Akh Abu Zhaquiah

Akh Abu Zhaquiah Islamic Reminders

16/07/2023

"Walang kasiyahan
sa pagsuway kay Allah"

16/07/2023

Abu Bakr Al-Miskie

Tinawag siyang "Al Miskie" dahil sa mabango niyang amoy na maihahalintulad sa Misk (Musk), ito ay nalalanghap sa kanya sa lahat ng oras.

Tinanong siya ng mga tao: Bakit amoy pabango (Musk) ka sa lahat ng pagkakataon?

At ang kanyang sagot ay sadyang nakakamangha...
Kanyang sinabi: "Ilang taon na akong hindi nakakagamit ng anumang uri ng pabango...

Ngunit, isang araw ay pinapasok ako ng isang magandang babae sa kanyang bahay at isinara ang pinto, at inutusan akong gawin sa kanya ang ginagawa ng lalaki sa kanyang asawa.

Ngunit ako'y tumanggi, at nang magkaganon ay nagbanta siya sa akin, na kung hindi ko susundin ang kanyang nais ay tatawagin niya ang mga kapitbahay at sasabihing pinasok ko ang kanyang bahay upang magnakaw at siya ay gahasain.

Kaya nag-isip ako ng paraan...

Sinabi ko sa kanya na nais ko munang maligo upang mas matamasa namin ang kasiyahan, siya ay pumayag at inutusan ang kanyang babaeng lingkod na ituro sa akin ang daan patungo sa palikuran.

Ngunit, ang aking ginawa ay kumuha ako ng tae at pinahid ko sa aking buong katawan, pagkatapos ay pumunta na ako sa kanya, nang ako'y kanyang makita ay nandiri ng lubos at pinalabas ako kaagad.

Umuwi ako sa aking tahanan at naligo, pagkatapos ay natulog, at aking napanaginipan na tinatawag ako ng isang boses na nagsasabing: "Ginawa mo ang ginawa mo para sa iyong Panginoon, ika'y aming gagantimpalaan."

Pag-gising ko ay amoy pabango na ako, mula noon at magpahanggang ngayon."

Ang kwentong ito ay naisalaysay ni Ibn Al Jawzie sa kanyang Kitab na "Al Mawa'idh wal Majalis." At iba pang mga Iskolar.

Ang tunay na mananampalataya ay gagawin ang lahat makaiwas lamang sa karumaldumal na gawain.

✍ Muhd-ata Abdulkarim

11/07/2023

Sinabi ng mahal na Propeta Muhammad (SAW):
كل أمتي معافى إلا المجاهرون
" Lahat ng aking nasyon ay mapapatawad, maliban sa mga Mujahirun ( mga taong pinagmamalaki at nilalantad ang pag gawa ng kasalanan)"

28/06/2023

Eid Mubarak
تقبل الله منا و منكم صالح الأعمال
Tanggapin nawa ng Allah sa amin at sa inyo ang ating mabubuting gawa 🤲

22/06/2023

قال الحسن البصري:
"إن النفاق لا يخاف إلا مؤمن، و لا يأمنه إلا منافق"
Sinabi ni Hasan Al-Basriy:
"Tunay na walang nangangamba sa pagpapakitang tao maliban sa Mu'min, at walang sinuman ang napapanatag dito(Pakitang-tao) maliban sa mapagpanggap (Munafiq)"

12/06/2023
12/06/2023

Ang pagkawala ng internet connection sa atin ay napaka laking epekto sa atin,
minsan, sumasama ang loob natin, nakakaramdam ng lungkot, at ung iba ay parang nababalisa😵

ngunit ang mas nakakalungkot at nakakabahala,
ung ilang linggo or buwan na nawala ang connection natin sa pagbabasa ng QUR'AN, ay wala man lang itong epekto sa atin, at ni hindi natin ito nabibigyan ng pansin 😢💔

patawarin nawa tayo ng Allah sa ating mga pagkukulang 🤲

10/06/2023

🪴Ang kahalagahan ng pagsunod sa Propeta Muhammad

Isang araw may pumunta sa asawa ng Propeta na tatlong lalaki.. nagtatanong sila kung paano gumagawa ng pagsamba ang Propeta ... ang sabi ng tatlo;
1. Ako ay di mag-aasawa
2. Ako ay mag-aayuno araw araw
3. Ako ay di matutulog at magsasalah lang gabi gabi..
Sinabi nila ito dahil gusto nilang gumawa ng mas marami pa kaysa sa Propeta.

Nang malaman iyon ng Propeta ay lumabas siya sa maraming tao at kanyang sinabi "Ano kaya ang naiisip ng iba sa inyo... ako ang pinaka may takot sa Allah pero ako ay nag-asawa, ako ay nag-aayuno pero di araw araw, ako ay natutulog sa gabi. "

07/06/2023

Nagkasala at nagbalik-loob pwede po ba??

Sa islam, nagtuturo na ang Diyos ay ang pinaka maawain at pinaka mahabagin, sinabi ng huling sugo na si Propeta Muhammad:

"Ang lahat ng angkan ni Adan ay nagkakamali, subalit ang pinakamainam sa mga nagkakamali ang ang mga nagbabalik-loob"

Hanggat ang tao ay taos pusong nagsisi at nagbalik-loob sa Diyos ay bukas ang kanyang kapatawaran, ngunit dapat siguraduhin lamang nating tama ang pag-uukolan ng ating pagbabalikloob at mga pagsamba.

05/06/2023

"Malaki ang impluwensya ng mga taong kinakasama natin sa ating pagkatao, kaya tingnan natin kung sino ang ating sinasamahan"

05/06/2023

"walang kabutihan sa grupo ng mga tao na nagagalit sa kanilang mga anak dahil sa pagkukulang o pagpapabaya nila sa pag-aaral,

ngunit, hindi sila nagagalit kapag ang kanilang mga anak ay nagiging pabaya sa pagsasalah.

04/06/2023

Patnubay at gabay ng magulang ang kailangan para sa bawat bata na gumagamit ng cellPhone

Address

Salitran 1
Dasmariñas
4114

Telephone

+966552584353

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Akh Abu Zhaquiah posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Akh Abu Zhaquiah:

Share