Our Lady of Peñafrancia Parish - Moreno

Our Lady of Peñafrancia Parish - Moreno The official page of Our Lady of Peñafrancia Parish - Brgy. Gubat, Daet, Camarines Norte

PAGGUNITA KAY SAN ROQUE | Agosto 16, 2026PANALANGIN KAY SAN ROQUEO, Panginoon Kong Diyos, ikaw na nagsugo sa maluwalhati...
16/08/2026

PAGGUNITA KAY SAN ROQUE | Agosto 16, 2026

PANALANGIN KAY SAN ROQUE

O, Panginoon Kong Diyos, ikaw na nagsugo sa maluwalhating San Roque at pinahatiran mo siya ng kaputol na tabla, pinagtibay Mo ang pangako sa kanya, upang ang sino mang dapuan ng salot ay hindi maano, sapagkat siya'y deboto sa Iyo.

Magdalita Ka sa aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob Mo na kami ay maligtas sa mga salot na nakakamatay sa kaluluwa't katawan, pakundangan kay Hesukristong Panginoon namin. Amen!

San Roque, pintakasi laban sa sakit at salot, ipanalangin mo kami!

Ampunin mo kami't kupkop, Roqueng, kapalara'y puspos!

Credits to: San Roque Cathedral - Diocese of Kalookan Paulsfire Lindaya





DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AAKYAT SA LANGIT NG MAHAL NA BIRHENG MARIA | Agosto 15, 2026Panalangin sa Birheng Mariang Ini...
14/08/2026

DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AAKYAT SA LANGIT NG MAHAL NA BIRHENG MARIA | Agosto 15, 2026

Panalangin sa Birheng Mariang Iniakyat sa Langit

Mahal na Birheng Maria,
Ina ni Kristo at aming Ina,
Ikaw ang pinakamatamis na bunga
ng mapanligtas at tapat na pag-ibig ng Diyos.
Iniakyat ka sa langit at doon ay inaawit ang Awa ng Ama.
Gayunpaman, kaagapay ka pa rin namin
sa iyong maka-inang pagkalinga.

Sa panahong ito ng pandemya, dumudulog kami sa iyo,
O tanda ng aming tiyak na pag-asa at ginhawa.
Sa araw na ito, sinasariwa namin
ang aming pagtatalaga at pagkakatiwala ng aming sarili sa iyo
na ginawa ng mga nauna sa amin.

Sa iyong yakap ng pag-ibig bilang Ina at Lingkod,
balutin mo ang aming parokya,
ang aming Lungsod,
at ang aming Bayan
na muli naming ipinagkakatiwala at itinatalaga sa iyo,
sampu ng aming mga sarili at mga pamilya.

Sa isang natatanging paraan,
inilalapit namin sa iyo ang mga lubos na nangangailangan
ng iyong maka-inang paglingap.

O Maria, Kalusugan ng mga Maysakit,
tanda ng kalakasan, paghilom, at pag-asang mula sa Diyos
para sa lahat ng may karamdaman,
ipinagkakatiwala namin sa iyo ang lahat ng dinapuan ng coronavirus.

O Maria, Ina ng Kaginhawahan,
nililingap mo sa iyong maka-inang pag-ibig
ang lahat ng lumalapit sa iyo,
ipinagkakatiwala namin sa iyo
ang lahat ng nawalan ng mahal sa buhay sa pandemyang ito.

O Maria, Saklolo ng mga Kristiyano,
na tumutulong sa amin sa lahat ng pagsubok,
ipinagkakatiwala namin sa iyong pangangalaga
ang lahat ng caregiver, medical worker, doktor, nars, at frontliner.

O Maria, Reyna at Ina ng Awa,
niyayakap mo ang lahat ng tumatawag sa iyo sa kanilang kagipitan,
ipinagkakatiwala namin sa iyo ang lahat ng nagdurusa sa anumang paraan
dahil sa pandemyang ito.

O Maria, Luklukan ng Karunungan,
maluwalhati kang pinuspos ng liwanag ng katotohanan,
ipinagkakatiwala namin sa iyo ang lahat ng nagsisikap
na mahanap ang lunas sa pandemyang ito.

O Maria, Inang May Mabuting Payo,
inilaan mo ang iyong sarili nang buong-puso sa plano ng Diyos
na panibaguhin ang lahat kay Kristo,
ipinagkakatiwala namin sa iyo
ang lahat ng aming mga pinuno at mambabatas.

Tanggapin mo sa iyong maka-inang paglingap
ang pagtatalagang ito na ginagawa namin nang buong tiwala,
at tulungan mo kami upang maging mga lingkod ng iyong Anak
tungo sa paghilom at kaligtasan ng aming bayan at ng daigdig.

O Maria, Ina ng Simbahan,
iniakyat ka sa langit na ating tunay na tahanan,
at iniluklok bilang reyna sa kanang-kamay ng iyong Anak:
hinihiling namin ang iyong pamamagitan
para sa mga pangangailangan ng aming bayan,
nang ang bawat kagandahang-loob ay pagpalain at palakasin,
ang pananampalataya ay manariwa at mapagyaman,
ang pag-asa ay patuloy na maging matatag at maliwanag,
at ang pag-ibig ay muling mapukaw at manumbalik ang sigla;
Kami ay nagsusumamo,
gabayan mo po kami sa landas ng kabanalan.

Maria, aming Ina,
balutin mo ang lahat sa iyong pangangalaga
at ilapit kami sa iyong Minamahal na Anak,
si Hesukristong aming Panginoon. Amen.

(credits to: National Shrine of Our Lady of Guadalupe)




12/08/2026

PABATID:

Walang Pagdiriwang ng Banal na Misa ngayong araw, Agosto 12, 2026, sa ganap na 5:30 ng hapon.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.


IN PHOTOS | Eucharistic Celebration and Solemn Blessing of the images of El Divino and Our Lady of PeñafranciaAugust 2, ...
06/08/2026

IN PHOTOS | Eucharistic Celebration and Solemn Blessing of the images of El Divino and Our Lady of Peñafrancia

August 2, 2026 | Sunday

Part 2




KAPISTAHAN NG PAGBABAGONG ANYO NI HESUS SA BUNDOK NG TABOR | Agosto 6, 2026Sa banal na Bundok Tabor, ipinamalas ng Pangi...
06/08/2026

KAPISTAHAN NG PAGBABAGONG ANYO NI HESUS SA BUNDOK NG TABOR | Agosto 6, 2026

Sa banal na Bundok Tabor, ipinamalas ng Panginoong Hesukristo ang Kanyang kaluwalhatian sa harap nina Pedro, Santiago, at Juan. Sa gitna ng ulap ay narinig ang tinig ng Ama:

"Ito ang minamahal Kong Anak, na Siya Kong kinalulugdan; Siya ang inyong pakinggan." (Mateo 17:5)

Sa pagdiriwang ng dakilang kapistahang ito, inaanyayahan tayong pagnilayan ang hiwaga ng Pagbabagong-Anyo ng Panginoon—isang paunang pagpapahayag ng Kanyang muling pagkabuhay at walang hanggang kaluwalhatian. Nawa'y sa ating pakikinig sa Kanyang Salita at tapat na pakikibahagi sa Banal na Eukaristiya, tayo rin ay patuloy na mabago at maging karapat-dapat na maging saksi ng liwanag ni Kristo sa gitna ng sanlibutan.




PAGDALAW AT KAPISTAHAN NI INA 2026 | Agosto 2 - Septyembre 25, 2026Muling nagkakatipon ang sambayanan ng Diyos upang ipa...
04/08/2026

PAGDALAW AT KAPISTAHAN NI INA 2026 | Agosto 2 - Septyembre 25, 2026

Muling nagkakatipon ang sambayanan ng Diyos upang ipagdiwang ang banal na Pagdalaw at Kapistahan ng Ina ng Peñafrancia. Sa kanyang maka-inang pagkalinga at pamamagitan, tayo'y magkaisa sa panalangin, debosyon, at pasasalamat sa mga biyayang patuloy na ipinagkakaloob ng Panginoon.

Viva la Virgen!
Viva El Divino Rostro!





IN PHOTOS | Eucharistic Celebration and Solemn Blessing of the images of El Divino Rostro and Our Lady of PeñafranciaAug...
02/08/2026

IN PHOTOS | Eucharistic Celebration and Solemn Blessing of the images of El Divino Rostro and Our Lady of Peñafrancia

August 2, 2026 | Sunday

PART 1




02/08/2026

Live: Motorcade Procession

02/08/2026

LIVE: Eucharistic Celebration and Solemn Blessing of the images of El Divino Rostro and Our Lady of Penafrancia | August 2, 2026
Presided by: Very Rev. Fr. Omar C. Oco
Vicar General of the Diocese of Daet


02/08/2026

LIVE: Eucharistic Celebration and Solemn Blessing of the images of El Divino Rostro and Our Lady of Penafrancia | August 2, 2026

Presided by: Very Rev. Fr. Omar C. Oco
Vicar General of the Diocese of Daet



Address

Moreno-Gubat
Daet
4600

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of Peñafrancia Parish - Moreno posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share