The Dream New Life Church- Victoria

The Dream New Life Church- Victoria The Dream New Life Church Victoria

MIDWEEK WORSHIP SERVICE & PRAYER MEETING 04 | 08 | 26Daniel 6:1-286 Si Haring Dario ay pumili ng isandaa't dalawampung p...
08/04/2026

MIDWEEK WORSHIP SERVICE & PRAYER MEETING
04 | 08 | 26

Daniel 6:1-28

6 Si Haring Dario ay pumili ng isandaa't dalawampung pinuno ng mga rehiyon sa buong kaharian.

2 Pumili rin siya ng tatlong mamamahala sa mga pinuno ng rehiyon at mangangalaga sa kapakanan ng hari, at isa rito si Daniel.

3 Si Daniel ang naging pangunahin sa tatlong tagapamahala at sa mga pinuno ng mga rehiyon dahil sa pambihira niyang karunungan. Dahil dito, inisip ng hari na siya ang gawing tagapamahala sa buong kaharian.

4 Kaya, ang dalawang kasama niyang tagapamahala at ang mga pinuno ng mga rehiyon ay humanap ng maibibintang kay Daniel upang huwag matuloy ang magandang balak ng hari para sa kanya. Ngunit wala silang makitang dahilan sapagkat laging matapat si Daniel sa kanyang tungkulin.

5 Kaya't sinabi nila, “Wala tayong maibibintang sa kanya maliban sa mga bagay na may kinalaman sa kautusan ng kanyang Diyos.”

6 Nagkaisa silang humarap sa hari. Sinabi nila, “Mabuhay ang Haring Dario!

7 Kami pong mga tagapamahala ng kaharian, mga pinuno ng mga rehiyon, at mga tagapayo ay nagkakaisa ng palagay. Mabuti po'y ipag-utos ninyong sa loob ng tatlumpung araw ay walang sasamba o mananalangin sa ibang diyos o tao liban sa inyo. Sinumang hindi susunod sa utos na ito ay ihuhulog sa kulungan ng mga leon.

8 Kaya, mahal na hari, magpalabas po kayo ng gayong kautusan at inyong lagdaan upang maging batas ng Media at Persia—batas na hindi mababago ni mapapawalang bisa.”

9 At gayon nga ang ginawa ni Haring Dario.

10 Nang malaman ni Daniel na nilagdaan na ng hari ang gayong kautusan, umuwi siya. Lumuhod siya't nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Diyos sa isang silid sa itaas ng kanyang tirahan sa may bukás na bintanang nakaharap sa Jerusalem. Tatlong beses niyang ginagawa ito sa maghapon gaya ng kanyang kinaugalian.

11 Ngunit binabantayan pala siya ng kanyang mga kaaway. Nang makita siyang nananalangin,

12 siya'y kanilang isinumbong sa hari at sinabing, “Hindi po ba't pinagtibay ninyo ang isang kautusan na sa loob ng tatlumpung araw ay walang mananalangin sa sinumang diyos o tao liban sa inyo at ihahagis sa kulungan ng mga leon ang sinumang lumabag dito?”

Sumagot ang hari, “Ang kautusan ng Media at Persia ay hindi mababago ni mapapawalang bisa.”

13 Sinabi nila, “Mahal na hari, si Daniel po na isa sa mga dinalang-bihag mula sa Juda ay lumabag sa inyong kautusan at tatlong beses pa po kung manalangin araw-araw.”

14 Nang malaman ito ni Haring Dario, nabalisa siya at maghapong inisip kung paano maililigtas si Daniel.

15 Nang magkaroon muli ng pagkakataon ang mga kaaway ni Daniel, lumapit ang mga ito sa hari at sinabi, “Alalahanin ninyo, mahal na hari, na batas sa Media at Persia na hindi maaaring baguhin ang alinmang kautusan na pinagtibay ng hari.”

16 Dahil dito, iniutos ni Haring Dario na ihulog si Daniel sa kulungan ng mga leon. Ngunit sinabi niya rito, “Nawa'y iligtas ka ng Diyos na buong katapatan mong pinaglilingkuran.”

17 Ang bunganga ng kulungan ay tinakpan ng isang malaking bato. Tinatakan ito ng pantatak ng hari at ng kanyang mga tagapamahala para hindi mabuksan ng sinuman.

18 Ang hari naman ay umuwi sa palasyo. Ngunit magdamag itong hindi makatulog. Hindi siya tumikim ng pagkain at ayaw rin niyang paaliw.

19 Kinabukasan, maagang nagbangon ang hari at nagmamadaling pumunta sa kulungan ng mga leon.

20 Pagdating doon, malungkot siyang tumawag, “Daniel, tapat na lingkod ng Diyos na buháy! Iniligtas ka ba niya sa mga leon?”

21 Sumagot si Daniel, “Mabuhay ang hari!

22 Wala pong nangyari sa akin sapagkat ang bibig ng mga leon ay pinatikom ng mga anghel na isinugo ng aking Diyos. Ginawa po niya ito sapagkat alam niyang wala akong kasalanan ni nagawang masama laban sa inyo.”

23 Dahil dito, labis na nagalak ang hari at iniutos na iahon si Daniel mula sa kulungan ng mga leon. Nang siya'y maiahon na, wala silang nakita kahit man lang bahagyang galos sa katawan ni Daniel sapagkat nagtiwala siya sa kanyang Diyos.

24 Ang mga nagbintang kay Daniel ay ipinahulog ng hari sa kulungan ng mga leon pati ang kanilang mga anak at asawa. Hindi pa sila halos sumasayad sa kulungan ay nilapa na sila ng mga leon.

25 Pagkatapos, sinulatan ni Haring Dario ang lahat ng tao sa bawat bansa at wika sa buong daigdig. Isinasaad sa sulat: “Sumainyo ang kapayapaan!

26 Iniuutos ko sa lahat ng aking mga nasasakupan na matakot at gumalang sa Diyos ni Daniel.

“Sapagkat siya ang Diyos na buháy,
at mananatili magpakailanman.
Hindi mawawasak ang kanyang kaharian,
at mananatili habang panahon ang kanyang kapangyarihan.

27 Siya ay sumasaklolo at nagliligtas;
gumagawa siya ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa.
Iniligtas niya si Daniel mula sa mga leon.”

28 At naging matagumpay si Daniel sa panahon ni Haring Dario at sa panahon ni Haring Ciro ng Persia.



WORSHIP SERVICE | COMMUNION | EASTER SUNDAY  04 | 05 | 26Lucas 24:1-121 Maagang-maaga pa ng araw ng Linggo, ang mga baba...
05/04/2026

WORSHIP SERVICE | COMMUNION | EASTER SUNDAY 04 | 05 | 26

Lucas 24:1-12

1 Maagang-maaga pa ng araw ng Linggo, ang mga babae ay nagbalik sa libingan, dala ang mga pabangong inihanda nila.

2 Nang dumating sila doon, nakita nilang naigulong na ang batong nakatakip sa libingan.

3 Ngunit nang pumasok sila, wala roon ang bangkay ng Panginoong Jesus.

4 Samantalang nagtataka sila kung ano ang nangyari, biglang lumitaw sa tabi nila ang dalawang lalaking nakakasilaw ang damit.

5 Dahil sa matinding takot, sila'y nagpatirapa. Tinanong sila ng mga lalaki, “Bakit ninyo hinahanap ang buháy sa lugar ng mga patay?

6 Wala siya rito, siya'y muling nabuhay! Alalahanin ninyo ang sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya,

7 ‘Ang Anak ng Tao ay kailangang ipagkanulo sa mga makasalanan at ipako sa krus, at sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.’”

8 Naalala nga ng mga babae ang mga sinabi ni Jesus noong una,

9 kaya't umuwi sila at isinalaysay nila sa labing-isa at sa iba pa nilang kasamahan ang buong pangyayari.

10 Ang mga babaing ito'y sina Maria Magdalena, Juana, at Maria na ina ni Santiago; sila at ang iba pang mga babaing kasama nila ang nagbalita sa mga apostol.

11 Akala ng mga apostol ay kahibangan lamang ang kanilang sinasabi kaya ayaw nilang paniwalaan ang mga kababaihan.

12 Ngunit tumayo si Pedro at patakbong nagpunta sa libingan. Yumuko siya, at pagtingin sa loob ay wala siyang nakita kundi ang mga telang lino na ipinambalot kay Jesus. Kaya't umuwi siyang nagtataka sa nangyari




03/04/2026

Above all powers, above all kings
Above all nature and all created things
Above all wisdom and all the ways of man
You were here before the world began

Above all kingdoms, above all thrones
Above all wonders the world has ever known
Above all wealth and treasures of the earth
There's no way to measure what You're worth

Crucified, laid behind a stone
You lived to die, rejected and alone
Like a rose, trampled on the ground
You took the fall and thought of me
Above all


03/04/2026

Kung nag-iisa at nalulumbay
Dahil sa hirap mong tinataglay
Kung kailangan mo ng karamay
Tumawag ka at siya'y naghihintay

Siya ang 'yong kailangan
Sandigan kaibigan mo
Siya ang araw mong lagi
At karamay kung sawi
Siya ay si Hesus sa bawat sandali

Kung ang buhay mo ay walang sigla
Laging takot at laging alala
Tanging kay Hesus magkakaasa
Kaligtasa'y lubos na ligaya

Siya ang dapat tanggapin
At kilanin sa buhay mo
Siya noon bukas ngayon
Sa dalangin ko'y tugon
Siya ay si Hesus sa habang panahon


Praise God 🙌🏻🙌🏻🙌🏻Seven Last Words of JesusApril 3, 2026 Friday 3pm 💒✝️ "Father, forgive them, for they know not what the...
03/04/2026

Praise God 🙌🏻🙌🏻🙌🏻

Seven Last Words of Jesus
April 3, 2026 Friday 3pm 💒

✝️ "Father, forgive them, for they know not what they do."
(Luke 23:34)
- Bro. Thertious E.

✝️ "Truly, I say to you, today you will be with me in paradise."
(Luke 23:43)
- Bro. Charles Jerald A.

✝️ "Woman, behold your son... Behold your mother."
(John 19:26-27)
- Bro. Jerick T.

✝️ "My God, my God, why have you forsaken me?"
(Matthew 27:46, Mark 15:34)
- Bro. Shane Carl B.

✝️ "I thirst." (John 19:28)
- Bro. Jhonjhon T.

✝️ "It is finished." (John 19:30)
- Sis. Katrina A.

✝️ "Father, into your hands I commend my spirit."
(Luke 23:46)
- Ptr. Melbert A.




✨ SEVEN LAST WORDS OF OUR LORD JESUS CHRIST ✨Join us for a meaningful and reflective time as we remember the sacrifice a...
03/04/2026

✨ SEVEN LAST WORDS OF OUR LORD JESUS CHRIST ✨

Join us for a meaningful and reflective time as we remember the sacrifice and love of our Savior.

📍 The Dream New Life Church Victoria
📅 April 3, 2026 (Friday)
⏰ 3:00 PM

Be blessed through the sharing of:
• Bro. Thertious
• Bro. Charles Jerald
• Bro. Jerick
• Bro. Carl
• Bro. Jhonjhon
• Sis. Katrina
• Bro. Cyrille

Come and experience God’s word, grace, and love with us. 🙏🏻✨

MID WEEK WORSHIP SERVICE & PRAYER 04 | 01 | 26Lucas 21:34-36Mag-ingat Kayo34 “Mag-ingat kayo na huwag kayong malulong sa...
01/04/2026

MID WEEK WORSHIP SERVICE & PRAYER
04 | 01 | 26

Lucas 21:34-36

Mag-ingat Kayo

34 “Mag-ingat kayo na huwag kayong malulong sa labis na pagsasaya, paglalasing at matuon ang inyong pag-iisip sa mga alalahanin sa buhay na ito; kung hindi ay bigla kayong aabutan ng Araw na iyon

35 na tulad ng isang bitag. Sapagkat darating ang Araw na iyon sa lahat ng tao sa ibabaw ng lupa.

36 Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng kalakasan upang malampasan ninyo ang lahat ng mangyayaring ito, at makatayo kayo sa harap ng Anak ng Tao.”



SUNDAY WORSHIP SERVICE | 03 | 29 | 26John 14:27 NIV27 Peace I leave with you; my peace I give you. I do not give to you ...
31/03/2026

SUNDAY WORSHIP SERVICE | 03 | 29 | 26

John 14:27 NIV

27 Peace I leave with you; my peace I give you. I do not give to you as the world gives. Do not let your hearts be troubled and do not be afraid.



SUNDAY DISCIPLESHIP | 03 | 29| 26GLC - LEVEL 1 | BOOK 3 HOLY SPIRIT Session 2 | Part 1Matthew 28:19-20 NIV19 Therefore g...
31/03/2026

SUNDAY DISCIPLESHIP | 03 | 29| 26
GLC - LEVEL 1 | BOOK 3 HOLY SPIRIT
Session 2 | Part 1

Matthew 28:19-20 NIV

19 Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit,

20 and teaching them to obey everything I have commanded you. And surely I am with you always, to the very end of the age.


23/03/2026

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan,
at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.
6 Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin,
upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

—Kawikaan 3:5-6 📖


23/03/2026
23/03/2026

Address

Blk-76 Lot-17 Purok 7 Brgy. Victoria Reyes, City Of Dasmarinas
Dasmariñas
4114

Telephone

+639451456529

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Dream New Life Church- Victoria posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to The Dream New Life Church- Victoria:

Share