UCCP Bagong Bayan

UCCP Bagong Bayan "Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit" - Matthew 28:19 Lhen Ernie.

We encourage everyone to attend our regular activities

Prayer Meeting
Wednesday 7:00pm

Bible Study
Friday 7:00pm

Saturday
Music Ministry 2:00pm - 7:00pm

Sunday
Sunday School 9:00am
Membership Class 9:00am
Junior Worship 10:00am
Adult Worship 10:

00am

Organizational Devotion 8:00am
1st Sunday, UCM
2nd Sunday, CWA
3rd Sunday, CYAF
4th Sunday,CYF

Administrative Pastor : Pastor Jolly Gabia

Address: BLk 39 Lt 10 Rose St. Fatima II, DBB-F, Dasmarinas City


Ang Bagong Bayan Evangelical Church (BBEC) ay nagsimula sa pagtitipon ng mga pamilyang nagmula sa United Church of Manila (UCM) nang sila ay lumipat ng tirahan sa Dasmariñas, Cavite noong 1982. Una silang nanambahan sa bahay ng kapatid na Delia Alegre dahil wala pang sariling lote at istruktura na maaring pagtayuan ng simbahan. Nagpatuloy ang pagtitipon na ito at naging isang regular na pananambahan sa pamumuno ni Pastor Sertifico Rufin kasama ang kanyang buong pamilya. Napagkasunduan nila na magtayo ng tolda para doon maidaos ang pananambahan at makalipas lamang ang ilang taon ipinagkaloob ng kapatid na Alegre ang lupa na kanilang tinitirhan. Taong 1986 naitayo ang pisikal na istruktura ng Bagong Bayan Evangelical Church sa pagtutulungan ng mga nananambahan at ng mga kapatid na iglesia sa ilalim ng Metropolitan Conference (UCCP Sukat at UCCP Community Church of Las Piñas). Nagpatuloy sa paglago ang gawain ng Bagong Bayan Evangelical Church, nagkaroon ng mga gawain na hindi lamang tumutugon sa pangangailangan ng kapatiran kundi pati sa komunidad. Nabuo ang mga organisasyon at binigyan ng pansin ang pagpapalakas sa midweek prayer meeting, bible study at visitation. Sa kabila ng paglagong ito dumanas ng matinding pagsubok ang iglesia na sumubok sa katatagan ng pagkakaisa ng miyembro nito. Unti unting naranasan ng Bagong Bayan Evangelical Church ang pagdalang ng mga nananambahan, ang kakapusan sa pananalapi at ang panglalamig ng mga miyembro nito na halos maging dahilan upang maipasara ang iglesia. Sa katapatan ng ating Panginoon hindi ito nangyari, nagkaroon ng re-clustering ang United Church of Christ in the Philippines at ang Bagong Bayan Evangelical Church ay napabilang sa Lowland Cavite South Manila Conference (LCSMC) kung saan tinugunan nito ang pangangailangan ng iglesia magmula sa mangagawang pastor hanggang sa pagtulong sa mga programa na makakatugon upang muling makabangon. Muling naramdaman ang pagdami at ang paginit ng mga kapatiran gayundin ang malakas na pagnanais na muling bumangon. Sa paglipas ng panahon muling nakabangon ang Bagong Bayan Evangelical Church. Nagsilbing inspirasyon din ang mga kapatid na iglesia sa ilalim ng LCSMC sa kanilang walang sawang pagsuporta (UCCP-Parañaque, UCCP-Community Church of Las Piñas, UCCP-Anabu, at
UCCP-Ellinwood). Sa nakalipas na 27 taon, ang Bagong Bayan Evangelical Church ay nagkaroon ng 16 mga manggagawang pastor. Sila ay sina Rev. Sertifico Rufin, Ptr. Patricia Camigla, Ptr. Ruth Margallo, Ptr. Ismael Anfone, Ptr. Benjamin Iglesias, Ptr. Edilberto Areglo, Ptr. Chito Arendain, Ptr. Aquilino Porto, Ptr. Silfredo Comen,
Ptr. Deogacio Galo, Ptr. Alfredo Ramos, Rev. Benjie Gevera, Rev. Remy Gevera, Ptr. Jackie Orolla, Ptr. at sa kasalukuyan, Rev. Remher V. Hernandez. Ngayong taon, 2010, mayroong 130 na kapatiran na nananambahan sa BBEC kasama ang mga maliliit na bata na nagsisikap na maitaguyod ang gawain ng iglesia, mapalakas ang pinansiyal, madagdagan ang kasapi at mapalalim ang buhay pananampalataya. Tapat ang Panginoon sa pagbibigay sa atin ng mga manggagawang tapat sa paglilingkod, mga kapatiran na handang tumulong at ipagkaloob ang kanilang mga talento para sa ikaluluwalhati ng ating Panginoon, kapatid na iglesia na handang dumamay at kumperensya na tumutugon sa pangangailangan. Nagpapatuloy ang hamon, nagpapatuloy ang ating paglalakbay at nagpapatuloy ang pagsasama-sama sa sambahayan ng Diyos. Handang makinig sa kalooban ng Panginoon! Ang Panginoon na tapat noon, ngayon at magpakailanman!

BBEC Calendar of Ministry events for the Month of March
05/03/2026

BBEC Calendar of Ministry events for the Month of March

Address

Blk 39 Lt 10 Rose Street Fatima II
Dasmariñas
4114

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UCCP Bagong Bayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share