24/05/2026
Taos-pusong Pasasalamat sa matagumpay na pagdaraos ng Pentecost Celebration 2026 na may temang:
“Kita an Simbahan Biniyayaan, Inaantabayan asin Sinusugo sa Giya kan Banal na Espiritu.”
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, tumulong, at naglingkod upang maging makabuluhan, maayos, at pinagpala ang pagdiriwang na ito. Tunay ngang ang Banal na Espiritu ang naging gabay, lakas, at inspirasyon ng bawat isa upang maisakatuparan ang gawaing ito para sa Simbahan.
Taos-puso rin po naming kinikilala at pinasasalamatan ang aming mga masisipag na committees at ministry heads:
• Dennis L. Miraflor – PPC Chair
• Salvi Rufina Angela M. Morcoso – Master of Ceremony and Finance Chair
• Noel Perillo – Parish Commission on Worship Lay Co-Chair
• Robert Ryan Rivera – Parish Commission on Ecclesial Communities Lay Co-Chair
• Georgina Alibin at Jerome Alibin – Parish Commission on Family and Life Lay Co-Chairs
• Myrna Magayanes – Parish Commission on Clergy and Consecrated Persons Lay Co-Chair
• Emelita M. Balisnomo – Committee on Registration / Parish Commission on Christian Education Lay Co-Chair
• Renelle Renz M. Labrador – Food Committee / Parish Pastoral Worker
Maraming salamat din po sa ating Talk Giver na si Rev. Fr. Francis Benaya sa pagbabahagi ng makabuluhang mensahe at paggabay sa aming pananampalataya.
Sa ating mga nagbahagi ng testimonya:
• Richard M. Lorente – Fishers of Men
• Cathy Morcoso – Neo Catechumenal Way
Maraming salamat sa inyong pagbabahagi ng buhay at pananampalatayang tunay na naging inspirasyon sa lahat.
Pasasalamat din po sa Commission on Youth sa pangunguna ni Joanna Mae Castilla para sa masiglang animation na nagbigay-buhay at sigla sa programa.
Sa El Shaddai Grand Band sa pangunguna ni Angelina Olivarez, maraming salamat po sa inyong talento at papuri sa Panginoon sa pamamagitan ng musika.
Sa Social Communication Ministry sa pamumuno ni Krystal Faye Viray, Lay Co-Chair, maraming salamat sa pagdodokumento at pagbabahagi ng mahahalagang sandali ng pagdiriwang na ito.
Sa Grand Choir sa pangunguna ni Joven Medallada, maraming salamat sa inyong awit at paglilingkod na lalong nagpayaman sa banal na pagdiriwang.
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa ating minamahal na Parish Priest, Rev. Fr. Antonio S. Sial, sa kanyang buong suporta, paggabay, at pagmamahal upang matagumpay na maisakatuparan ang pagdiriwang na ito.
Maraming salamat din sa lahat ng mga naglingkod sa Banal na Misa, mga volunteers, ministries, at sa lahat ng parish commissions na muling tumugon sa tawag ng paglilingkod at patuloy na nag-alay ng kanilang panahon, talento, at sarili para sa misyon ng Simbahan.
Nawa’y patuloy tayong pag-alabin ng Banal na Espiritu upang maging buhay na saksi ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahalan sa ating pamayanan.
To God be all the glory!