Sacred Heart of Jesus Parish, DBB-C

Sacred Heart of Jesus Parish, DBB-C Welcome to the Official page of the Sacred Heart of Jesus Parish, DBB-C.

A Roman Catholic Church located in San Simon, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines. This page is being managed by the Social Communications Ministry of the Parish.

๐๐€๐€๐๐˜๐€๐˜๐€Ang ๐’๐ฎ๐ง๐๐š๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ay muling magsisimula sa darating na ๐๐„๐๐‘๐„๐‘๐Ž ๐ŸŽ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”. Sa mga nais magpalista ay mangyaring ma...
11/01/2026

๐๐€๐€๐๐˜๐€๐˜๐€

Ang ๐’๐ฎ๐ง๐๐š๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ay muling magsisimula sa darating na ๐๐„๐๐‘๐„๐‘๐Ž ๐ŸŽ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”. Sa mga nais magpalista ay mangyaring magpunta sa Opisina dala ang ๐—•๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ng bata na nasa ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐Ÿ— na taong gulang pataas.

๐Ÿ“Œ ๐„๐๐„๐‘๐Ž ๐Ÿ‘๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
2:00 n.h
Parents/Guardian Orientation

๐๐€๐†๐ƒ๐ˆ๐‘๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐’๐“๐Ž. ๐๐ˆร‘๐Ž | (๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’‚๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’๐’)"๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ฝ๐‘จ ๐‘ท๐‘ฐ๐‘ป ๐‘บ๐‘ฌ๐‘ต๐’€๐‘ถ๐‘น!!!"Tuwing Ikatlong Linggo ng Enero Ipina...
10/01/2026

๐๐€๐†๐ƒ๐ˆ๐‘๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐’๐“๐Ž. ๐๐ˆร‘๐Ž | (๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’‚๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’๐’)

"๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ฝ๐‘จ ๐‘ท๐‘ฐ๐‘ป ๐‘บ๐‘ฌ๐‘ต๐’€๐‘ถ๐‘น!!!"

Tuwing Ikatlong Linggo ng Enero Ipinagdiriwang sa ating bansa ang Kapistahan ng ๐—ฆ๐˜๐—ผ. ๐—ก๐—ถรฑ๐—ผ, ito ay may malalim na kaugnayan ng pagdating ng Kristiyanismo sa bansa at itinuturing na isa sa pinakamahalagang simbolo ng pananampalatayang Katoliko ng mga Pilipino.

Noong 1521, dumating sa Cebu ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan. Bilang bahagi ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, bininyagan sina Rajah Humabon at ang kanyang asawa na si Hara Amihan (na pinangalanang Reyna Juana). Bilang regalo sa binyag, ibinigay ni Magellan ang isang imahe ng Sto. Niรฑo (Batang Hesus) kay Reyna Juana. Ito ang pinakamatandang imaheng Kristiyano sa Pilipinas.

Pagkaraan ng mahigit 40 taon, noong 1565, bumalik sa Cebu ang mga Espanyol sa pamumuno ni Miguel Lรณpez de Legazpi. Natagpuan ng mga sundalo ang imahe ng Sto. Niรฑo sa loob ng isang nasunog na bahay, ngunit hindi ito nasira, na itinuring ng mga tao bilang isang himala. Dahil dito, lalong lumaganap ang debosyon sa Sto. Niรฑo. Itinatag ang Basilica Minore del Santo Niรฑo sa Cebu bilang tahanan ng banal na imahe. Mula rito, kumalat sa ibaโ€™t ibang bahagi ng bansa ang debosyon sa Sto. Niรฑo bilang simbolo ng pagiging Kristiyano ng mga Pilipino, kababaang-loob at pananampalataya, pag-asa at proteksyon.

๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—”๐—ž๐——๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—š๐—”๐—ช๐—”๐—œ๐—ก:

๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—”: 6:00 N.U. , 8;00 N.U. at 4:00 N.H.
๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ž๐—ข๐—Ÿ (๐—ฆ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜„-๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป) - 2:30 N.H.

(Hinihikayat ang pagdadala ng imahen ng Sto. Niรฑo sa bawat Misa para mabasbasan, gayundin sa Karakol. Maaaring magsuot ng damit pang-karakol ang mga dadalo.)

"๐˜ฝ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™‰๐™žรฑ๐™ค ๐™ƒ๐™š๐™จ๐™ช๐™จ, ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜ฟ๐™–๐™ž๐™œ๐™™๐™ž๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™จ๐™– ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ž๐™จ๐™ž๐™œ."

๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐๐Ž๐Ž๐๐† ๐‡๐„๐’๐”๐’ ๐๐€๐™๐€๐‘๐„๐๐Ž"๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—œ๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐— ๐—”๐—”๐—ฆ, ๐—”๐—ง ๐—”๐—ž๐—ข ๐—ก๐—”๐— ๐—”'๐—ฌ ๐—•๐—จ๐— ๐—”๐—•๐—”." - ๐—๐—จ๐—”๐—ก 3:30Nakikiisa ang ating...
07/01/2026

๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐๐Ž๐Ž๐๐† ๐‡๐„๐’๐”๐’ ๐๐€๐™๐€๐‘๐„๐๐Ž

"๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—œ๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐— ๐—”๐—”๐—ฆ, ๐—”๐—ง ๐—”๐—ž๐—ข ๐—ก๐—”๐— ๐—”'๐—ฌ ๐—•๐—จ๐— ๐—”๐—•๐—”." - ๐—๐—จ๐—”๐—ก 3:30

Nakikiisa ang ating Parokya sa buong Simbahan sa Pilipinas ng Pagdiriwang ng Pambansang Kapistahan ng ๐—ฃ๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—ก๐—ฎ๐˜‡๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ผ sa darating na ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ- 9 ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ, kaugnay nito magkakaroon ng ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ -5 ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐—ป at susundan ng ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ - ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ. Hinihikayat po ang mga mananampalataya na makiisa at dumalo sa mga banal na gawain.

"๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™†๐™๐™๐™Ž ๐™ˆ๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™†๐™„๐™‰๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰ ๐˜ผ๐™” ๐™Ž๐˜ผ๐™‚๐™„๐™Ž๐˜ผ๐™‚ ๐™‰๐™‚ ๐˜ผ๐™ˆ๐™„๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐™‡๐™„๐™‚๐™๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ๐™‰."



๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐งDISYEMBRE 24-25, 2025Noong ika-24 ng Disyembre 2025, sa Pagmimisa ...
03/01/2026

๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง
DISYEMBRE 24-25, 2025

Noong ika-24 ng Disyembre 2025, sa Pagmimisa sa Bisperas ng Pasko, ating pinagnilayan ang Mabuting Balita ayon kay Mateo 1, 1โ€“25 โ€” ang masunuring pananampalataya ni San Jose at ang katuparan ng pangako ng Diyos sa pagsilang ni Hesus na Emmanuel, ang Diyos na sumasaatin.

At noong ika-25 ng Disyembre, sa Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon, ating ipinagdiwang ang Salitang naging tao ayon sa Juan 1, 1โ€“18 โ€” ang Liwanag na dumating sa sanlibutan upang magbigay-buhay, pag-asa, at kaligtasan.

Ang Pasko ay hindi nagtatapos sa Disyembre 25. Ito ay isang paanyaya sa atin na ipagpatuloy ang pagsilang ni Kristo sa ating mga puso sa pamamagitan ng pag-ibig, pagpapakumbaba, pagtitiwala sa Diyos, at paglilingkod sa kapwa. Sa bawat araw na isinasabuhay natin ang Mabuting Balita, patuloy nating ipinagdiriwang ang Pasko.

Nawaโ€™y maging saksi tayo ng Liwanag ni Kristo sa ating mga tahanan at pamayanan. Maligayang Pasko at Mapagpalang Pasko ng Pagsilang ng Panginoon! ๐ŸŒŸ๐ŸŽ


๐๐€๐๐”๐๐”๐‹๐”๐˜๐€๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“๐‘บ๐’‚ ๐’ˆ๐’Š๐’•๐’๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’…๐’Š๐’๐’Š๐’Ž, ๐’๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’š ๐’๐’Š๐’˜๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ โœจNoong Disyembre 24, 2025, ganap na ika-7 ng gabi, ang Panunuluyan...
28/12/2025

๐๐€๐๐”๐๐”๐‹๐”๐˜๐€๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“
๐‘บ๐’‚ ๐’ˆ๐’Š๐’•๐’๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’…๐’Š๐’๐’Š๐’Ž, ๐’๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’š ๐’๐’Š๐’˜๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ โœจ

Noong Disyembre 24, 2025, ganap na ika-7 ng gabi, ang Panunuluyan 2025 na may temang: ๐™Ž๐™– ๐™œ๐™ž๐™ฉ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ข, ๐™ก๐™–๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ก๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ na ginanapan nina Gwen Dogelio bilang Maria at Benedict Omlang bilang Jose, ay muling nagpaalala sa atin ng kahalagahan ng pananampalataya at malasakit sa kapwa. Sa bawat maybahay na sinalamin ang kasalukuyang kalagayang politikal at panlipunan ng Pilipinas, nakita natin ang mga realidad ng ating bayanโ€”may pagtanggi, pangamba, at pagod, ngunit may mga pusong nananatiling bukas at handang umunawa.

Sa paglalakbay nina Maria at Jose, pinaalala sa atin na sa gitna ng kaguluhan at dilim ng lipunan, may liwanag na sisilang kung pipiliin nating tumanggap, manindigan sa katotohanan, at magmahal. Sinundan ito ng Banal na Misa bilang masayang pagdiriwang ng pagsilang ni Hesusโ€”ang Liwanag ng Sanlibutan, pinagmumulan ng pag-asa, kapayapaan, at bagong simula para sa bawat isa.



๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐ˆ๐Š๐€-๐’๐ˆ๐˜๐€๐Œ ๐๐€ ๐’๐ˆ๐Œ๐๐€๐๐† ๐†๐€๐๐ˆDISYEMPRE 23, 2025Sa ika-siyam at huling Simbang Gabi, ating pinagninilayan ang Mabut...
24/12/2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐ˆ๐Š๐€-๐’๐ˆ๐˜๐€๐Œ ๐๐€ ๐’๐ˆ๐Œ๐๐€๐๐† ๐†๐€๐๐ˆ
DISYEMPRE 23, 2025

Sa ika-siyam at huling Simbang Gabi, ating pinagninilayan ang Mabuting Balita ayon kay Lucas 1:67โ€“79โ€”ang papuri ni Zacarias na puspos ng pasasalamat at pag-asa. Sa kanyang mga salita, ipinahayag ang katapatan ng Diyos sa Kanyang pangako: ang pagdating ng liwanag na mag-aalis sa dilim, ang kaligtasang magpapalaya sa Kanyang bayan, at ang kapayapaang gagabay sa ating mga hakbang.

Ang Simbang Gabi ay hindi lamang isang tradisyon na tinatapos, kundi isang paanyaya na buksan ang ating mga puso sa biyaya ng Diyos. Tulad ng ipinahayag sa Ebanghelyo, tayo rin ay tinatawag na maglingkod sa Kanya nang may kabanalan, katarungan, at walang takotโ€”sa araw-araw ng ating buhay.

Sa pagsapit ng Pasko, nawaโ€™y tanggapin natin si Kristo bilang liwanag sa ating mga pangamba, pag-asa sa ating paghihintay, at kapayapaan sa ating mga puso. Nawa ang ika-siyam na Simbang Gabi ay maging simula ng mas malalim na pananampalataya at mas tapat na pamumuhay bilang mga anak ng Diyos.


๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐ˆ๐Š๐€-๐–๐€๐‹๐Ž๐๐† ๐’๐ˆ๐Œ๐๐€๐๐† ๐†๐€๐๐ˆDISYEMBRE 22, 2025Sa ika-walong Simbang Gabi, inaanyayahan tayong magpuri sa Panginoon ...
24/12/2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐ˆ๐Š๐€-๐–๐€๐‹๐Ž๐๐† ๐’๐ˆ๐Œ๐๐€๐๐† ๐†๐€๐๐ˆ
DISYEMBRE 22, 2025

Sa ika-walong Simbang Gabi, inaanyayahan tayong magpuri sa Panginoon sa Kaniyang dakilang mga gawa at pagpapala sa sanlibutan. Sa Kaniyang pagmamahal at kabutihan, ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak na si Hesukristo upang tubusin ang ating mga pagkakasala. Sa ating pagbasa, sumasalamin ang pagpupuri ni Maria sa pamamagitan ng pag-aalay ng awitin sa Panginoon.

Sa Mabuting Balita ayon kay Lucas 1:46โ€“56, nakapaloob ang awitin ni Maria sa Panginoonโ€”isang pagpupuri at pasasalamat sa Dakilang Diyos sa paglingap sa kaniya bilang isang abang alipin at sa paggawad sa kaniya bilang tulay ng pagpapala sa sanlibutan sa pamamagitan ng pagdadalang-tao kay Hesukristo. Gayundin, siya ay naging saksi kay Elisabet na nagdalang-tao sa kabila ng katandaan. Ang kagalakan ni Maria ay malinaw na inilalarawan sa kaniyang awiting inialay sa Panginoong Diyos.

Katulad ni Maria, nawaโ€™y makita natin ang pagpapala at kabutihan ng Panginoon sa mga biyaya at pagkakataong ating natatanggap sa buhay. Buong-puso tayong lumapit at magpasalamat sa Dakilang Diyos sa Kaniyang kabutihan sa pamamagitan ng pakikiisa sa Banal na Misa. Mapagkumbaba nating tanggapin ang Panginoon at gawin Siyang sentro ng mga desisyong ating ginagawa. Tularan natin si Maria na masunurin at patuloy na nagpupuri sa Panginoon.


๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐ˆ๐Š๐€-๐๐ˆ๐“๐Ž๐๐† ๐’๐ˆ๐Œ๐๐€๐๐† ๐†๐€๐๐ˆDISYEMBRE 21, 2025Sa ika-pitong Simbang Gabi at ika-apat na Linggo sa Panahon ng Pagdat...
24/12/2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐ˆ๐Š๐€-๐๐ˆ๐“๐Ž๐๐† ๐’๐ˆ๐Œ๐๐€๐๐† ๐†๐€๐๐ˆ
DISYEMBRE 21, 2025

Sa ika-pitong Simbang Gabi at ika-apat na Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (Taon A), hinihikayat tayo na isabuhay ang ating pananampalataya at magbalik-loob sa Panginoon. Ang kalooban ng Panginoon ang gumagabay sa atin sa tamang landas at nagiging daan upang tayo ay maging instrumento ng kabutihan sa kapwa. Katulad ni Jose sa ating pagbasa, sinunod niya ang kalooban ng Panginoon nang pakasalan niya si Maria at maging tulay sa Pagdating ng ating Tagapagligtas sa sanlibutan. Buksan natin ang ating kalooban upang tanggapin ang paghahari ng Panginoong Diyosโ€”si Hesukristo.

Sa Mabuting Balita ayon kay Mateo 1:18โ€“24, ipinahayag sa atin ang pagiging matuwid na tao ni Jose. Bagamaโ€™t may pagdadalawang-isip siyang pakasalan si Maria nang malaman niyang ito ay nagdadalang-tao, binisita siya ng anghel sa panaginip upang bigyang-linaw ang biyayang dala-dala ni Maria sa kaniyang sinapupunan. Ito ang naging hudyat kay Jose upang sundin ang utos ng anghel ng Panginoon at pakasalan si Maria. Ang pananalig ni Jose sa kalooban ng Panginoon ang nagpatibay sa kaniyang pananampalataya upang gawin ang nararapat at maisilang ang ating Tagapagligtas sa sanlibutan.

Tayo rin, maunawaan nawa natin ang kalooban ng Panginoon sa pamamagitan ng pagninilay sa Kaniyang Salita at pagsasabuhay ng mabubuting gawain. Katulad ni Jose, tularan natin ang kaniyang buong-pusong pagtanggap sa kautusan ng Panginoon at maging tulay ng paghahari ng Panginoon sa sanlibutan. Maaari tayong maging instrumento ng kalooban ng Panginoon at mahikayat ang bawat isa na gawin ang tama para sa ikabubuti ng ating lipunan.

Lahat tayo ay maaaring magbalik-loob sa Panginoon at isabuhay ang ating pananampalataya. Alleluya! Halina Hesus, Halina!


๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐ˆ๐Š๐€-๐€๐๐ˆ๐Œ ๐๐€ ๐’๐ˆ๐Œ๐๐€๐๐† ๐†๐€๐๐ˆDISYEMBRE 20, 2025Sa ika-anim na Simbang Gabi, pinagnilayan natin ang Mabuting Balita ...
23/12/2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐ˆ๐Š๐€-๐€๐๐ˆ๐Œ ๐๐€ ๐’๐ˆ๐Œ๐๐€๐๐† ๐†๐€๐๐ˆ
DISYEMBRE 20, 2025

Sa ika-anim na Simbang Gabi, pinagnilayan natin ang Mabuting Balita ayon kay San Lucas 1, 26โ€“38 โ€” ang Pagpapahayag ng Anghel kay Maria. Sa kanyang mapagpakumbabang โ€œoo,โ€ ipinakita ni Maria ang ganap na pagtitiwala at pagsunod sa kalooban ng Diyos, kahit hindi malinaw ang lahat. Isang paalala ito na ang Diyos ay kumikilos sa mga pusong handang magtiwala at mag-alay ng sarili.

Kasabay nito, sinisindihan natin ang ika-apat at huling kandila ng Adbiyento na sumisimbolo sa Pag-ibig. Ang pag-ibig na nagmula sa Diyos, ipinakita sa pamamagitan ng pagdating ni Hesus, at isinabuhay ni Maria sa kanyang lubos na pagtanggap sa misyon na ipinagkatiwala sa kanya. Ito ang pag-ibig na handang magsakripisyo, magtiwala, at magbigay ng liwanag sa gitna ng dilim.

Habang papalapit ang Pasko, nawaโ€™y maging tulad ni Maria ang ating pusoโ€”puno ng pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Nawaโ€™y ang liwanag ng huling kandila ay magsilbing paanyaya sa atin na magmahal nang tapat, maglingkod nang bukal sa loob, at tanggapin si Hesus bilang sentro ng ating buhay.


๐๐€๐€๐๐˜๐€๐˜๐€!๐—ฃ๐—”๐—ก๐—จ๐—Ÿ๐—จ๐—ฌ๐—”๐—ก 2025 | โ€œ๐—ฆ๐—” ๐—š๐—œ๐—ง๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐——๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐— , ๐—Ÿ๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—Ÿ๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—”๐—š."Ating tunghayan ang Pagsasadula ng Kapanganakan ng Pan...
23/12/2025

๐๐€๐€๐๐˜๐€๐˜๐€!

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—จ๐—Ÿ๐—จ๐—ฌ๐—”๐—ก 2025 | โ€œ๐—ฆ๐—” ๐—š๐—œ๐—ง๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐——๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐— , ๐—Ÿ๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—Ÿ๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—”๐—š."

Ating tunghayan ang Pagsasadula ng Kapanganakan ng Panginoong Hesukristo, ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao na sumasa atin, ang "๐—˜๐— ๐— ๐—”๐—ก๐—จ๐—˜๐—Ÿ". Ito ay sa ganap na ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ na susundan ng Banal na Misa sa Gabi ng Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon.

Ang Panunuluyan ay hindi lamang isang dula o tradisyon tuwing panahon ng Kapaskuhan. Ito ay sumasalamin ng isang mas malalim na katotohanan ng ating pananampalataya: ang paghahanap ng Diyos ng tahanan sa puso ng tao.

Makikita natin sina Maria at Jose na pagod, nangangailangan, at tila walang mapuntahan. Paulit-ulit silang tinatanggihanโ€”walang lugar, walang bakante, walang oras.

Ang Panunuluyan ay paalala na hanggang ngayon, patuloy pa ring kumakatok si Kristo sa ating mga puso. Dumarating Siya sa anyo ng mahirap, maysakit, nag-iisa, at nangangailangan ng pag-unawa.

Sa huli, ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban ay hindi tanda ng pagkatalo kundi ng kababaang-loob at pag-ibig ng Diyos. Ipinapakita nito na hindi marangyang lugar ang hinahanap ng Diyos, kundi pusong marunong tumanggap.
Nawaโ€™y ang Panunuluyan ay hindi lamang manatili sa entablado, kundi maganap sa ating buhayโ€”sa bawat pagtanggap, pagpapatawad, at pagmamahal na iniaalay natin sa kapwa.

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐ˆ๐Š๐€-๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐๐† ๐’๐ˆ๐Œ๐๐€๐๐† ๐†๐€๐๐ˆDISYEMBRE 19, 2025Sa Mabuting Balita ayon kay Lucas 1:5โ€“25, muli nating ninilayan ang k...
22/12/2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐ˆ๐Š๐€-๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐๐† ๐’๐ˆ๐Œ๐๐€๐๐† ๐†๐€๐๐ˆ
DISYEMBRE 19, 2025

Sa Mabuting Balita ayon kay Lucas 1:5โ€“25, muli nating ninilayan ang kwento nina Zacarias at Elisabetโ€”isang paalala na ang pananampalataya ay hindi nasusukat sa bilis ng katuparan ng ating mga panalangin. Sila ay matuwid at tapat sa Diyos, ngunit sa mahabang panahon ay nabuhay na may pananabik at pananahimik, dala ang panalangin na tila hindi agad sinasagot.

Sa gitna ng kanilang katandaan at tila imposibleng sitwasyon, kumilos ang Diyos sa paraang hindi inaasahan. Ipinahayag ng anghel ang kapanganakan ni Juanโ€”isang anak na magiging tanda ng pag-asa at paghahanda sa pagdating ng Panginoon. Ngunit tulad natin, nag-alinlangan si Zacarias. Sa kanyang pagdududa, siya ay napatahimikโ€”isang katahimikang naging pagkakataon upang mas lalong magnilay, makinig, at magtiwala sa kapangyarihan ng Diyos.

Sa ikalimang Simbang Gabi, inaanyayahan tayong suriin ang ating sariling puso. Kapag tila matagal ang sagot ng Diyos, nananatili ba tayong tapat? Kapag hindi malinaw ang Kanyang plano, marunong ba tayong manahimik at maghintay? Ipinapakita ng Ebanghelyong ito na ang paghihintay ay hindi kawalan ng pag-asa, kundi bahagi ng proseso ng pananampalataya.

Habang papalapit ang Pasko, nawaโ€™y matutunan nating magtiwala sa takdang panahon ng Diyos. Sapagkat kahit sa katahimikan, Siya ay kumikilos; kahit sa paghihintay, may hinahandang biyaya; at kahit sa pagdududa, may pagkakataon para sa mas malalim na pananampalataya.


Address

Brgy. San Simon, DBB-C
Dasmariรฑas
4114

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 11am

Telephone

+639171470644

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sacred Heart of Jesus Parish, DBB-C posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Sacred Heart of Jesus Parish, DBB-C:

Share