26/07/2023
Ang Kadilikaduhan Ng Pagmumura
=================================
سب الوالدين من الكبائر؛ فقد أخرج "البخاري ومسلم" عن عبدالله بن عمرو بن العاص رضي الله عنهما قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: ((من الكبائر شتم الرجل والديه))، قالوا: يا رسول الله، وهل يشتم الرجل والديه؟ قال: ((نعم، يسب أبا الرجل فيسب أباه، ويسب أمه فيسب أمه)).
Ayon kay abdullah bn amru ibnul 'As kalugdan nawa silang dalawa ng Allah kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah:
(kabilang sa mga malalaking kasalan ay ang pang-iinsulto(pagmumura) ng lalaki/anak sa kanyang magulang) sinabi nila: Oh sugo ng Allah, maaari bang insultuhin(murahin) ng lalaki/anak ang kanyang magulang? kanyang sinabi: (Oo, iinsultuhin/mumurahin niya ang tatay ng isang lalaki kaya't iinsultuhin/mumurahin din ng lalaki ang kanyang tatay at iinsultuhin/mumurahin niya ang nanay ng isang lalaki kaya't iinsultuhin/mumurahin din ng lalaki ang kanyang nanay)
Muttafaqun alayhi
💡Ang mga bagay na ipinagbabawal sa Islam na napapaloob sa PAGMUMURA💡
📌1. Ito ay kabilang sa mga malalaking kasalanan sa Islam na tulad ng nabanggit sa hadith.
📌2. Ito ay kawalan ng respeto at paggalang sa mga magulang.
Sa ating henerasyon ngayon, nasasaksihan natin ang paurong na pag-aasal ng ating mga kabataan at mga anak tulad ng pagwawalang-bahala (di-pagsunod) sa mga magulang. Tayo ay minsan nakakabalita ng isang anak na pumatay sa kanyang (mga) magulang, lumapastangan, o dili kaya’y hindi tumutupad (nagsasagawa) sa tungkulin na maging mabait sa kanila at tulungan sila sa kanilang pangangailangan. Kung ating susuriin ang dahilan sa ganitong uri ng asal, ating mapag-aalaman na ito ay sanhi ng kahinaan ng pananalig at kakulangan ng kaalaman sa pananampalataya o maling pagbibigay kahulugan sa mga pag-uutos ng Islam. Bagama’t ating matutunghayan na ang taong may malakas na pananampalataya at may sapat na kaalaman sa kanyang pananampalatayang (relihiyong) Islam ay mabait at masunurin sa kanyang mga magulang.
Mahigit na ipinag-uutos sa Islam na maging mabuti sa mga magulang maging ito man ay sa pananalita, kilos o gawa, at ito(pagiging mabuti sa kanila) ay isa sa mga dakilang pagsamba sa Allah.
Sinabi ng Allah:
[At ipinagtagubilin Namin sa tao (na maging mabuti at masunurin) sa kanilang magulang. Ang kanyang ina ay nagsilang sa kanya sa kahinaan at kahirapan at muli sa kahinaan at kahirapan. At ang pagpapasuso (ng gatas maliban sa nagmumula sa ina) sa loob ng dalawang taon. Magbigay kayo ng pasasalamat sa Akin at sa inyong magulang. At sa Akin ang inyong huling hantungan]
[Qur’an, 31:14]
[Sambahin ang Allah at huwag magtambal (ng iba) sa Kanya sa pagsamba, at gumawa (maging) mabuti sa mga magulang…”] [Qur’an, 4:36]
📌3. Ito ay pangggagaya sa mga Kuffar(walang pananampalataya)sapagkat ito ay kaugalian sa panahon ng JAHILIYYAH(kamangmangan)
mahigit na ipinagbabawal sa islam ang panggagaya sa mga walang pananampalataya maging ito man ay sa kanilang pananamit, kilos, pag-uugali at pananalita, bagkus tayo ay inutusang salungatin sila sa mga bagay na natatangi lamang sa kanila.
عَنْ ابْنِ عُمَرَ قَالَ : قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ مَنْ تَشَبَّهَ بِقَوْمٍ فَهُوَ مِنْهُمْ )
رواه أبو داود (اللباس / 3512) قال الألباني في صحيح أبي داود : حسن صحيح . برقم (3401)
Ayon kay ibn Omar kalugdan nawa siya ng Allah kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah:
(Ang sinumang manggaya sa isang grupo o nasyon ay kabilang sa kanila)
📌4. Ito ay walang saysay na salita, nakakapinsala at nakakasakit sa iba.
عن عبدالله بن عمرو بن العاص - رضي الله عنهما - عن النبي - صلى الله عليه وسلم - قال: ((المسلم من سلم المسلمون من لسانه ويده....))
Ayon kay abdullah ibn amru ibn al-as kalugdan nawa silang dalawa ng Allah, na ang propeta muhammad sallallahu alayhi wa sallam ay nagsabi:
(Ang Ganap na Muslim ay yaong ligtas at mapayapa ang mga muslim mula sa pinsala na idudulot ng kanyang dila at kamay)
💡Mga minamahal na kapatid sa Islam itigil po natin ang pagmumura dahil wala po tayong makukuha dito kundi kasalanan, away, gulo at pagkakamuhian lamang.
Bago po tayo magbitaw ng salita ay isipin muna natin ang mga sumusunod:
مَّا يَلْفِظُ مِن قَوْلٍ إِلَّا لَدَيْهِ رَقِيبٌ عَتِيدٌ (18)
↪1. Sinabi ng Allah:
[Siya [ang tao] ay walang namumutawing isa mang salita malibang kasama nito ang isang tagapagmasid sa kanya na handang [magtala ng kanyang mga gawa]
Qur'an 50:18
((.....وَمَنْ كَانَ يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ فَلْيَقُلْ خَيْرًا أَوْ لِيَصْمُتْ))
↪2. Sinabi ng mahal na Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam:
(At ang sinumang naniniwala sa Allah at sa kabilang buhay ay mangusap ng kabutihan, at kung wala siyang masasabing mabuti ay tumahimik na lamang)
Muttafaqun alayhi.