Ministry of Altar Servers - Our Lady of Miraculous Medal

Ministry of Altar Servers - Our Lady of Miraculous Medal Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ministry of Altar Servers - Our Lady of Miraculous Medal, Religious organisation, Amuntay Road, Barangay Zone 3, Dasmariñas.

𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢Ngayong araw, buong kagalakan nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ni San Tarcisio, patron ng ...
15/08/2026

𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢

Ngayong araw, buong kagalakan nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ni San Tarcisio, patron ng mga Lingkod ng Dambana at huwaran ng katapatan sa Panginoon at pagmamahal sa Banal na Eukaristiya.

Sa kanyang halimbawa, nawa’y matuto tayong maglingkod nang buong puso, manatiling matatag sa pananampalataya, at maging tapat sa ating tungkulin bilang mga Lingkod ng Dambana.

Nawa’y patuloy tayong gabayan ni San Tarcisio sa bawat paglilingkod at panalangin, at maging inspirasyon sa atin na laging piliin at sundin si Kristo.

San Tarcisio, patron at huwaran naming Lingkod ng Dambana, ipanalangin mo kami!

𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡, 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢!

𝗗𝗔𝗬 𝟵 | 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢Sa ikasiyam at huling araw ng ating nobena, pinagninilayan natin ang paanyaya ni Hes...
14/08/2026

𝗗𝗔𝗬 𝟵 | 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢

Sa ikasiyam at huling araw ng ating nobena, pinagninilayan natin ang paanyaya ni Hesus na manatili sa Kanya, tulad ng sanga na nananatiling nakakabit sa puno upang mamunga.

Tulad ni San Tarcisio, nawa’y manatili tayong malapit kay Kristo at maging matatag sa ating pananampalataya at paglilingkod. Nawa’y ang kanyang halimbawa ay magbigay-inspirasyon sa atin na mamunga ng kabutihan, pagmamahal, at tapat na paglilingkod sa Panginoon.

San Tarcisio, ipanalangin mo kami!

𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐓𝐀𝐑𝐂𝐈𝐒𝐈𝐎“San Tarcisio, huwaran ng katapatan at tapang sa paglilingkod sa Panginoon.”Sa araw na ito, bu...
14/08/2026

𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐓𝐀𝐑𝐂𝐈𝐒𝐈𝐎

“San Tarcisio, huwaran ng katapatan at tapang sa paglilingkod sa Panginoon.”

Sa araw na ito, buong galak at pananalig nating ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Tarcisio, isang batang sakristan na naging halimbawa ng matatag na pananampalataya, katapatan, at pagmamahal sa Banal na Eukaristiya.

Sa murang edad, ipinakita ni San Tarcisio na ang tunay na paglilingkod ay hindi nasusukat sa edad o katayuan, kundi sa pusong handang maglingkod nang may pagmamahal at katapatan. Ang kanyang buhay ay paalala sa ating lahat, lalo na sa mga kabataan at mga lingkod ng simbahan, na ang bawat maliit na paglilingkod ay may malaking halaga sa mata ng Diyos.

Bilang mga tagapaglingkod sa altar, nawa’y matuto tayo sa kanyang halimbawa. Nawa’y manatili tayong tapat sa ating tungkulin, magalang sa Banal na Misa, at laging may pusong handang tumulong at maglingkod. Higit sa lahat, nawa’y maging inspirasyon sa atin si San Tarcisio upang mas lalo nating mahalin at pahalagahan ang Banal na Eukaristiya.

August 15, 2025
7:00 AM — Banal na Misa
5:00PM — ANF

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ating pagdiriwang at sama-samang magbigay-pugay kay San Tarcisio, ang huwaran ng katapatan sa paglilingkod at pagmamahal sa Banal na Eukaristiya.

SAN TARCISIO, IPANALANGIN MO KAMI!

SAN TARCISIO, PATRON NG MGA SAKRISTAN, IPANALANGIN MO KAMI!

𝗗𝗔𝗬 𝟴 | 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢Sa ikawalong araw ng ating nobena, pinagninilayan natin ang pag-ibig ni San Tarcisio...
13/08/2026

𝗗𝗔𝗬 𝟴 | 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢

Sa ikawalong araw ng ating nobena, pinagninilayan natin ang pag-ibig ni San Tarcisio sa kanyang kapwa-Kristiyano. Tulad niya, tinatawag din tayo ni Hesus na magmahal at magmalasakit sa bawat isa.

Nawa’y matutuhan nating ipakita ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng kabutihan, malasakit, at pagtulong sa ating kapwa. Sa bawat mabuting gawa, nawa’y maipadama natin ang pag-ibig ng Diyos sa mga taong nakapaligid sa atin.

San Tarcisio, ipanalangin mo kami!

𝗗𝗔𝗬 𝟳 | 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢Sa ikapitong araw ng ating nobena, pinagninilayan natin ang pag-asa sa gitna ng mga ...
12/08/2026

𝗗𝗔𝗬 𝟳 | 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢

Sa ikapitong araw ng ating nobena, pinagninilayan natin ang pag-asa sa gitna ng mga pagsubok. Tulad ni San Tarcisio, nawa’y manatili tayong matatag sa pananampalataya at magtiwala sa pangako ng Panginoon.

Sa kabila ng paghihirap, pangungutya, at mga pagsubok, huwag tayong mawalan ng pag-asa. Ang ating pagtitiis at katapatan sa Diyos ay hindi Niya kailanman kalilimutan.

San Tarcisio, ipanalangin mo kami!

𝗗𝗔𝗬 𝟲 | 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢Sa ikaanim na araw ng ating nobena, pinagninilayan natin ang pagiging malapit sa Pan...
11/08/2026

𝗗𝗔𝗬 𝟲 | 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢

Sa ikaanim na araw ng ating nobena, pinagninilayan natin ang pagiging malapit sa Panginoon ng mga bata, tulad ng ipinakita sa Ebanghelyo. Tinanggap ni Hesus ang mga bata at ipinakita na ang mga may payak at mapagpakumbabang puso ay malapit sa Kaharian ng Diyos.

Tulad ni San Tarcisio, nawa’y manatili tayong may simpleng puso, matatag sa pananampalataya, at laging lumapit kay Hesus nang may buong tiwala.

San Tarcisio, ipanalangin mo kami!

𝗗𝗔𝗬 𝟱 | 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢Sa ikalimang araw ng ating nobena, pinagninilayan natin ang katatagan ni San Tarcisi...
10/08/2026

𝗗𝗔𝗬 𝟱 | 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢

Sa ikalimang araw ng ating nobena, pinagninilayan natin ang katatagan ni San Tarcisio sa pananampalataya at pagmamahal kay Hesus, lalo na sa Banal na Eukaristiya.

Tulad ni San Tarcisio, nawa’y manatili tayong matatag sa kabila ng mga pagsubok at huwag panghinaan ng loob sa harap ng masasamang impluwensya. Nawa’y patuloy nating piliin ang Panginoon at mamuhay nang may tunay na pananampalataya at pagmamahal.

San Tarcisio, ipanalangin mo kami!

𝗗𝗔𝗬 𝟰 | 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢Sa ikaapat na araw ng ating nobena, pinagninilayan natin ang pag-ibig sa Diyos at pa...
09/08/2026

𝗗𝗔𝗬 𝟰 | 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢

Sa ikaapat na araw ng ating nobena, pinagninilayan natin ang pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa, ang dalawang pinakamahalagang utos na itinuro ni Hesus.

Tulad ni San Tarcisio, nawa’y matuto tayong magmahal nang buong puso, kaluluwa, at pag-iisip, at ipakita ang pagmamahal na ito sa ating kapwa sa pamamagitan ng ating paglilingkod, kabutihan, at pananampalataya.

San Tarcisio, ipanalangin mo kami!

𝗗𝗔𝗬 𝟯 | 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢Sa ikatlong araw ng ating nobena, ating ginugunita ang pagkakaibigan ni San Tarcisio...
08/08/2026

𝗗𝗔𝗬 𝟯 | 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢

Sa ikatlong araw ng ating nobena, ating ginugunita ang pagkakaibigan ni San Tarcisio at ng kanyang kaibigang si Fabian, na ayon sa tradisyon ay isang pagano. Sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa pananampalataya, ipinakita ni San Tarcisio ang tunay na pagkakaibigan—may paggalang, malasakit, at kabutihan sa kapwa.

Nawa'y matuto rin tayong maging mabuting kaibigan sa lahat, anuman ang kanilang pinagmulan o paniniwala, at maging halimbawa ng pagmamahal at kabutihan sa ating kapwa.

San Tarcisio, ipanalangin mo kami!

𝗗𝗔𝗬 𝟮 | 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢Sa ikalawang araw ng ating nobena, patuloy nating iniaalay sa Panginoon ang ating pa...
07/08/2026

𝗗𝗔𝗬 𝟮 | 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗖𝗜𝗦𝗜𝗢

Sa ikalawang araw ng ating nobena, patuloy nating iniaalay sa Panginoon ang ating paglilingkod bilang mga Lingkod ng Dambana. Sa pamamagitan ng halimbawa ni San Tarcisio, nawa'y manatili tayong tapat sa ating bokasyon at maging mga saksi ng pananampalataya sa ating araw-araw na pamumuhay.

Patuloy tayong manalangin at maglingkod nang may kababaang-loob at pagmamahal sa Banal na Eukaristiya.

San Tarcisio, ipanalangin mo kami!

Address

Amuntay Road, Barangay Zone 3
Dasmariñas
4114

Telephone

+639915417498

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of Altar Servers - Our Lady of Miraculous Medal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ministry of Altar Servers - Our Lady of Miraculous Medal:

Shortcuts

Share