20/08/2026
Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para lamang kay Allฤh ๏ทป, na sa Kanyang pahintulot ay naging matagumpay ang ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฆ๐ฆ๐๐ ๐๐๐ง '๐๐๐๐ฎ๐ฅ๐ฐ๐๐ก๐ก๐๐๐ ๐๐ฌ๐ฅ๐๐ฆ๐ข๐ ๐๐จ๐ง๐๐๐ซ๐๐ง๐๐.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay ng kumperensyang ito.
๐๐๐ณฤ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ฅฤ๐ก๐ฎ ๐ค๐ก๐๐ฒ๐ซ๐๐ง ๐ค๐๐ญ๐กฤซ๐ซ๐๐ง sa ating mga mahal na kapatid at mga tagapagturo na naglaan ng kanilang panahon, kaalaman, lakas, at paglalakbay upang maihatid sa atin ang mga mahahalagang paalala at aral. Nawa'y gantimpalaan kayo ni Allฤh nang masagana at panatilihin kayong matatag sa pagtuturo ng katotohanan.
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga nag-organisa at mga nagvolunteer โ lalo na sa mga kapatid na nagtrabaho kahit hindi nakikita ng marami. Sa mga umasikaso ng venue, pagkain, sound system, registration, transportation, documentation, security, online broadcast, coordination, at sa lahat ng nagsakripisyo ng oras, lakas, at resources: ๐๐๐ณฤ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ฅฤ๐ก๐ฎ ๐ค๐ก๐๐ฒ๐ซ๐๐ง. Maaaring hindi makita ng mga tao ang lahat ng inyong ginawa, ngunit walang anumang sakripisyong ginagawa alang-alang kay Allฤh ang nawawala sa Kanya.
Maraming salamat din sa lahat ng dumalo nang personal, nakinig online, nag-share ng mga lectures, nag-anyaya sa iba, sumuporta, nag-donate, at patuloy na nagdasal para sa tagumpay ng conference. Kayo ay bahagi ng adhikain na ito.
Nawa'y ang mga paalala ay maging 'ilm na may kasamang 'amal, at ang 'amal ay maging dahilan upang higit tayong mapalapit kay Allฤh.
Kabilang sa mahahalagang aral na ating muling naipaalala ay ang kahalagahan ng pagsunod sa Sunnah ng Propeta ๏ทบ, sapagkat ang tunay na kaligtasan ay hindi nakasalalay sa sariling pananaw o damdamin, kundi sa pagsunod sa Qur'ฤn at sa Sunnah ayon sa pagkaunawa ng mga Salaf.
At sa panahon ng fitnah, kalituhan, pagkakaiba-iba at mga bagay na nakalilito sa Ummah, napakahalaga ng pananatili sa katotohanan at pagkapit sa mga Kibaar at mapagkakatiwalaang 'Ulamฤ. Hindi tayo dapat padalos-dalos sa pagsunod sa bawat bagong boses, kundi dapat tayong bumalik sa mga taong may malalim na kaalaman, mahabang karanasan, at matibay na pundasyon sa Qur'ฤn at Sunnah.
Ang conference ay paalala rin na ang tunay na da'wah ay nangangailangan ng sabr, sinseridad, 'ilm, at pagkakaisa sa katotohanan. Nawa'y gamitin natin ang mga natutunan hindi lamang upang dagdagan ang ating kaalaman, kundi upang itama ang ating 'aqฤซdah, 'ibฤdah, akhlฤq, at pakikitungo sa kapwa.
Nawa'y ang mga natutunan natin ay hindi matapos sa pakikinig lamang, kundi maging kaalaman na isinasabuhay, Sunnah na sinusunod, at katotohanang pinanghahawakan hanggang sa ating pakikipagtagpo kay Allฤh.
ุฌุฒุงูู
ุงููู ุฎูุฑุง ูุจุงุฑู ุงููู ูููู