01/12/2025
Alam mo, may mga season talaga na gusto mong bumalik kay Lord, pero hindi mo na alam kung paano.
Gusto mong manalangin ulit, pero parang walang lumalabas na salita.
Gusto mong mag-worship, pero parang wala kang maramdaman.
Gusto mong maranasan ulit yung kapangyarihan ni Lord, yung fire, yung joy, yung peace but honestly, hindi mo alam kung saan ka magsisimula.
And that’s okay. Hindi ka nag-iisa.
Marami na rin akong nakausap at ako mismo dumaan din doon na andun yung desire, andun yung longing, pero parang may humaharang.
GUILT, SHAME, PAGOD, TRAUMA, o minsan hindi mo rin alam kung bakit.
Minsan, gusto ng puso mo, pero ayaw gumalaw ng spirito mo.
Gusto mong lumapit, pero pakiramdam mo hindi ka worthy.
Gusto mong sumigaw ng
“Lord, I’m back!” pero the truth is.
Hindi mo alam kung paano bumalik.
At masakit umamin niyan kasi
FEELING MO IKAW ANG PROBLEMA.
PAKINGGAN MO TO.
Hindi kailangan ni Lord, na perfect ka para bumalik.
Hindi Niya hinihingi na mabuo ka bago ka lumapit.
Hindi Niya hinihingi na maging malakas ka bago ka mag-pray.
God is not waiting for your perfection. He’s waiting for your direction.
Hinihintay Nya ang paglapit mong muli.
MY ADVICE KAPATID
1. UMPISAHAN MO SA TOTOO MONG NARARAMDAMAN
Hindi mo kailangan gumawa ng perfect na panalangin bago ka bumalik kay Lord.
Sabihin mo lang ng diretso, ng totoo, na galing sa puso mo.
“Lord! hirap ako. Pagod ako. Nagkamali ako.Gusto ko ng bumalik sayo”
Kasi ang pagbabalik sayo sa Lord, hindi nagsisimula sa mabulaklak na salita.
Nagsisimula yan sa pagiging honest or pag-amin mo sa harap ng Diyos.
2. BUMALIK KA SA ISANG BAGAY NA NAG-CONNECT SAYO NOON.
Hindi mo kailangan agad mag-devotion ng isang oras.
Hindi mo kailangan biglang maging on fire kagaya dati.
Minsan, baby steps lang talaga ang kailangan.
Balikan mo yung isang worship song na dati, pag narinig mo, umiiyak ka kasi ramdam mo si Lord.
Balikan mo yung Bible verse na unang bumago sayo, yung literal na nagpa
“Lord, Ikaw talaga to.”
Balikan mo yung quiet moment kung saan dati naglalakad ka lang pauwi pero ramdam mo yung peace Niya.
Balikan mo yung simpleng “Thank You, Lord” na dati automatic sa’yo, pero ngayon ang bigat-bigat na sabihin.
Alam mo kung bakit?
Kasi minsan, hindi big gestures ang nagbabalik sa atin.
Minsan, isang maliit na spark lang.
Isang kanta.
Isang salita.
Isang verse.
Isang tahimik na sandali.
At doon ulit nagsisimula ang apoy.
Kailangan mo lang maalala kung paano ka nag-umpisa dati.
TANDAAN MO ITO.
Kung gusto mong bumalik, ibig sabihin tinatawag ka pa Niya.
Kung naghahanap ka ulit ng apoy, ibig sabihin may apoy pa sa loob mo.
Kung naguguluhan ka, ibig sabihin may plano pa Siya para sa’yo.
Hindi ka nag-iisa.
Hindi ka talunan.
Hindi ka iniwan.
Ikaw yung minahal, hinintay, at inaantay pa rin.
Tara! Sabay-sabay tayong bumalik sa Lord. 🙏😇