04/10/2026
𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵 𝗢𝘂𝘁𝗿𝗲𝗮𝗰𝗵 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝟮𝟬𝟮𝟲: "𝗠𝗮𝗸𝗶𝗻𝗶𝗴, 𝗠𝗮𝗴𝗻𝗶𝗹𝗮𝘆, 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗸𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗼𝘁”
Nagsimula na muli ang pagbabahagi!
Ang mga miyembro mula sa iba’t ibang Ministries, Communities, at Lay Associations ay nagsimula na muli sa kanilang pagbisita sa ating mga beneficiaries na maysakit, sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga gamot at iba pang pangangailangang medical and care supplies, kalakip ang munting katesismo bilang bahagi ng proyekto ng ating Parokya — “Outreach Program: Year 2.”
Muli, sa mga nais pong mag-handog ng tulong-pinansyal para sa ating Outreach Program ay maaari po kayong magtungo sa opisina ng ating Parokya.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa!