Parish of the Divine Mercy - Alawihao, DCN

Parish of the Divine Mercy - Alawihao, DCN Official page of the Parish of the Divine Mercy

AGOSTO 28 || Paggunita kay San Agustin, Obispo at Pantas ng Simbahan“Ipinagkatiwala mo ang nakaraan sa Awa ng Diyos, ang...
27/08/2026

AGOSTO 28 || Paggunita kay San Agustin, Obispo at Pantas ng Simbahan

“Ipinagkatiwala mo ang nakaraan sa Awa ng Diyos, ang kasalukuyan sa Kanyang pag-ibig, at ang kinabukasan sa Kanyang paggabay."

~San Agustin ng Hippo

AGOSTO 25, 1905 | ARAW NG KAPANGANAKAN NI  SANTA FAUSTINA KOWALSKAIpinanganak na si Helena Kowalska noong 1905 sa isang ...
25/08/2026

AGOSTO 25, 1905 | ARAW NG KAPANGANAKAN NI SANTA FAUSTINA KOWALSKA

Ipinanganak na si Helena Kowalska noong 1905 sa isang madasalin ngunit payak na nayon ng Głogowiec, siya ay pumasok sa Sisters of Our Lady of Mercy noong 1925 at nakilala bilang si Sor Faustina ng Santísimo Sakramento. Dahil sa kanyang mga pangitain ni Hesus, inialay niya ang kanyang buhay sa pagpapalaganap ng Kanyang mensahe ng Banal na Awa kaya’t kinilala siya bilang Apostol ng Banal na Awa.

Ayon sa kanyang Talaarawan (925), naranasan niya ang 𝘣𝘪𝘭𝘰𝘬𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 kung saan nagtungo siya sa 'espiritu' at napakinggan ang mensahe ng Santo Papa Pio XII noong 1937 sa ginanap na International Eucharistic Congress sa Maynila, kung saan sabay na tinanggap niya ang Kanyang Bendicion Apostolica.

HAPPY FIESTA!PARISH OF ST. ROCHE Batobalani, Paracale, Camarines Norte “Ampunin mo kamiy! kupkop San Roquekapalara'y pus...
25/08/2026

HAPPY FIESTA!
PARISH OF ST. ROCHE
Batobalani, Paracale, Camarines Norte

“Ampunin mo kamiy! kupkop San Roque
kapalara'y puspos”

PANALANGIN KAY SANTA MARIAFAUSTINA KOWALSKAO Hesus, ipinagkaloob Mo kay Santa Maria Faustina Kowalska ang masidhing pagk...
24/08/2026

PANALANGIN KAY SANTA MARIA
FAUSTINA KOWALSKA

O Hesus, ipinagkaloob Mo kay Santa Maria Faustina Kowalska ang masidhing pagka-akit sa lyong Mabathalang Awa. Ipagkaloob Mo, kung ito ay naaayon sa lyong kalooban at ikaliligtas ng aking kaluluwa ang biyayang aking hinihiling:
(Banggitin ang intension/kahilingan)

Hindi ako karapat-dapat na tumanggap sa Iyong mga biyaya dahilan ng aking pagiging makasalanan. Ngunit alang-alang sa mga sakripisyo at mga mabubuting gawa ni Santa Faustina noong nabubuhay pa siya sa lupang ibabaw, huwag nawang ipagkait sa akin ang aking mga hinihiling. Tulad ng isang bata, ako ay lumalapit ng may pagtitiwala sa lyong Mabathalang Awa Amen.

Santa Faustina, ipanalangin mo kami.
Hesus, Hari ng Awa, nananalig ako sa lyo.

23/08/2026

PARISH YOUTH MINISTRY
WEEKLY FORMATION

KASAYAW KA
Kanta • Sayaw • Karunungan

Music belongs to the rightful owner.
No copyright intended.

23/08/2026

HAPPY BIRTHDAY PO!
HERMANA LORIE IBASCO

“The Lord bless you and keep you, the Lord make his face shine on you and be gracious to you; the Lord turn his face toward you and give you peace."

Numbers 6:24-26

“Pag-ibig mo’y di kukupas,gawain mo’y magaganap”Banal na Misa 6:00 ng Umaga
22/08/2026

“Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap”

Banal na Misa
6:00 ng Umaga

TARA SIMBA PO TAYO BUKAS!Twenty-first Sunday in Ordinary Time (A) (Green)MABUTING BALITAMateo 16, 13-20Ang Mabuting Bali...
22/08/2026

TARA SIMBA PO TAYO BUKAS!
Twenty-first Sunday in Ordinary Time (A) (Green)

MABUTING BALITA
Mateo 16, 13-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.” “Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.” At mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Kristo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

O Katamis-tamisan naming Mahal na Poong Jesus Nazareno, ikaw ang nagdala ng aming mga kahinaan at sumurot sa aming mga k...
20/08/2026

O Katamis-tamisan naming Mahal na Poong Jesus Nazareno, ikaw ang nagdala ng aming mga kahinaan at sumurot sa aming mga karamdaman.

Pangako sa Nagdarasal ng ChapletTulong sa mga Naghihingalo: Tumayo sa pagitan ng Ama at ng taong nag-aandukha o naghihin...
20/08/2026

Pangako sa Nagdarasal ng Chaplet

Tulong sa mga Naghihingalo:
Tumayo sa pagitan ng Ama at ng taong nag-aandukha o naghihingalo ang Tagapagligtas sa oras ng kamatayan kung dasalin ito sa kanilang harapan.

Kaloob ng Kapayapaan:
Punuin ng malalim na kapayapaan ang kaluluwa ng mga matigas ang loob kapag dinadasal ito.

Pagtugon sa Hiling:
Ipagkaloob ang lahat ng hihingin sa pamamagitan ng pagdarasal ng Chaplet kung ito ay naaayon sa Kanyang kalooban.

Address

Daet
4600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish of the Divine Mercy - Alawihao, DCN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share