06/10/2025
Sa Diyos may kapahingahan🔥🔥🔥
-Pagod kana ba? Bigat na bigat kana ba? Nahihirapan kana ba? Na para bang wala ng katapusan ang paghihirap mo, na para bang katapusan na ng mundo, na kung minsan napapaisip ka nalang na sumuko nalang.... Sa trabaho man yan, sa eskwela, karelasyon man yan, kapit-bahay man yan o kaibigan, o kasama sa loob ng bahay... Mga bayarin na di matapos-tapos, due date sa tubig, due date kuryente, bayarin sa bahay kung nangungupahan, gastuhin sa eskwela, gastusin sa bahay at sa pang araw-araw... Mahirap sobrang hirap nuh, na kahit isipin mo lang mahirap sobra...
Mateo 11:28
v28 Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.
- Kaya kung pagod kana lapit kalang sa Diyos, kung nahihirapan kana lapit kalang sa Diyos, sa Kanya may kapahingahan, sa Kanya may kapayapaan, sa Kanya may katugunan, sa Kanya may kasagutan, inaantay tayo ng Diyos na lumapit, inaantay lang ng Diyos na sambitin natin Diyos ko tulungan mo ako, Diyos ko kailangan kita, kapatid di nakakalimut ang Diyos, kapatid nakikita niya lahat ng hirap at pagod mo nais lang ng Diyos lumapit ka... Wag mo isipin masyado yung mga alalahanin mo na nagpapabigat sayo, wag mo isipin masyado yung mga nakapaligid sayo na nagpapahirap... Yung nakakalungkot kasi satin na kahit lugmok na lugmok na tayo o bigat na bigat na, dinadagdagan pa natin yung atin pasanin...
- Katapid di masama ang isurrender sa Diyos ang ating mga pasanin sa buhay, mga nagpapahirap at nagpapabigat satin...
*Connect to God...
Nung nabasa ko yung Genesis napansin ko dun, nung nilikha niya yung mga isda sinabi ng sa dagat na magkaroon ng isda nagkaroon nga, nung nilikha niya ang mga puno sinabi niya sa lupa magkaroon ng mga puno nagkaroon nga, nung linikha niya ang tao hinihipan niya ito at nagkaroon nga... Ang isda konektado sa dagat, ang puno konektado sa lupa, ang tao konektado sa Diyos... Kapag ang isda nawala sa tubig mamatay, kapag ang puno nabunot sa lupa mamatay, ganun din ang tao kapag nawala sa Diyos mamatay... Kaya kailangan nating naka connect sa Diyos... Sa kanya may kapahingahan, kapayapaan, pag-ibig na di matutumbasan, buhay na walang hanggan...
Connect ka sa Diyos
Paano?
Open your Bible...
Juan 1:1
Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.
Josue 1:8
Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag aalisin sa iyong bibig, kundi ito ay iyong pagbubulay-bulayan araw at gabi, upang iyong masunod ang ayon sa lahat ng nakasulat dito; sapagkat kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at magtatamo ka ng tagumpay.
- Kapag binuksan mo ang Bible makikilala mo ang Diyos, kapag binuksan mo ang Bible mauunawaan mo ang kalooban ng Diyos, kapag binuksan mo ang Bible mararanasan mo ang kabutihan ng Diyos... Kaya't buksan mo ang yung Bible, connect to God...
Wag mong isipin yung mga bayarin, mga alalahanin, mga pangyayari sa buhay mo na para bang walang katapusan, wag mo isipin yung kapit-bahay mo, katrabaho mo, kaibigan mo o karelation mo na di mo kasundo, wag mo isipin yung kasama mo sa bahay na para bang ibang tao ang turing sayo... kapatid pahinga ka muna, Diyos na ang bahala sayong mga alalahanin, Diyos ang bahal umayos sa pangit mong sitwasyon, lapit ka sa Diyos pahinga ka, Diyos ang bahala sa lahat...
Pero minsan ang hiral nuh? Lalo na kapag dumating ka sa sitwasyon na para pang wala ng katugunan o kasagutan, but God said lumapit ka sa akin at bibigyan kita ng kapahingahan.
Mateo 6:33
Subalit pagsikapan muna ninyong gawin kung ano ang mahalaga sa kaharian ng Diyos at sukanyangndin ang kalooban, at lahat ng mga pangangailangang ito ay ipagkakaloob niya sa inyo.
Bro. Daniel🔥🔥🔥
To God Be All The Glory🙏🕊💖💖💖
God Bless You, In Jesus Name, Amen💖