08/10/2025
Paanyaya mula sa Parokya ni San Agustin.
Sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong iniwan ni Venerable Aloysius Schwartz, ang maglingkod kay Kristo sa pamamagitan ng mga pinakamahihirap nating kapatid, kami sa Parokya ni San Agustin ay taos-pusong nag-aanyaya sa mga magulang at mag-aaral ng Baitang 6 (Grade 6) na kapos-palad ngunit may angking sipag at potensyal, upang lumahok sa taunang pagsusulit at panayam para sa programang pang-edukasyon na hatid ng The Sisters of Mary.
Ang programang ito ay bukas para sa mga batang mula sa ating parokya at mga karatig-parokya sa loob ng Diocese of Imus.
Sa tulong ng The Sisters of Mary, layunin naming maabot ang mga batang nangangarap ng mas magandang kinabukasan ngunit salat sa oportunidad. Sa pamamagitan ng kanilang mga paaralan, ang libreng edukasyon, ay walang bayad para sa piling mga estudyanteng pumasa sa pagsusulit at panayam.
๐Sino ang The Sisters of Mary?
Ang The Sisters of Mary ay isang internasyonal na relihiyosong kongregasyon na itinatag ni Venerable Aloysius Philip Schwartz noong 1964 sa South Korea. Sa kasalukuyan, sila ay aktibo sa Pilipinas sa mga lugar tulad ng Cavite at Cebu, kung saan nagpapatakbo sila ng mga Boystown at Girlstown schools para sa mga mahihirap ngunit karapat-dapat na kabataan. Sa mga paaralang ito, tinuturuan ang mga bata hindi lamang ng akademikong kaalaman kundi pati mga kasanayang teknikal, moral, at espiritwal bilang paghahanda sa mas maayos na kinabukasan.
๐
Petsa ng Pagsusulit: Oktubre 19, 2025 (Linggo)
โฐ Oras: 8:00 AM โ 5:00 PM
๐ Lugar: Parokya ni San Agustin
Mabuhay City Subdivision, Brgy. Paliparan 3, Lungsod ng Dasmariรฑas, Cavite
Narito po ang mga requirements:
MGA KINAKAILANGAN PARA SA PAGPASOK SA PAARALAN NG SISTERS OF MARY
1. ๏ปฟ๏ปฟ๏ปฟMay 12 anyos hanggang 15 anyos na taong gulang sa Hunyo 2026.
2. ๏ปฟ๏ปฟ๏ปฟNakatapos ng elementarya o kasalukuyang nag-aaral ng Grade VI at may 80% na general average o mataas pa. Magdala ng Xerox na kopya ng Report Card
3. ๏ปฟ๏ปฟ๏ปฟKung kasalukuyang nag-aaral sa Grade VI, tiyaking maipakita ang katibayan galing sa Principal na nagsasaad na tunay na mag-aaral ng Grade VI at may good moral character.
4. ๏ปฟ๏ปฟ๏ปฟMula sa mahirap na pamilya na mayroong Php5,000.00 buwanang kita o mas mababa pa.
5. ๏ปฟWalang kapatid na nakapagtapos o kasalukuyang nag-aaral sa kahit saang Sisters of Mary School.
6. ๏ปฟ๏ปฟ๏ปฟSasamahan ng magulang o guardian sa araw ng pagsusulit.
7. ๏ปฟ๏ปฟ๏ปฟMagdala photocopy ng birth certificate at isang pirasong 1x1 ID picture sa araw ng pagsusulit.
Magkakaroon ng karagdagang mga kinakailangan na requirements pagkatapos ng pagtanggap ito ay ipaaalam pagkatapos makapasa sa pagsusulit at panayam sa pagpili.
Kung may iba pang katanungan, inaanyayahan po namin kayong makipag-ugnayan sa aming opisina ng parokya o magpadala ng personal message sa ating FACEBOOK PAGE.
Tayo pong lahat ay tinatawag na maging daluyan ng pag-asa. Sa pakikipag-ugnayan ng Parokya ni San Agustin at The Sisters of Mary, nawaโy mas marami pang kabataang Pilipino ang marating ang pangarap nila sa buhay.
Maging instrumento tayo ng pagmamahal ng Diyos sa mga kabataan.