30/03/2026
One of the first questions GOD ever asks humanity seems strange at first. After adam and eve sin, God's call out
"Adam where are you? " Genesis 3:9
Pero alam ng Diyos kung nasaan si adan GOD is omniscient HE knows everything pero bakit nga ba nya tinanong kung alam din naman ng Diyos ang sagot.
Ang tanong kasi hindi lang sa kung nasaan? Kasi alam ng Diyos na nagtatago si adan ang totoong tinatanong ng Diyos ay ang kanyang kalagayan.
Ang kalagayan ng Espirirtu ni adan ay nagbago.
Bago pa man mahulog sa kasalanan si adan ay lumalakad ng walang takot, walang pangamba at walang tinatago.
Pero nung pumasok ang kasalanan sa mundo merong isiniwalat si adan.
"Natakot po ako ng marinig ko kayong nasa hardin, nagtago po ako sapagkat ako'y hubad.
Sa una palang ang sangkatauhan ay nagtago na sa Diyos.
Nang tanungin ng Diyos si adan kung nasaan ka? Hindi lugar ang tinatanong ng Diyos kundi ang relasyon niya kay Yahweh. So in other words meron pang mas malalim na kahulugan ang tanong
"Adan anong nangyari sayo? "
Nasan na yung dating ikaw.
Ito yung unang beses na tinawag ng Diyos ang tao pabalik sa kanya matapos na siya ay magkasala.
God is the one who initiates the conversation siya yung unang nagtatanong sa atin. Makalipas ang libo libong taon hinanap uli tayo ng Diyos pero sa pagkakataong ito hindi na sa hardin ng eden.
Lucas 19:10
Sapagkat naparito ang Anak ng tao upang hanapin at iligtas ang naligaw.
Sa istoryang ng pagliligtas ay nagmumula sa mga taong nagtatago sa Diyos.
Sa Genesis isang bagay na nais iparating ay
God searching, Humanity hiding.
Ang tanong nasan nga ba tayo? hindi na ito tanong para kay adan kundi para sa tin at sa lahat ng tao
Nasan na nga ba tayo kumpara sa dati kung nasaan tayo
Malapit sa Diyos o nagtatago kung saan?
Ngayong mahal na araw hindi lamang ang pagkamatay ni Hesus ang dapat nating pagnilayan kundi ang ating relasyon sa kanya. Nasan nga ba tayo sa harap ng Diyos?