24/05/2026
Sunday Worship
PPC Dasma
5/24/26
Ngayong Sunday Worship, pinaalalahanan tayo ng Salita ng Diyos mula sa Mga Gawa 4:13-14 tungkol sa katangian ng mga tunay na saksi na pinuspos ng Espiritu Santo.
✅ Fearless Boldness — Ang tapang na ipahayag si Cristo ay hindi nakabase sa sariling kakayahan kundi sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Kahit ordinaryo at walang mataas na pinag-aralan, magagamit ng Diyos para sa Kanyang kaluwalhatian.
✅ Visible Transformation — Kapag tunay na nakasama si Jesus, makikita ang pagbabago sa buhay. Ang dating wasak ay kayang ibalik at baguhin ng kapangyarihan ng Diyos. “Kaya't kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang.” (2 Corinto 5:17)
✅ Undeniable Evidence — Ang kilos ng Diyos sa buhay ng tao ay hindi maikakaila. Ang Espiritu Santo mismo ang nagbibigay patotoo sa pamamagitan ng mga buhay na nabago.
Nagpapasalamat din kami sa naging testimony ni Sis. Khrisna, isa sa ating kabataan, na pinagtagumpay ng Diyos sa operasyon sa appendix at patuloy na nararanasan ang Kanyang pagpapagaling at katapatan araw-araw. Tunay na ang Diyos ay buhay at kumikilos hanggang ngayon! 🙏
Nawa’y maging matapang tayong mga saksi ni Cristo sa ating pamilya, komunidad, at saan man tayo dalhin ng Panginoon.