21/05/2026
𝐈𝐊𝐀-𝐀𝐍𝐈𝐌 𝐍𝐀 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐍𝐎𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔
Sa ika-anim na araw ng Palarong Pinoy 2026, muling umapaw ang saya, sigla, at pagkakaisa sa pamamagitan ng mga larong Hold My Balls, Cup and Stick Relay, at ang pinakaaabangang Volleyball Pro Max.
Patuloy na ipinamalas ng bawat koponan ang kanilang pakikiisa, pagtutulungan, sportsmanship, at tunay na diwa ng pagkakabuklod-buklod na siyang nagbibigay buhay at kulay sa ating pagdiriwang. Sa bawat laro ay hindi lamang husay ang naipapakita kundi pati na rin ang samahan, respeto, at malasakit sa isa’t isa.
Patuloy nating ipagdiwang ang saya ng pagkakaisa at ang diwang Pinoy na puno ng sigla at pakikipagkapwa!