24/04/2026
𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍
Ang pagdiriwang ng Karangalan ni Sta. Maria Eufrasia, na pinangungunahan ng Kawan (Ang tawag sa mga nagdedebosyon sa Mahal na Patrona Sta. Maria Euphrasia), kung saan idinaos ang Banal na Misa bilang pagpupugay sa kanyang kapistahan.
Ibinabahagi ang larawan ng ilan sa ating mga kapatid sa Cofradia na buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang sa Karangalan ng Patrona ng Parokya, ang minamahal naming Santa Maria Euphrasia.
Si 𝑺𝒕𝒂. 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒂 𝑬𝒖𝒇𝒓𝒂𝒔𝒊𝒂 (𝑴𝒂𝒓𝒊𝒂 𝑬𝒖𝒑𝒉𝒓𝒂𝒔𝒊𝒂 𝑷𝒆𝒍𝒍𝒆𝒕𝒊𝒆𝒓) ay isang banal na nag-alay ng kanyang buhay sa paglilingkod, lalo na sa mga nangangailangang kababaihan at kabataan, at naging tagapagtatag ng 𝑪𝒐𝒏𝒈𝒓𝒆𝒈𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒇 𝑶𝒖𝒓 𝑳𝒂𝒅𝒚 𝒐𝒇 𝑪𝒉𝒂𝒓𝒊𝒕𝒚 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑮𝒐𝒐𝒅 𝑺𝒉𝒆𝒑𝒉𝒆𝒓𝒅. Sa pamamagitan ng kanyang misyon, maraming buhay ang nabigyan ng pag-asa, gabay, at bagong simula. Ang kanyang halimbawa ng habag, pag-ibig, at walang pag-iimbot na paglilingkod ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat mananampalataya hanggang sa kasalukuyan. Kinilala Siya ng Simbahang Katolika bilang Santa noong 𝐌𝐚𝐲𝐨 2, 1940 isang pagkilala ng Simbahan sa kanyang banal na buhay at tapat na pagtugon sa tawag ng Diyos.
Nakiisa rin sa pagdiriwang ang mga Madre mula sa mga karatig na parokya, na lalo pang nagbigay-buhay at kabuluhan sa pagdiriwang. Maraming salamat po sa bawat isa sa inyong pakikiisa—mula sa pagsisimula ng Triduum hanggang sa araw ng kanyang Karangalan. Ang inyong presensya, panalangin, at suporta ay naging malaking bahagi ng tagumpay ng pagdiriwang na ito.
Bagamat ito ang araw ng pagkilala sa kanyang kapistahan, ito ay ating ginugunita bilang pag-alala sa kanyang kabanalan; samantalang ang opisyal at higit na masayang pagdiriwang ng pista ay ginaganap tuwing 𝒊𝒌𝒂-31 𝒏𝒈 𝑯𝒖𝒍𝒚𝒐, araw ng kanyang kapanganakan—na mas kilala sa ating parokya bilang “Pistang Hulyo.”
Sa pagninilay sa kanyang buhay, nawa’y maanyayahan ang bawat isa na tularan ang kanyang kababaang-loob, malasakit sa kapwa, at tapat na paglilingkod. Nawa’y patuloy tayong gabayan ni Sta. Maria Eufrasia sa ating pang-araw-araw na buhay pananampalataya at sa ating misyon bilang sambayanang Kristiyano. 🙏✨
“Ang Buhay ay Mas Mahalaga Kaysa sa Isang Daigdig”- Sta. Maria Euphrasia