07/11/2025
Ano ba talaga ang mga utos ng Dios na dapat nating sundin, ayon sa Banal na Kasulatan? Paano natin matitiyak na ang ating sinusunod ay hindi lang utos ng tao?
Marami sa mundo ang nagtuturo ng iba’t ibang aral, kaya’t mahalagang suriin at paghambingin ang lahat: alin ba ang utos ng Dios at alin ang utos ng mga tao? Dahil tanging ang utos ng Dios ang nararapat nating sundin.
Kaya naman, taos-puso po kaming nag-aanyaya sa inyo sa pagbubukas ng panibagong sesyon ng MCGI Mass Indoctrination.
Samahan po ninyo kami sa darating na ika-10 ng Nobyembre (Lunes), sa ganap na alas-7 ng gabi (Philippine Standard Time).
Sa loob ng 14 na araw, kung loloobin ng Panginoon, tuklasin po natin ang tunay na aral ng Banal na Kasulatan tungkol sa pagiging kapatid kay Cristo sa pamamagitan ng pag-unawa at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Matuto po tayo mula sa mga turo na ipinag-utos ng ating Panginoong Jesucristo na ituro.
Ang mga sesyon ay gaganapin tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas-7 ng gabi.
Maaari po ninyong panoorin ang live stream sa lahat ng official MCGI social media accounts (YouTube, Facebook, Instagram, etc.).
Maaari rin kayong dumalo nang personal sa pinakamalapit na MCGI Coordinating Center sa inyong lugar.
Para sa pagpapatala ng inyong attendance at sa iba pa naming maaaring maipaglingkod, makipag-ugnayan lamang po sa Servant sa pinakamalapit na lokal sa inyong lugar.
Sa aming mga bisita, para maiugnay po namin kayo sa pinakamalapit na lokal, maaari po kayong mag-iwan ng mensahe sa https://www.mcgi.org/join.
Maaari din po kayong makipag-ugnayan sa amin sa:
MCGI - Locale of Salawag
Contact # 0991 830 4440
Address Lot 5 and 7 Block 55 Golden City Subd., Brgy. Salawag Dasmariñas City Cavite
FRONT OF
Savemore Salawag
Huwag po nating palalampasin ang pagkakataong ito upang lumalim ang ating kaalaman sa salita ng Dios at lumakas ang ating pananampalataya.
Salamat po sa Dios!