Immaculate Conception Parish Youth Ministry - Dasmariñas

Immaculate Conception Parish Youth Ministry - Dasmariñas Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Immaculate Conception Parish Youth Ministry - Dasmariñas, Religious organisation, Dasmariñas.

𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗠𝗔𝗦𝗦 | 𝟮𝟬𝟮𝟲Sama-samang nag-alay ng papuri sa Misa ng Kabataan, ginanap noong Enero 25, 2026 sa ating Parokya. Ito ...
28/01/2026

𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗠𝗔𝗦𝗦 | 𝟮𝟬𝟮𝟲

Sama-samang nag-alay ng papuri sa Misa ng Kabataan, ginanap noong Enero 25, 2026 sa ating Parokya.

Ito ay pinangunahan ni Reb. P. Reinier Dumaop, DLSU-Dasmariñas, Chaplain.

𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴, 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯.


Ngayong araw, Disyembre 12, 2025, pinagdiriwang natin ang ika-40 anibersaryo ng ating Kura Paroko sa kaniyang pagkapari....
12/12/2025

Ngayong araw, Disyembre 12, 2025, pinagdiriwang natin ang ika-40 anibersaryo ng ating Kura Paroko sa kaniyang pagkapari.

Maraming salamat, Fr. Agustin “Auggie” M. Baas sa 40 taon ng tapat na pagtugon sa tawag ng Panginoon upang paglingkuran ang Kanyang sambayanan, lalo na ang pamayanan.

Tunay na naging biyaya ang inyong presensya, paggabay, at panalangin para sa aming ministeryo at para sa buong Simbahan.

Nawa’y patuloy kayong palakasin at pag-alabin ng Diyos habang pinangungunahan ninyo ang Kanyang kawan nang may pagmamahal at kagalakan.

Happy Sacerdotal Anniversary, Fr. Auggie!

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: Mga kuhang larawan sa naganap na KABISIGxVOCFEST 2025 ng mga Kabataan sa Diyosesis ng Imus na dinaluhan ng atin...
01/12/2025

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: Mga kuhang larawan sa naganap na KABISIGxVOCFEST 2025 ng mga Kabataan sa Diyosesis ng Imus na dinaluhan ng ating mga Kabataan ng Parokya ng La Inmaculada Concepcion-Dasmariñas.

Ito ay ginanap noong Nobyembre 29,2025 sa LaSallete Gymnasium bilang kabahagi ng Distrito ni San Lucas at nagsagawa ng Camino Walk papunta ng Sisters of Mary Girlstown, Brgy. B**a II, Silang Cavite para sa Pagtitipon ng buong Kabataan.

See you sa next KABISIGxVOCFEST, mga KaDa!


𝗡𝗢𝗕𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟱 | 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗠𝗔𝗦𝗦Isang makabuluhan at pusong pagdiriwang ng 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 ang ginanap ngayong ika-34 o Huli...
27/11/2025

𝗡𝗢𝗕𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟱 | 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗠𝗔𝗦𝗦

Isang makabuluhan at pusong pagdiriwang ng 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 ang ginanap ngayong ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon, Nobyembre 23, 2025, na pinangunahan ni 𝐑𝐞𝐯. 𝐅𝐫. 𝐌𝐚𝐫𝐥𝐨𝐧 𝐁𝐫𝐨𝐧.

Lubos na pasasalamat sa lahat ng kabataang tumugon at nakibahagi sa banal na misa.

Muli nating itagpo ang ating mga puso sa susunod na pagtitipon, KaDa! 💙


14/11/2025

𝗣𝗔𝗠𝗔𝗦𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗢𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟱

Ang atin pong Parokya ay namamahagi ng eco bags para sa ating taunang Pamaskong Handog. Kung nais po ninyong maging bahagi sa pagmamalasakit sa kapwa, mangyari lamang po na kumuha ng eco bag sa opisina ng Parokya.

Bukas po ang opisina ng Martes hanggang Sabado, mula 8:00 AM hanggang 11:30 AM at 3:00 PM hanggang 5:00 PM.

08/11/2025

𝗣𝗔𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗢𝗙 𝗦𝗔𝗜𝗡𝗧𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟱

Ayon sa napagkasunduan na desisyon ng Parish Pastoral Council, ang nakatakdang “Parade of Saints” bukas, 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨, 𝐍𝐨𝐛𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟓, ay kanselado dahil sa nakaambang panganib na dulot ng Super Typhoon Uwan.

Ang hakbang na ito ay ginawa upang mapangalagaan ang kaligtasan ng lahat ng kalahok at ng buong pamayanan.

Ang naturang gawain ay ililipat sa susunod na taon (2026) bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Lahat ng mga Banal.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa, pakikiisa, at patuloy na panalangin para sa kaligtasan ng lahat.


𝗣𝗔𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗢𝗙 𝗦𝗔𝗜𝗡𝗧𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟱Bilang bahagi ng paggunita sa Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal, magsasagawa ang Ministri s...
04/11/2025

𝗣𝗔𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗢𝗙 𝗦𝗔𝗜𝗡𝗧𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟱

Bilang bahagi ng paggunita sa Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal, magsasagawa ang Ministri sa Kabataan ng isang prusisyon ng mga buháy na santo sa darating na 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨, 𝐍𝐨𝐛𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟗, pagkatapos ng 4:30 PM na Banal na Misa.

Layunin ng aktibidad na ito na itampok ang tunay na kahulugan ng "Todos los Santos" — isang paanyaya sa lahat na isabuhay ang kabanalan at pananampalataya bilang mga kasapi ng iisang Simbahan na patuloy na nagtataguyod ng tunay na diwa ng kabanalan at pananampalataya.


𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 | 𝗣𝗮𝗴𝘀𝗶𝘀𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮𝗻𝗱𝗶𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮Simula ngayong Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 9, 2025, isinasagawa...
01/11/2025

𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 | 𝗣𝗮𝗴𝘀𝗶𝘀𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮𝗻𝗱𝗶𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮

Simula ngayong Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 9, 2025, isinasagawa na po ang pagsisindi at novena para sa mga kandilang inyong binili noong mga nakaraang linggo. 🕯️

Ang bawat kandilang isinulat ninyo ng pangalan ng inyong mga mahal sa buhay na yumao ay kasalukuyang sinisindihan sa loob ng simbahan bilang tanda ng ating panalangin at paggunita sa kanila.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa aming Candle Selling for Undas 2025. Nawa’y maging makabuluhan at mapayapa ang ating paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay. 🙏


30/10/2025

𝐊𝐀𝐁𝐈𝐒𝐈𝐆 | 𝐕𝐎𝐂𝐅𝐄𝐒𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟓: 𝗣𝗮𝗴𝗞𝗮𝗞𝗮-𝗞𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼
𝗣𝗮𝗴-asa ng 𝗞𝗮bataang 𝗞𝗮bitenyo kay 𝗞𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼
(Hebreo 6:19)

Isang makasaysayang Pagdiriwang ng Hubileyo ng Kabataan at Bokasyon ang naghihintay sa atin!

Tayo na’t magsama-sama bilang iisang Kabataang Kabitenyo upang muling pag-alabin ang ating pananampalataya, tuklasin ang ating bokasyon.

🗓️ Nobyembre 29, 2025
📍 Sisters of Mary School Girlstown, Inc. Gymnasium, Brgy. B**a II, Silang, Cavite

Huwag palampasin ang pinaka-aabangang pagtitipon ng taon para sa mga kabataang Kabitenyo!

𝘼𝙗𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙤𝙥𝙞𝙨𝙮𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙗𝙪𝙗𝙪𝙠𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙧𝙚𝙜𝙞𝙨𝙩𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙗𝙪𝙠𝙖𝙨.



Layout Artists:
🖼️Joeneve Elamae Bonilla – Diyosesanong Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Candelaria
🖼️Lourielene Baldomero – Parokya ni San Gregorio Magno - Trece

𝗢𝗞𝗧𝗨𝗕𝗥𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟱 | 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗠𝗔𝗦𝗦Isang makabuluhan at pusong pagdiriwang ng 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 ang ginanap ngayong ika-30 Linggo s...
28/10/2025

𝗢𝗞𝗧𝗨𝗕𝗥𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟱 | 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗠𝗔𝗦𝗦

Isang makabuluhan at pusong pagdiriwang ng 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 ang ginanap ngayong ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon, Oktubre 26, 2025, na pinangunahan ni 𝐑𝐞𝐯. 𝐅𝐫. 𝐌𝐚𝐫𝐥𝐨𝐧 𝐁𝐫𝐨𝐧.

Lubos na pasasalamat sa lahat ng kabataang tumugon at nakibahagi sa banal na misa.

Muli nating itagpo ang ating mga puso sa susunod na pagtitipon, KaDa! 💙


𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛'𝗦 𝗥𝗘𝗙𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗥𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟱Noong 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟓, matagumpay na naisagawa ang 𝐢𝐤𝐚-𝐚𝐩𝐚𝐭 at 𝐡𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 Youth Reflective Ro...
28/10/2025

𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛'𝗦 𝗥𝗘𝗙𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗥𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟱

Noong 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟓, matagumpay na naisagawa ang 𝐢𝐤𝐚-𝐚𝐩𝐚𝐭 at 𝐡𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 Youth Reflective Rosary bilang pagwawakas ng pagdiriwang ng 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐑𝐨𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨.

Ginanap ito sa 𝐃𝐞𝐱𝐭𝐞𝐫𝐯𝐢𝐥𝐥𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐩𝐞𝐥, kung saan nagtipon ang mga kabataan upang sama-samang ipamalas ang kanilang pananampalataya at debosyon sa Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal at pagmumuni-muni sa mga Misteryo ng Santo Rosaryo.


Address

Dasmariñas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Immaculate Conception Parish Youth Ministry - Dasmariñas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share