02/08/2026
Muling pinaranas ng Diyos nung nakaraan linggo ang Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Presensiya at ang Kanyang kalooban ay inihayag Niya sa pamamagitan ng Kanyang mga Salita na ibinahagi ng Kanyang Linkod na si Pastor Jerick Faz. Ang kalooban ng Diyos ay ang huwag nating hayaan na mahiwalay tayo sa unang pag-ibig sa Diyos bagkus ito ay laging taglayin natin saan man tayo naroroon at magpunta kaya naman ang Panginoon ay patuloy sa pagpapaalala upang nang sa gayon ay hindi natin ito malimutan at maiwan. Binigyang diin Niya rin sa pamamagitan ng Kanyang mga Salita na ito’y ituro sa susunod na henerasyon upang ito ay magpatuloy at magkaroon ng takot sa Diyos ang mga tao at sa pamamagitan nito’y tiyak na pasasaganahin ng Diyos ang Kanyang mga anak na sumusunod sa Kanyang mga Salita sapagkat ang mga nagmamahal sa Kanya ay pinagpapala at nililigtas Niya.
[Deuteronomio 6:1-9 RTPV05]
¹ “Ito nga ang Kautusan at mga tuntuning ibinigay Niya sa akin, na siya ninyong susundin sa lupaing inyong sasakupin.
² Ang mga ito'y ibinigay sa inyo ni Yahweh at sa inyong mga anak at sa mga susunod na salinlahi upang magkaroon kayo ng TAKOT SA KANYA. Kung ito’y susundin ninyo, HAHABA ANG INYONG BUHAY.
³ Kaya nga, pakinggan ninyo ito at sunding mabuti. Kung magkagayo’y SASAGANA KAYO, at DADAMI ANG INYONG LAHI pagdating ninyo sa lupaing ipinangako ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, sa lupaing mayaman at sagana sa lahat ng bagay.
⁴ “Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh.
⁵ IBIGIN MO SI YAHWEH NA IYONG DIYOS NANG BUONG PUSO, BUONG KALULUWA AT BUONG LAKAS.
⁶ Ang mga utos Niya'y itanim ninyo sa inyong puso.
⁷ Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga.
⁸ Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo,
⁹ isulat sa mga hamba ng pintuan ng inyong bahay at mga tarangkahan.
[Mateo 22:35-40 MBBTAG]
³⁵ Isa sa kanila, na dalubhasa sa Kautusan, ang nagtanong kay Jesus upang subukin ito.
³⁶ “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” tanong niya.
³⁷ Sumagot si Jesus, “IBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIYOS NANG BUONG PUSO MO, BUONG KALULUWA MO, AT BUONG PAG-IISIP MO.
³⁸ Ito ang pinakamahalagang utos.
May we never lose our first love for Jesus. ❤️🔥
Join us every Sunday in our Sunday Worship Night, 7:00 PM.
📍Block 61 Lot 18 Phase 4, Mabuhay City Subdivision, Paliparan 3 (The street is in front of Mabuhay City Clubhouse)
Come with an expectant heart. God is still moving today and tomorrow.