Association of Women in Theology - AWIT UTS Chapter

Association of Women in Theology - AWIT UTS Chapter Enhance women's humanity, challenge patriarchal powers & principalities towards social transformation

AWIT joins the celebration of International Working Women’s Day at the Institute of Formation and Religious Studies, sta...
07/03/2026

AWIT joins the celebration of International Working Women’s Day at the Institute of Formation and Religious Studies, standing in solidarity with women of faith and courage.

With the theme “Women of Faith: Persist. Resist. Fight for Life!”, we remember the powerful witness of biblical women like Shiphrah and Puah who resisted oppression, Deborah who defended justice and the persistent widow who refused to be silenced.

Faith is a force for resistance. It persists in hope, resists injustice and fights for life in all its fullness. As ecumenical women and allies, may we continue to raise our voices and stand with those whose dignity and rights are threatened. Today we celebrate not only women’s strength, but the sacred calling to struggle together for justice, peace and life. ✊🏽💜

Happy International Women’s Day! ✨
ABANTE, BABAE! PALABAN, MILITANTE! 🩷

Kami ay nakikiisa sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power.Ang EDSA ay hindi lamang nagbigay-daan sa pagb...
25/02/2026

Kami ay nakikiisa sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power.

Ang EDSA ay hindi lamang nagbigay-daan sa pagbagsak ng diktadura kundi nagbukas din ito ng espasyo para sa kababaihan na magsalita, manindigan at makilahok sa paghubog ng bayan.

Bilang mga kasapi ng Association of Women in Theology, kinikilala namin na ang pananampalataya ay may malinaw na panig. Panig ng buhay, panig ng katarungan at panig ng mga inaapi. Ang aming pakikiisa ay pakikiisa sa mga kababaihang patuloy na humaharap sa karahasan, kahirapan at sistemikong diskriminasyon at sa lahat ng patuloy na lumalaban para sa katotohanan at demokrasya.

Pinipili naming alalahanin ang nakaraan upang managot sa kasalukuyan at kumilos para sa hinaharap. Ang alaala ay hindi pagtatapos, kundi simula ng patuloy na pakikibaka.

Nakikiisa kami para sa kababaihan, para sa bayan at para sa pananampalatayang may gawa.

03/12/2025

ABANTE BABAE, PALABAN MILITANTE! ✊🏼💗

Mabuhay ang mga Kababaihan! 💐🌸💖

🎀 Everybody’s Debut 🎀A night of celebrating strength, unity and diversity✨Through Everybody’s Debut, we honored the stor...
03/12/2025

🎀 Everybody’s Debut 🎀

A night of celebrating strength, unity and diversity✨
Through Everybody’s Debut, we honored the stories, voices and power of women because empowerment is never individual, it is collective.

Thank you to everyone who joined us and helped bring meaning and life to this gathering.
May we continue to move, love and struggle together toward a more just and liberating community 🌸💖💐

🎉 YOU ARE INVITED! 🎉Everybody’s DebutSalakot ChapelWe joyfully invite everyone to join us for Everybody’s Debut at Salak...
27/11/2025

🎉 YOU ARE INVITED! 🎉
Everybody’s Debut
Salakot Chapel
We joyfully invite everyone to join us for Everybody’s Debut at Salakot Chapel! Come and celebrate with us as we enjoy fellowship, fun, and thanksgiving together.
✨ Date: 03 December 2025
✨ Time: 6:00 PM
✨ Venue: Salakot Chapel
Please wear your best dress and be ready for a memorable celebration!
To all AWIT members:
🎁 Kindly prepare an exchange gift worth ₱200.
Let’s celebrate with joy, unity, and gratitude. See you there!

Collective Healing. Collective Resistance. Women’s Faith in Violent Times.Kanina ay isinagawa ng Center for Women & Chil...
26/11/2025

Collective Healing. Collective Resistance.
Women’s Faith in Violent Times.

Kanina ay isinagawa ng Center for Women & Children, Association of Women in Theology at KASIMBAYAN, kasama ang mga magsasaka ng Lupang Ramos, ang isang makabuluhang Wednesday Forum bilang paggunita sa International Day to End Violence Against Women at pagsisimula ng 16 Days of Activism.

Hindi lamang ito naging espasyo ng pagkatuto, ito ay naging ligtas at matapang na tahanan ng pag-alala, pagdadalamhati, paglaban at paghilom.
Sa gitna ng karahasan sa tahanan, komunidad at mga mapaniil na istruktura, tayo ay nagtipon upang ipahayag na ang pananampalataya ay hindi pagtakas kundi sandata ng paghilom at paglaban.

Sa panalangin, pagbabahagi, sining at sama-samang pagninilay, pinangalanan ang mga sugat ng karahasan at inhustisya at pinagtibay na ang paghilom ay kolektibong gawain, hindi indibidwal na pasanin.

Habang sinisimulan ang 16 Days of Activism to End Violence Against Women, iginiit namin ang paninindigan para sa dignidad, lupa, kabuhayan at buhay ng kababaihan lalo na ng mga pinakaapektado ng dahas at kapabayaan.

Sa harap ng patuloy na pagyurak sa katawan, lupa at buhay ng kababaihan, malinaw ang aming paninindigan na hindi kami tatahimik, hindi kami uurong at hindi kami mangangapa sa dilim. Sama-sama naming igigiit ang pananagutan, ipaglalaban ang dignidad at bubuuin ang komunidad ng paghilom at paglaban.

Abante Babae, Palaban Militante!
Lahat ng mapang-api at kurakot, Kailangang Managot!
We heal. We resist. We rise.
Women of Faith, Fight Back!

📸: UTS-Union Voice

Today we led the Chapel Service, commemorating International Month to End Violence Against Women. 🩷☺️
20/11/2025

Today we led the Chapel Service, commemorating International Month to End Violence Against Women. 🩷☺️

Nakiisa ang AWIT-UTS sa pagkilos at pagbitbit ng panawagan ng mga magsasaka at mamamayan ng Lupang Ramos upang harapin a...
28/08/2025

Nakiisa ang AWIT-UTS sa pagkilos at pagbitbit ng panawagan ng mga magsasaka at mamamayan ng Lupang Ramos upang harapin at ipahayag ang panawagan ng mamamayan ng Langkaan 1 na palayasin ang mapanggulong kampo ng mga sundalo sa Langlaan Uno na siyang nagdadala ng takot sa mga lokal. Isinagawa ang panawagang ito sa harap ng Barangay hall nito kasabay ang dayalogo ng pamunuan ng KASAMA LR sa Sangguniang Pambarangay.

Ang Lupang Ramos ay 372-ektaryang lupang agrikultural na siyang tinuwangan ng KASIMBAYAN UTS sa ilang taong pakikibaka nito upang ipaglaban ang lupaing sakahan. Ayon sa mga residente, ang kasalukuyang kalalagayan ng KASAMA LR ay mag-iisang taon na ang pagkakampo ng TFU sa lugar ngunit wala pa ring tugon ang pamunuan ng barangay sa kahilingan ng mga magsasakang paalisin sila malapit sa komunidad. Bukod sa pagtatayo ng kampo tabi ng tirahan na siyang nagdadala ng takot at pangamba sa mga nakatira sa Lupang Ramos ay nagsisimula na ang mga ito na manggipit gamit ang mga gawa gawang kaso na siyang isinampa sa ilang residente roon. Inireklamo ng grave coercion ni 2nd Lieutenant Ann Kea Guillepa ng 2nd CMO Battalion ang isang magsasaka sa Lupang Ramos nang tumanggi ang magsasakang magbenta ng napkin sa kaniya.

Bilang Samahan ng Mga Kababaihan ng Teolohiya, mariin naming kinukundena ang mapang-ahas at mala-leong pang-aalipusta ng mga sundalong patuloy ang paniniil at panggigipit sa mga residente ng Langkaan Uno partikular sa Lupang Ramos upang mabuhay ng mayroong kapayapaan at makatarungan.

Amos 5: 24- 25
“Ngunit ang katarungan ay dapat bumalong na parang tubig, at ang katuwiran ay parang batis na hindi matutuyo.”

Propeta ng Bayan, Tuloy-tuloy ang Laban!
Tunay na Reporma sa Lupa, Ipaglaban!
Defend Miriam Villanueva, Defend Peasant Women!
Defend Lupang Ramos!

28/08/2025

Address

Aguinaldo Highway, Sampaloc I
Dasmariñas
4114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Association of Women in Theology - AWIT UTS Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share