Pope Saint Paul VI Parish

Pope Saint Paul VI Parish Pope Saint Paul VI Parish

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž 30, 2026 | 6:00 ๐.๐†. ๐Œ๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ๐ˆ๐ค๐š-22 ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐งSa Ebanghelyo ngayong araw (๐™ˆ๐™–๐™ฉ๐™š๐™ค 16:21โ€“27)...
31/08/2026

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž 30, 2026 | 6:00 ๐.๐†. ๐Œ๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ
๐ˆ๐ค๐š-22 ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง

Sa Ebanghelyo ngayong araw (๐™ˆ๐™–๐™ฉ๐™š๐™ค 16:21โ€“27), ipinahayag ni Hesus sa kaniyang mga alagad na kailangan niyang magdusa, mamatay, at muling mabuhay, at tinawag niya silang pasanin ang kanilang krus at sumunod sa kanya.

Kaya naman, sa kanyang homiliya, iniwan sa atin ni ๐‘๐ž๐›. ๐๐. ๐‘๐จ๐ ๐ข๐ž ang isang mahalagang tanong na nakaugat sa mensahe ng Ebanghelyo: ๐™Ž๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™ฃ๐™œ๐™– ๐™—๐™– ๐™จ๐™– ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ž๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™ข๐™–๐™œ๐™™๐™ช๐™จ๐™– ๐™จ๐™– ๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ? Marahil pare-pareho ang ating sagot: ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”. Lahat tayo ay naghahangad ng magaan at payapang buhay. Kaya sa Ebanghelyo, hindi sinang-ayunan ni Pedro ang sinabi ni Hesus tungkol sa kanyang paghihirap.

Ngunit ang tanong, paano pala kung nasa plano ng Diyos na tayo ay makaranas ng pagdurusa? At OO ito ay nasa plano ng Diyos! Hindi para mahirapan lang ng walang dahilan, kundi para may matutunan tayo sa buhay bilang isang Kristiyano. Hindi para parusahan kundi para makaranas ng malalim na pagkilos ng Diyos sa ating Buhay. Mga kapatid ito ang dapat na makita natin sa
ating buhay bilang isang Kristiyano. Ang buhay ay hindi lamang tungkol sa kasiyahan at kawalan ng problema. Dahil walang klase ng buhay na hindi makararanas ng problema at
walang klase ng buhay na puro kasiyahan lamang. Di'ba wala naman kahit sino ang nag nanais pero ito ay dumarating sa ating buhay. Kahit hindi ginugusto, lahat ay nakararanas pa rin ng paghihirap at pagdurusa.

Tulad ni Hesus, na kusang yumakap sa Krus para sa ating kaligtasan, tinatawag din tayong pasanin ang sarili nating krus nang may pananampalataya. Tulad ni Jeremias, nawa'y manatiling nag-aalab ang ating puso sa pagsunod sa Diyos sa kabila ng paghihirap.

Kaya sa bawat krus na ating pinapasan, huwag sana tayong maging hadlang tulad ni Pedro. Sa halip, gawin natin itong daan tungo sa mas malalim na pagsunod kay Kristo. Mga kapatid, sa bawat pagyakap sa mga babatahin nating paghihirap at pagdurusan sa buhay; gawin natin itong kaisa sa paghihirap ni Hesus upang ito ay maging daan din ng pagliligtas na patuloy na ibinibigay sa atin ni Hesus. Sa bawat pagyakap sa mga babatahin nating
paghihirap at pagdurusa sa buhay, mas magiging malinaw sa atin ang kahulugan ng Krus na pinasan at niyakap ni Hesus. Krus ng paghihirap at pagdurusa ngunit punong puno ng pagmamahal, awa, at habag ng Diyos. Ito rin sana ang maging kahulugan ng bawat krus ng paghihirap at paggdurusa natin sa buhay. Nawa'y ganoon din ang maging kahulugan ng ating mga krus: ๐๐€๐†๐Œ๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹, ๐๐€๐†-๐”๐๐€๐–๐€, ๐š๐ญ ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐Š๐”๐Œ๐๐€๐๐€.

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž 23, 2026 | 6:00 ๐.๐†. ๐Œ๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ๐ˆ๐ค๐š-21 ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง "๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—›๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€S...
23/08/2026

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž 23, 2026 | 6:00 ๐.๐†. ๐Œ๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ
๐ˆ๐ค๐š-21 ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง

"๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—›๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€

Sa homiliya ni ๐‘๐ž๐›. ๐๐. ๐‘๐จ๐ ๐ข๐ž, Tayo ay inaanyayahang pagnilayan kung paano natin kinikilala si Hesus. Masasabi nating siya ay mabuti, maawain, at mapagmahal; ngunit saan nagmumula ang ating pagkakilala sa kanya? Hindi lamang sa narinig natin mula sa iba, kundi higit sa lahat, sa sarili nating karanasan kung paano siya kumikilos sa ating buhay.

Sa mga nakaraang Ebanghelyo, paulit-ulit na ipinakilala ni Hesus kung sino siya: sa pagpapakain sa limang libo sa pamamagitan ng limang tinapay at dalawang isda, sa paglalakad niya sa ibabaw ng tubig, at sa kanyang mga pagpapagaling. Sa bawat pangyayari, ipinakikita niya ang kanyang kapangyarihan, kabutihan, at pagmamahal.

May isang tagpo sa pagkilala kay Hesus sa pagbabalik niya sa kanyang sariling lugar, nakilala lamang siya bilang "๐–บ๐—‡๐–บ๐—„ ๐—‡๐—€ ๐—„๐–บ๐—‹๐—‰๐—‚๐—‡๐—๐–พ๐—‹๐—ˆ". Isang pagkilalang nanatili sa mababaw na antas. Ipinapaalala nito sa atin na mahalaga ang tunay na pagkilala kay Hesus, sapagkat dito umuusbong ang isang matibay na pananampalataya.

Kung tunay natin siyang kilala, alam nating sa gitna ng mga pagsubok ay hindi niya tayo pababayaan. Patuloy niya tayong gagabayan, sasamahan, at pagpapalain. Ang pagkilala sa kay Hesus ay nagbubunga ng pananalig na marunong magtiwala.

Kaya mga kapatid, mabuti na tayo ay nagdarasal araw araw at ginagampanan ang obligasyon na makadalo ng Banal na Misa, pero dapat ito ay maghatid sa atin sa malalim na personal na pagkilala kay Hesus na ating Panginoon. Kaya patuloy nating tanungin ang ating sarili: ๐™‰๐™–๐™ ๐™ž๐™ ๐™ž๐™ก๐™–๐™ก๐™– ๐™ ๐™ค ๐™—๐™– ๐™ฉ๐™–๐™ก๐™–๐™œ๐™– ๐™จ๐™ž ๐™ƒ๐™š๐™จ๐™ช๐™จ?

Balikan natin ang mga karanasan kung saan nakita natin ang kanyang kabutihan, awa, at pagmamahal. Sapagkat sa tunay na pagkilala sa kanya, natututo tayong yumakap, tumanggap, at higit na magtiwala.

Nawa'y ang pagkakilala natin kay Hesus ay hindi manatiling mababaw, kundi maging ugat ng isang pananampalatayang matatag, buhay, at tunay na nakasandig sa kanya.

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž 16, 2026 | 6:00 ๐.๐†. ๐Œ๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ๐ˆ๐ค๐š-21 ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐งSa Misa ni ๐‘๐ž๐ฏ. ๐๐. ๐‰๐š๐ฆ๐ž๐ฌ ๐’๐จ๐ฅ๐ฅ๐š๐ง๐จ, pinaalal...
17/08/2026

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž 16, 2026 | 6:00 ๐.๐†. ๐Œ๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ
๐ˆ๐ค๐š-21 ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง

Sa Misa ni ๐‘๐ž๐ฏ. ๐๐. ๐‰๐š๐ฆ๐ž๐ฌ ๐’๐จ๐ฅ๐ฅ๐š๐ง๐จ, pinaalala sa atin na sa ating buhay, madali ang magsabi ng panalangin, humingi ng gabay, at magpasalamat sa Diyos. Ngunit higit pa sa mga salitang binibigkas natin ang hinihingi ng ating pananampalataya. Ito ay ang pagsasabuhay ng mga aral na ating ipinapanalangin.

Ang panalangin ay hindi lamang dapat marinig ng ating mga labi, kundi makita rin sa ating mga kilos. Sa paraan ng ating pakikitungo sa kapwa, sa pagpapatawad, sa pagtulong, sa pagiging mabuti, at sa pagpili ng tama kahit walang nakakakita, doon tunay na naipapakita ang ating pananampalataya.

Sapagkat walang saysay ang panalanging hindi nagbubunga ng pagbabago sa ating pagkatao. Kung tunay tayong lumalapit sa Diyos sa panalangin, nararapat lamang na makita rin Siya sa paraan ng ating pamumuhay. Ang bawat panalangin ay dapat maging daan upang mas maging mabuti, mapagmahal, mapagpatawad, at makatarungan tayo sa ating kapwa.

Kayaโ€™t tanungin natin ang ating sarili: ๐™‰๐™–๐™ ๐™ž๐™ ๐™ž๐™ฉ๐™– ๐™—๐™– ๐™จ๐™– ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™จ๐™–๐™ก ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™—๐™–๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ ๐™ ๐™ค?

Nawaโ€™y hindi lamang maging bahagi ng ating mga salita ang ating pananampalataya, kundi maging bahagi rin ng bawat kilos at desisyon natin. Sa bawat pagkakataong tayo ay tumulong, magpatawad, magmahal, at gumawa ng tama, nawaโ€™y maging buhay na patotoo tayo ng ating panalangin. Sapagkat ang tunay na dasal ay hindi lamang sinasabi, ito ay isinasabuhay.

15/08/2026
๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž 09, 2026 | 7:30 ๐.๐”. ๐Œ๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ  ๐ˆ๐ค๐š-19 ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐งSa homilya ni ๐‘๐ž๐›. ๐๐. ๐‘๐จ๐ ๐ข๐ž, pinaalala s...
09/08/2026

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž 09, 2026 | 7:30 ๐.๐”. ๐Œ๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ
๐ˆ๐ค๐š-19 ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง

Sa homilya ni ๐‘๐ž๐›. ๐๐. ๐‘๐จ๐ ๐ข๐ž, pinaalala sa atin na hindi mawawala ang mga takot sa ating buhay. Ito ay pwedeng nagmumula sa mga pagsubok, problema, at pangamba na madalas ay nagpapabigat sa ating puso.

Ngunit sa halip na hayaang lamunin tayo ng takot, tinuturuan tayo ng mga pagbasa sa Linggong ito na sa bawat takot ang naisin natin ay makipagtagpo sa Diyos upang patuloy na maranasan ang kanyang kabutihan. Tulad ng paghahanap ni Elias sa Diyos sa unang pagbasa naisin din natin na makita at makatagpo ang Diyos sa pangamba at takot na mayroon tayo sa ating buhay. Matututo tayo kay Pedro sa Ebanghelyo. Huwag natin ibaling sa malakas na hangin ang ating atensyon bagkus ito ay patuloy na iton kay Hesus upang hindi tayo malunog dala ng mga takot ng buhay.

Upang mapanatili natin ang pakikipagtagpo kay Hesus pahalagahan din natin ang buhay pananalangin dahil ito ay ipinaalala sa atin ni Hesus sa unang bahagi ng Ebanghelyo. Sa pamamagitan ng buhay pananalangin, natututo tayong ipagkatiwala ang lahat ng ating pangamba sa Diyos. Sa araw araw na pananalangin ang pintuan ng pagkikioagtapo kay Hesus ay patuloy natin binubuksan at mararanas. Ang panalangin ay hindi lamang sa pagkakataon ng takot, pangamba, at pangangailangan. Ito ay pakikipagtagpo sa Diyos na nagbibigay ng katiyakan na hindi tayo nag-iisa.

Tulad ng mga alagad na natakot sa unos, tayo man ay dumaraan sa bagyo ng buhay. Ngunit sa bawat unos, naroon ang Panginoon na handang patahimikin ang ating takot at palitan ito ng pananampalataya. Kayaโ€™t tanungin natin ang ating sarili: ๐™‹๐™–๐™–๐™ฃ๐™ค ๐™ ๐™ค ๐™๐™ž๐™ฃ๐™–๐™๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™จ๐™ช๐™—๐™ค๐™ : ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™–๐™จ๐™–๐™จ๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฉ ๐™—๐™– ๐™จ๐™– ๐™ ๐™–๐™—๐™ž๐™ก๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ง๐™–๐™ฅ, ๐™ค ๐™ฅ๐™ช๐™ง๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™œ-๐™–๐™–๐™ก๐™–๐™ก๐™– ๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ?

Nawaโ€™y matutuhan nating yakapin ang ating mga takot bilang paalala na kailangan natin ang Diyos sa bawat sandali. Sa tuwing tayoโ€™y nangangamba, piliin nating lumapit sa Kanya, sapagkat sa Kanyang presensiya, ang takot ay nagiging biyaya, at ang pangamba ay nagiging daan tungo sa mas matibay na pananampalataya.

04/08/2026

Happy Priest Day to all our dear priests!

Thank you for being living witnesses of Christ's love and hope. Your faithful ministry continues to inspire hearts and strengthen our faith. May God always renew your strength and fill your lives with His peace and grace.

Happy Priest's Day, Rev. Fr. ๐‘๐จ๐ ๐ข๐ž ๐Œ๐š๐ซ๐ค ๐†๐ฎ๐š๐ณ๐จ๐ง, ๐Œ๐’! Today, we give thanks to God for the precious gift of your priesthoo...
02/08/2026

Happy Priest's Day, Rev. Fr. ๐‘๐จ๐ ๐ข๐ž ๐Œ๐š๐ซ๐ค ๐†๐ฎ๐š๐ณ๐จ๐ง, ๐Œ๐’!

Today, we give thanks to God for the precious gift of your priesthood and for your faithful response to His call. Your life of service, humility, and dedication reflects the heart of Christ, inspiring many to grow in faith and to draw closer to Him. Thank you for your unwavering commitment to proclaiming the Gospel and for being a compassionate shepherd who serves with love and generosity.

May the Lord continue to bless you with good health, wisdom, renewed strength, and lasting joy as you faithfully carry out your ministry. May His grace sustain you in every step of your vocation, and may the Blessed Virgin Mary always accompany and protect you. Thank you for your inspiring witness and selfless service. Happy Priest's Day, Rev. Fr. ๐‘๐จ๐ ๐ข๐ž ๐Œ๐š๐ซ๐ค ๐†๐ฎ๐š๐ณ๐จ๐ง, ๐Œ๐’! May God bless you abundantly today and always.

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž 2, 2026 | 6:00 ๐.๐”. ๐Œ๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ˆ๐ค๐š-18 ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง"๐˜ผ๐™ฃ๐™ค ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ž๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฉ ๐™™๐™–๐™ก๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™จ...
02/08/2026

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž 2, 2026 | 6:00 ๐.๐”. ๐Œ๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ˆ๐ค๐š-18 ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง

"๐˜ผ๐™ฃ๐™ค ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ž๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฉ ๐™™๐™–๐™ก๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™จ๐™™๐™– ๐™ฃ๐™– ๐™ฉ๐™–๐™œ๐™ก๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ?"

Sa Ebanghelyo, ipinakita ni Hesus na ang isang munting handog ay maaaring maging daan sa dakilang himala. Hindi Niya hinahanap ang dami ng ating maibibigay, kundi ang pusong handang magbahagi at magpagamit sa Kanya.

Sa kanyang homiliya, ipinaalala ni ๐‘๐ž๐›. ๐๐. ๐‘๐จ๐ ๐ข๐ž na huwag nating maliitin ang maliliit na biyayang taglay natin: ang ating oras, talento, kakayahan, malasakit, at kabutihan. Kapag ang mga ito ay inialay natin sa Diyos, nagiging instrumento tayo ng Kanyang pag-ibig para sa iba.

Kasabay nito, tinatawag din tayong maging mapagpasalamat. Madalas tayong nakatuon sa ating mga kakulangan kaya nagiging bulag tayo sa mga biyayang ipinagkakaloob ng Diyos. Ngunit ang pusong marunong magpasalamat ay pusong marunong ding makuntento at magbahagi.

Kaya't itanong natin sa ating sarili: ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข? ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฃ? ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ? Sapagkat sa Diyos, walang maliit o kakaunti. Ang bawat kabutihang iniaalay natin sa Kanya ay maaaring magbunga ng biyayang higit pa sa ating inaasahan.

Katulad ng ipinapahiwatig ng ๐—†๐—ˆ๐—๐—๐—ˆ na "๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ช๐˜ต, ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด๐˜ต๐˜ข'๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ต.", ay pinaaalalahanan din tayo sa Ebanghelyo at pinababatid nito sa atin:

"๐‘จ๐’๐’–๐’Ž๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’๐’Š๐’Š๐’• ๐’๐’‚ ๐’•๐’‚๐’ˆ๐’๐’‚๐’š ๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’–๐’•๐’Š๐’‰๐’‚๐’, ๐’ƒ๐’‚๐’”๐’•๐’‚'๐’• ๐’Š๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’• ๐’”๐’‚ ๐‘ซ๐’Š๐’š๐’๐’” ๐’‚๐’š ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’Œ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’• ๐’๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’“๐’‚๐’๐’‚๐’”๐’‚๐’."

August 1, 2026 | Anticipated Mass @ Barangay Burol 1 Covered Court | 6:30PM
01/08/2026

August 1, 2026 | Anticipated Mass @ Barangay Burol 1 Covered Court | 6:30PM

AUGUST 1, 2026 | Dawn Procession and Healing Mass
01/08/2026

AUGUST 1, 2026 | Dawn Procession and Healing Mass

Address

Windward Hills Subdivision, Burol 1
Dasmariรฑas
4115

Opening Hours

Tuesday 9am - 4pm
Wednesday 9am - 4pm
Thursday 9am - 4pm
Friday 9am - 4pm
Saturday 9am - 4pm
Sunday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pope Saint Paul VI Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Pope Saint Paul VI Parish:

Share