲

Ramadhan Free Iftar Meals Distribution Batch 7 - Bohol Dawah and Guidance Center Inc.  The Messenger of Allah ﷺ said:“Wh...
25/03/2026

Ramadhan Free Iftar Meals Distribution Batch 7 - Bohol Dawah and Guidance Center Inc.

The Messenger of Allah ﷺ said:
“Whoever gives food to a fasting person to break his fast, he will have a reward like theirs, without that detracting from the reward of the fasting person in the slightest.” — Narrated by Al-Tirmidhi (Hadith 807) and Ibn Majah (Hadith 1746)

May Allah accept this charity, bless every donor and volunteer, and make this act a continuous charity (Sadaqah Jariyah) in loving memory of Sister Nora Capariño whose legacy continues through kindness and service to others. Allahumma Aameen 🤲

20/03/2026

EID'L FITR PRAYER | 21 March 2026 | Saturday
ISCAG Open Ground
Brgy. Salitran 1, City of Dasmariñas, Cavite

✅ Be there as early as possible.
✅ Perform your ablution (wudu') at home.
✅ Bring your own prayer mat (sajjadah).
✅No backpack allowed.
✅ Clean as you go.

20/03/2026
Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh, Let us support small halal business. Sa mga taga Dasmariñas, Cavite , mayro...
02/10/2022

Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh,

Let us support small halal business.
Sa mga taga Dasmariñas, Cavite , mayroon po tayong Halal Food House na nag ooffer ng :

Kina Baba Halal Cuisine PH - UNLI Chicken Wings at Takoya - G Takoyaki

I Love Milktea Area G Dasma - Milktea , Frappe, Cold Brew at iba pa

Shawarma Shack Area G Dasma - Shawarma Wrap , Kebab at iba pa

Mubaarak Fresh Food - Cavite - Frozen processed food : longganisa , tocina at iba pa

Dito lang sa 📍 Tambayan sa G :
Block 26 Lot 14 ,along Congressional Rd Avenue, Brgy. St. Peter II, City of Dasmariñas, Cavite

Ang owner at mga staff ay mga Muslim / Muslimah , Alhamdulillah kaya't makakasiguradong malinis at Halal ang lahat ng food preparation.

For other inquires : message nyo lang po ang mga respective pages.

Eat Halal. Spread Halal.

Jazaakumullahu Khayran !

27/12/2021

Address

Blk 26 Lot 14, Kinababa Halal Resto Cafe
Dasmariñas
4114

Telephone

+639272729070

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nora Capariño Helping Hand posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share