02/05/2026
“Bakit hindi kami dumadami sa church?” 🤔
Minsan naiisip din natin to, ‘no?
Nag-eeffort naman may events, may outreach, may programs. Pero parang ang bagal ng growth. Nakaka-discourage minsan.
Pero what if, hindi lang sa numbers sinusukat ang tunay na growth?
“So neither he who plants nor he who waters is anything, but only God who gives the growth.” 1 Corinthians 3:7
May mga growth na hindi agad nakikita.
Yung isang tao na mas lumalalim ang faith.
Yung isang pamilya na unti-unting nirerestore.
Yung isang puso na tahimik pero tunay na nagbabago.
Hindi man siya marami sa paningin natin,
pero mahalaga siya sa mata ng Diyos.
“The kingdom of God is as if a man should scatter seed on the ground… the seed sprouts and grows; he knows not how.”
Mark 4:26-27
May bahagi tayo, maghasik, maglingkod, magmahal.
Pero ang pagpapalago, nasa Diyos talaga.
Minsan kaya parang hindi “dumadami”?
* Baka nasa season pa tayo ng planting, hindi harvest.
* Baka ang focus ni Lord ngayon ay lalim, hindi dami.
* Baka ang tinatawag Niya sa atin ay discipleship, hindi lang attendance.
“Go therefore and make disciples…”
Matthew 28:19
Kung napapagod ka na sa paglilingkod, tandaan mo,
hindi sayang ang lahat.
Every prayer.
Every invite.
Every quiet act of obedience.
May ginagawa ang Diyos, even kapag hindi natin agad nakikita.
“Let us not grow weary of doing good, for in due season we will reap, if we do not give up.” Galatians 6:9 (ESV)
Baka hindi lang ito tungkol sa,
“Bakit hindi kami dumadami?”
Baka ang mas mahalagang tanong ay,
Nagiging faithful ba kami sa pinapagawa ni Lord?
Nagdi-disciple ba kami, o naghihintay lang ng crowd?
Kasi sa huli, mas mahalaga kay God ang pusong sumusunod kaysa sa simbahang puno pero walang lalim.
Tuloy lang.
Tahimik man o mabagal,
God is working. 🙏🔥