27/08/2026
𝙈𝙚𝙢𝙤𝙧𝙞𝙖𝙡 𝙤𝙛 𝙎𝙩. 𝘼𝙪𝙜𝙪𝙨𝙩𝙞𝙣𝙚, 𝘽𝙞𝙨𝙝𝙤𝙥 𝙖𝙣𝙙 𝘿𝙤𝙘𝙩𝙤𝙧 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙚 𝘾𝙝𝙪𝙧𝙘𝙝
Ating ginugunita ngayong araw si San Agustin na Obispo at Pantas ng Simbahan, ang patron ng mga Teologo o Nag-aaral ng Bibliya at mga Nagbabalik-loob sa Pananampalatayang Kristiyano. Siya ay isa sa mga instrumento ng Panginoon sa paglago at pagpapalalim ng pananampalataya noong ika-4 at ika-5 siglo kung saan marami siyang naisulat upang bigyang linaw ang mga Salita ng Diyos. Ilan sa mga ito ay patungkol sa pag-unawa sa Banal na Santatlo (𝘋𝘦 𝘛𝘳𝘪𝘯𝘪𝘵𝘢𝘵𝘦) at Pangungumpisal (𝘊𝘰𝘯𝘧𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯𝘦𝘴).
Sa kabila ng mga kalituhan ng isip at puso sa ating paglalakbay sa mundong ito at paghahanap ng mga kasagutan sa ating buhay, nawa ay masumpungan natin ang mga turo at kalooban ng ating Panginoon sa pamamagitan ng kanyang mga itinalagang lingkod katulad ni San Agustin, para sa ikatitibay ng pananampalatayang ipinunla sa ating mga puso.
𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗴𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗶𝗽𝗽𝗼, 𝗶𝗽𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗺𝗼 𝗸𝗮𝗺𝗶.