JCKL YOUTH DBB-1

Directions

JCKL YOUTH DBB-1 Jesus Christ King of kings & Lord of lords. He is the same yesterday, today and forever. -Hebrews 13

11/05/2021

AMEN☝️❤️🙌

29/12/2020

HAPPY 9th ANNIVERSARY JCKL YOUTH DBB-1

09/09/2020

September 09, 2020
Bro. Jazero Crisostomo

Magandang hapon kumusta kayo? Gusto ko lang ishare ung passage sa Psalms 46:10 Be still, and know that I am God: I will be exalted among the heathen, I will be exalted in the earth.
Unti unti nang bumabalik ang dating takbo ng kapaligiran balik negosyo ,trabaho, pati pagaaral kasama nito ung tinatawag na NEW NORMAL.
Napakasarap lang isipin na sa kabila nang nga kaganapan patuloy tayong itinatawid ng Dios sa pang araw araw na buhay. Sa panahon ngayon maraming tao ang nakikibaka sa ibat ibang uri ng laban pero karamihan isip ang kalaban ,ang sanhi ay takot at pangamba. Mahirap kalaban ang isip at kapag nakikita ang realidad kahit gano pa kalakas ang iyong pananampalataya ay talagang nakalapanghina si Pedro nga na laging kasama si Jesus nung minsan silang nasa bangka at humangin nang napakalakas hindi bat natakot din si Pedro? Kahit sia mismo pisikal na kasma si Jesus sa bangka kilala at nakakasama ang Panginoong Hesus ay talagang nakaramdam ng takot. Bilang Kristyano maraming mga bagay ang makakapagcreate ng takot sa ating isipan lagi nating inaalala ang araw ng bukas ang ating kakainin ang mga bayarin ang ating magiging ikabubuhay at ating future.. Pano ung career na pinangarap ?pano ung studies natin ngaun ? Normal na magkaroon ng takot, ang hindi normal ay mabuhay tayo sa takot at maapektuhan ang ating isip at kilos. Bilang Kristyano napakasarap na meron tayong assurance na meron tayong matatakbuhan at malalapitan sa panahon nang pangagailangan... Lahat nang uri ng pangagailangan nasa Panginoong Hesus sabi ng Acts 17:25b He giveth to all life, and breath, and all things; Sa kanya nagmumula ang buhay, kagalingan karunungan at kapanatagan Salamat sa Panginoong Hesus dahil unti unti bumabalik na sa normal at nagkakaron na rn ng mga fellowship kaya lagi natin isipin na ang biyaya ng Dios ay sapat sa ating mga buhay❤

08/09/2020

September 08, 2020
Sis. Rina Fernandez

Kapatid, kumusta ka na?
Pagod ka na ba sa first week of classes?
O pagod ka na maghintay magsimula ang pasukan?
Pagod na ba sa tambak na gawain sa trabaho?
Pagod na bang mag-isip?
Take a break muna! Devotion muna tayo! 

Psalm 55:6
I said, "Oh, that I had the wings of a dove! I would fly away and be at rest.”

Isinulat ni Haring David itong verse na ito after siyang pagtaksilan ng anak niyang si Absalom. Grabe no? ang laki ng problema ni Haring David, kasi yung anak niya sinubukang kuhain yung kaharian niya. Oo! anak niya mismo! Sobrang discouraged siya kaya napasabi siya na kung may pakpak lang siya, he will fly away and be at rest.

Katulad ni Haring David, may mga pagkakataon sa buhay natin na gusto na lang nating lumipad o gusto nating tumakbo palayo sa problema. Gusto na lang mahiga at matulog maghapon, maging hayahay at nag ho-hope na makakuha ng rest or break.
Kumbaga, TEKA! TIME OUT muna!
Yung tipong nangangarap ka na sana one day o bukas pag gising mo wala ng mga problema.
Ang sarap nun diba? walang problema, walang sakit, walang pait, walang hirap.
Pero alam naman natin na malabong mangyari yun dito sa lupa.

Lalo na ngayong pandemic, daming uncertainties, daming worries.
Yung dating puno ng pag-asa at saya, hindi maiiwasang maapektuhan at mag-alala.
Kanya-kanya tayo ng pinagdadaanan. May sari-sariling hirap at sakripisyong pasan.
Pagsubok na di natin matatakbuhan o matatakasan.
Pag natapos ang isa mayroon na naman darating.
Madalas pa nga patong-patong ang suliranin na ating dinadala.

The more na tumatakbo tayo palayo sa ating mga problema mas nagiging worst ang sitwatsyon. Kasi running away is not the answer.
The resolution is found by seeking refuge in God.

Matthew 11: 28:30
“Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. For my yoke is easy and my burden is light.”

When facing difficulties that are too much for us to handle..
Sinasabi ng Lord na ibigay natin sa Kanya lahat,
Hindi lamang Niya bubuhatin ang mga ito, bagkus sasamahan Niya tayong maglakad sa bawat sitwasyong ating tatahakin.

Sa Kanya matatagpuan ang tunay na kapayaan,
kaya kung napapagod na, balik tayo sa Kanya!
Kasi mas mapapagod ka when you sleep with worries, doubts, fears,
kailangan mo talagang ilabas yan sa Kanya. :)

Kaya kung mayroon man tayong mga iniisip, inaalala at mga pagsubok na dinadala ngayon,
Kay Lord mo ilapit!
kay Lord mo iiyak!
Kay Lord mo isumbong lahat!

100% sure ako na yung comfort and peace, ibibigay niya sa ating mga puso at isip.
In times of trouble, discouragement, anxiety and fear..
wag tayong mag-aalala, wag tayong mabalisa.
Oo. hindi naman talaga natin kaya,
makakaya lamang natin kung si Lord ang ating kasama.
Kung sa Kanya itataas ang lahat ng pag-aalala, mapupuno tayo ng pag-asa.

Kaya kapatid, Laban!
I-claim na natin ang ating victory in the name of Jesus!

Maraming pagsubok man ang atin pang haharapin, if we have Jesus in our lives then we will have the power to overcome those trials.

Pagod kana ba ? Puro nalang ba problema ? Hirap ka na ba ?
Pray at tiwala lang sa Lord! Kaya mo yan! ;)

1 Corinthians 10:13
Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng ibang tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang malampasan ito.

💕

07/09/2020

September 07, 2020
Sis. Jeanette Guevarra

"Do not conform. Be TRANSFORMED"

“BEING A CHRISTIAN IS NOT JUST ABOUT PRAYING, READING AND SHARING GOD’S WORD, IT’S ALSO ABOUT BEING A GOOD EXAMPLE” 😊

Mga kabataan, paalala tips lang. During this pandemic, if you want peace sa bahay ninyo make sure to spend your time wisely.

If you want to do the things you like (gaming, facebooking, chatting friends, tiktok, basa ng wattpad, nood ng mga movies or vlogs, or a hobby) make sure na same lang yung focus na binibigay niyo sa mga bagay na yan at sa mga bagay na mahalaga or kailangan ninyong gawin like online classes ninyo o yung paper works, projects, gawaing bahay at marami pang iba. Kung gusto niyong di na mapagalitan ng magulang niyo, magkusa na agad sa mga gawaing bahay na alam mo namang ipapagawa nila sayo.

AT KUNG MAY TIME KA PARA SA MGA BAGAY NA GUSTO MO, IBIG SABIHIN MAY TIME KA RIN DAPAT KAY GOD. MAHAL MO SIYA DIBA?

KUNG MAHAL MO O MAHALAGA SAYO ANG ISANG BAGAY O ISANG TAO, MAGBIBIGAY KA NG ORAS SA KANYA, HINDI YUNG TIRA-TIRA LANG NA ATENSYON KUNDI PAGLALAANAN MO TALAGA NG ORAS.

Kung tayo nga nasasaktan pag walang time satin yung kaibigan natin, or yung taong mahalaga sa atin, ganun din si Lord, nasasaktan Sya pag nawawalan ka/tayo ng time sa Kanya. Tayo na sana magkusa na kilalanin pa Siya ng lubusan at maglaan ng oras para kausapin Siya at magbasa ng mga salita Nya.

* Si Isaac, nung binata siya, sumunod sya sa tatay niya kahit hindi niya alam na buhay na pala niya ang kapalit.
* Si Josiah, 8 years old nung naging hari siya “He did what is right in the eyes of the Lord.”
* Si David, nagpepraise and worship at a young age, while doing his daily chores.
* And si Jesus mismo... He knows he belong to the temple, teaching God’s word but still obeyed his earthly parents.

We are Christians. We are to follow Christ diba? We are to live differently.

* To obey our parents.
* To do our best in everything we do. Not to please others but to please God.
* To spend time with the Lord and live like Jesus.

Sana hindi na tayo yung kabataan na sasabihan pa, sesermonan at sasawayin pa ng magulang o ng ibang tao. We should set a good example, yun bang ang makikita sa atin ay yung pagbabago, yung kabataang Kristiyano na kakaiba at hindi katulad ng nasa mundo. Yung kahit walang nakakakita satin, e ginagawa natin yung tama, yung mga bagay na nakakalugod kay Lord. Sa ganoong paraan, hindi lang ang mga magulang natin ang matutuwa, kundi higit lalo Siya na nakakakita ng lahat ng ating ginagawa.🙏☝️❤️❤️💕

“Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.”
Roma 12:2
💕

15/08/2020

Isang lingkod ng Diyos na sa ministeryo'y nangalaga at nagmahal nang lubusan.
Buhay niya'y laging laan sa Poong Maykapal.
Butihing lingkod ng Diyos na pinili at hinirang.

Lingkod ng Diyos na ito tunay ngang kakaiba.
Mula't-mula pa'y sa buhay namin kalakasan ang dala.
Panalangin niya'y tunay na makapangyarihan.
Di man pang miss universe ang kaniyang katawan,
Mapagmahal na ina at dakilang lola naman.

Ptra. Marina Moroña ang kaniyang ngalan.
Marami ng pagsubok sa buhay niya'y dumaan.
Pero nanatiling ang Diyos ang kanyang sandigan.
Kahit nga nagpupumilit sa kaniyang pagbirit,
Kabutihan ng Panginoon ang lagi niyang sambit-sambit--🌷

We will miss you Nanay Marina :(
We will cherish your words of wisdom and counsel forever. You are a blessing in our lives. Salamat po, we love you! 💛

Condolences and prayers for the Moroña family. May the Lord embrace you with comfort and peace. 🙏🙏

27/07/2020

July 27, 2020
Sis. Ruth Guevarra

WHY DO PEOPLE COME AND GO ?

Sometimes mapapaisip nalang tayo na "bakit kailangan pang dumating yung isang tao sa buhay natin kung sa huli iiwan din tayo?

Kapatid, ang blessing ni Lord hindi lang dun sa mga dumadating sa'yo, minsan pati rin dun sa mga umaalis sa buhay mo.

Minsan may inaalis si Lord na tao sa buhay natin not to hurt us but to save us from the wrong person. Okay lang na basagin tayo ni Lord basta matupad yung will Niya sa buhay natin. Hindi naman kasi lahat ng tao na dadating sa buhay natin is magiistay lahat ng tao iiwan tayo. No matter what, all of them are blessings. Sinaktan ka man niya or hindi. Because it helps you to be a better and strong person na hindi nanggagaling sa ibang tao bagkus nanggagaling kay Kristo mismo. Minsan yun din kasi yung nagiging way para mas makilala natin si Lord. Kasi everytime na basag na basag na tayo kay Lord lang tayo makakatakbo. Kay Lord at kay Lord pa din tayo babalik kasi Siya lang din naman yung bubuo't bubuo sa atin.
"The Lord is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit." - Psalm 34:18

Remember this,
In life, you'll realize that there is a purpose for every person you meet. Some are there to test you. Some will use you. Some will teach you. And some will bring out the best in you. So, be thankful.

Kapag may inalis na tao si Lord sa buhay mo expect mong may ipapalit Siyang mas better dun. Yung mas deserve mo at mas deserve ka niya. Maghintay kalang!💖

"THERE'S A PERFECT TIME FOR EVERYTHING"
-Ecc. 3:11

God said,
Don't worry about love. As long as I'm existing you will be loved.❤

💕

20/07/2020

July 20, 2020
Sis. Angelica Vendiola

'Watch and pray so that you will not fall into temptation.' -Matthew 26: 41

Kapatid, tatanungin kita naranasan mo naba makaramdam na parang kulang ka?
na parang may kulang sa pagkatao mo?
parang pakiramdam mo kulang ka sa pagmamahal?
At bilang isang kabataan na naghahanap ng kulang na 'yon, akala mo mahahanap mo yun sa paraan ng pakikipag relasyon ng maaga. Akala mo siya na yung bubuo sayo, sa pagmamahal na hinahanap mo.
Pero nung nasa relasyon kana, dahil nga wala ka pa sa tamang panahon para sa seryosohang relasyon, marami ka pang hindi alam, tapos napagtanto mo rin na hindi pala siya yung makakabuo sayo, pero huli na, huli na kase nasaktan kana.
At ito ka ngayon umiiyak sa maling tao sa murang edad, isipin mo sa ganyang edad mo dapat masaya ka lang, hindi mo pa dapat nararanasan masaktan dahil lang sa maling tao, maling pag-ibig.
Bebe, let me remind you, kung alam mong kulang ka huwag na huwag kang papasok sa relasyon dahil walang ibang makakapuno ng pagkukulang na yan kundi ang Panginoon lamang.
Sa Kanya mo lang mararanasan ang magmahal at mahalin ng buo pero hinding hindi ka masasaktan.
Kapatid bata ka pa, huwag mong hayaan masaktan ka dahil sa kakahanap ng pagmamahal na pakiramdam mo kulang sayo.
Kay Lord safe ka, mabubuo ka :) darating yung panahon ibibigay ka ni Lord sa tamang tao, yung taong alam ni Lord na mamahalin ka kagaya ng pagmamahal niya.
* a woman that will truly lead you to Christ.
* a man that will truly lead you to Christ.
(pray for this kind of person)


💕

Address

Dasmariñas
4114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JCKL YOUTH DBB-1 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share