Ang Kagandahan ng Islam - Brother Majed

Ang Kagandahan ng Islam - Brother  Majed Paglalarawan ng Kagandahan ng Islam

Tanggapin nawa ni Allah sa atin at sa inyo ang mabubuting gawa.Sa lahat na mga Muslim Eid Mubarak po.
31/03/2025

Tanggapin nawa ni Allah sa atin at sa inyo ang mabubuting gawa.

Sa lahat na mga Muslim Eid Mubarak po.

ANG PINAKA MAYAMAN NA TAO SA BALAT NG LUPA❗❗👉Inaakala ng iba na ang tunay na kayamanan ay mula sa paglikom ng maraming s...
02/03/2025

ANG PINAKA MAYAMAN NA TAO SA BALAT NG LUPA❗❗

👉Inaakala ng iba na ang tunay na kayamanan ay mula sa paglikom ng maraming salapi, katanyagan, kasikatan o kapangyarihan.

Kanilang nakalimutan, na sadyang napakaraming tao na ang sumubok lumikom ng maraming salapi ngunit sila ay nakakaranas parin ng matinding paghihirap mula sa kanilang mga sarili.

Naging bulag sa paghangad sa makamundong bagay inaakala na doon matatagpuan ang tunay na katiwasayan, kapayapaan at kayamanan,
NGUNIT ANG TUNAY NA KAYAMANAN AY MULA SA PUSO AT PAGIGING KONTENTO SA LAHAT NG BAGAY❗❗

👉 Sinabi ng Sugo ni Allah (ﷺ): “…At makontento ka sa mga bagay na Ipinagkaloob ni Allah, ikaw ay maging pinak**ayamang tao…” Mainam na Hadith ayon kay Albani

👉Sa ibang ulat: “Hindi maituturing na mayaman ang maraming salapi bagkus ang Tunay na mayaman ay mayaman sa sarili (kapanatagan ng sarili)” Inulat ni Imam Ahmad

Kahit ikaw pa ang pinaka mayamam
o pinaka makapangyarihan na tao sa mundo, isang k**a lamang ang kaya mong tulugan at hanggang tatlong pagkain lamang ang kaya mo sa isang araw.

ANO ANG PINAGKAIBA MO SA KARANIWANG TAO??

- Maaari ang karaniwang magsasaka ay mas mahimbing pa ang tulog kaysa sa iyo o mas masarap pa ang panlasa kaysa sa iyo!!

- Ang tunay na kahulugan ng madaling makontento ay hindi ang pagsuko, Bagkus ito ay pagsusumikap na marating ang pinapangarap sa buhay sa abot ng kakayahan Ngunit hindi siya pinagkalooban nito at siya ay naging kontento sa ipinagkaloob sa kanya na walang pagkapoot.

- Katulad ng paghahangad na magkaroon ng supling sa kabila ng pagsusumikap nito at gayundin sila na may kahirapan sa pamumuhay na nagsusumikap na magkaroon ng kayamanan, Ngunit hindi sila pinagkalooban at kanila itong tinanggap ng maluwag mula sa kanilang mga puso!!

SA BUHAY SA MUNDO, HINDI IPAGKAKALOOB SA IYO ANG LAHAT NG NAIS MO NGUNIT, SA PAMAMAGITAN NG MADALING MAKONTENTO AY KALULUGDAN MO ANG LAHAT NG IPINAGKALOOB SA IYO❗

Sinabi ni Abu Abdullah Albarasi: “Sinuman ang pinagkalooban ng madaling makontento sa lahat ng bagay, katunayan siya ang pinak**ayamang tao sa balat ng lupa”

Sinabi ni Abu Uthman Alheri: “Mahigit apatnapong taon lumipas, Ngunit kailanman ay hindi ako nakaranas ng pagkapoot sa mga bagay na ipinagkaloob ni Allah sa akin!!”

MAGING MAYAMAN NA TAO SA BALAT NG LUPA❗❗

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

قَالَ رَسُولُ اللَّه ِﷺ: ..... وَارْضَ بِمَا قَسَمَ اللهُ لَكَ تَكُنْ أَغْنَى النَّاسِ.." قال الشيخ الألباني : ( حسن ) في صحيح الجامع 100

و في رواية :لَيْسَ الْغِنَى عَنْ كَثْرَةِ الْعَرَضِ وَلَكِنَّ الْغِنَى غِنَى النَّفْسِ.أخرجه أحمد 2/389

✍️ Zulameen Sarento Puti

SA ARAW NG LINGGO MARCH 2, 2025 ANG UNANG ARAW NG RAMADHAN SA  PILIPINAS❗❗❗👉 Hindi nakita ang buwan ngayong gabi ayon sa...
28/02/2025

SA ARAW NG LINGGO MARCH 2, 2025 ANG UNANG ARAW NG RAMADHAN SA PILIPINAS❗❗❗

👉 Hindi nakita ang buwan ngayong gabi ayon sa anunsyo ng M***I NG BARMM.

Kaya, ang unang araw ng RAMADHAN ay sa araw ng LINGGO❗

Bukas araw ng Sabado ay ika-30th day ng SHA'BAN

ADVANCE RAMADHAN MUBARAK SA ATING LAHAT🌹🌹🌹

KAPAG NAWALA NA SA TAO ANG PAGIGING MAHIYAIN AY NAWALA NARIN SA KANYA ANG KABUTIHAN!ANG UGALI SA ISLAM PAGIGING MAHIYAIN...
18/01/2025

KAPAG NAWALA NA SA TAO ANG PAGIGING MAHIYAIN AY NAWALA NARIN SA KANYA ANG KABUTIHAN!

ANG UGALI SA ISLAM PAGIGING MAHIYAIN 😅✌️✌️

👉Sinabi ng Mahal na (sumakanya ang kapayapaan): “Lahat ng relihiyon ay may natatanging Asal. Katunayan! ANG PINAKAAINAM NA ASAL SA ISLAM AY PAGIGING MAHIYAIN (Modesty)”

👉 Dagdag pa ng Propeta: “WALNG NAIDUDULOT ANG PAGIGING MAHIYAIN KUNDI PAWANG KABUTIHAN”

Ang Mahal na Propeta ay higit na mahiyain kaysa sa isang dalagita na nasa loob ng kanyang silid🌹

KAPAG NAWALA NA SA TAO ANG PAGIGING MAHIYAIN AY NAWALA NARIN SA KANYA ANG KABUTIHAN❌❌❌

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: “Kung wala ka nang kahihiyan ay gawin mo na ang nais mo"

NOTE:
♦️ Sakop ng pagiging mahiyain ang lalaki at babae.

♦️ Iwasan ng babae at lalaki ang pagiging imoral sa social media lalu't higit sa mga content creator

♦️Paalaala muna sa aking sarili bago ang iba..

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

1- حديث: " إنَّ لِكُلِّ دينٍ خُلُقًا، وإنَّ خُلُقَ الإسلامِ الحياءُ " حسنه الألباني في صحيح ابن ماجه
2- حديث: " لاَ يَأْتِي إِلَّا بِخَيْرٍ". رواه البخاري و مسلم وفي رواية لمسلم: “ الْحَيَاءُ خَيْرٌ كُلُّهُ ٌ “.
3- حديث: "إِذَا لَمْ تَسْتَحْيِ فَاصْنَعْ مَا شِئْتَ ». أخرجه البخاري
✍️ Zulameen Sarento Puti

HANGIN NA MAY KASAMANG APOY Katiyakan na ito'y Sundalo ni Allah._____  Karamihan sa mga naninirahan sa Los Angeles (Cali...
13/01/2025

HANGIN NA MAY KASAMANG APOY

Katiyakan na ito'y Sundalo ni Allah.
_____

Karamihan sa mga naninirahan sa Los Angeles (California) ay mga Celebrity na sumusuporta at pumupundo sa mga Yahood o Jews laban sa Ating mga kapatid sa Gazza, Philastine.

At itong nakaraang linggo lamang ay nagbanta si Trump sa Gaza na gagawin daw nyang Hell (Impyerno) pero pagkaraan lamang ng dalawang araw ng kanyang pahayag na ito ay tignan nyo ang nangyari sa kanila bilang ganti sa kanila ni Allah.

Ang pinagtataka ng karamihan sa umpisa ay saan at paano nagsimula ang kapoy?!?

At ang higit nilang ikinagulat ay itong Hangin na may kasamang Apoy. At mayron pang nakita n namuo na Tornedo na Apoy !!! Subhanallah.

Walang pag-aalinlangan na sa kanila ito ni Allah.

Itong Hangin at Apoy ay kabilang sa Sundalo ni Allah.

Sabi ni Allah sa Qur'an hinggil sa kaparusahan na Hangin na may kasamang Apoy:

{ فَأَصَابَهَآ إِعۡصَارٞ فِيهِ نَارٞ فَٱحۡتَرَقَتۡۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّكُمۡ تَتَفَكَّرُونَ}[البقرة:٢٦٦]

{At ito'y sinalanta ng Hangin na may dalang Apoy at ito ay tinupok !! Ganyan ginawang malinaw ni Allah ang kanyang mga Áyat (bilang babala o palatandaan) sa inyo upang sakali kayo ay mag-isip nang malalim.}

Subhanallah !!!

✍ (Abu Haneen) Nasruddin Ibn Abdullah

Pagbati ng Eid Mubarak sa lahatEIDUL-ADHA June 16, 2024
16/06/2024

Pagbati ng Eid Mubarak sa lahat
EIDUL-ADHA June 16, 2024

𝗕𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗡𝗚𝗔 𝗕𝗔 𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗦𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗦𝗘𝗦 𝗔𝗥𝗔𝗪-𝗔𝗥𝗔𝗪?1. Dahil ang SALĀH o Pagdarasal ang unang lilitisin sa ...
04/05/2024

𝗕𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗡𝗚𝗔 𝗕𝗔 𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗦𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗦𝗘𝗦 𝗔𝗥𝗔𝗪-𝗔𝗥𝗔𝗪?

1. Dahil ang SALĀH o Pagdarasal ang unang lilitisin sa mga gawain ng tao doon sa Araw ng Paghuhukom, na kapag ito'y pasado at tanggap, pasado na rin at tanggap ang iba pa niyang mga mabubuting gawain, nguni’t kapag ito'y hindi pasado, bagsak, tiyak na siya'y malulugi at bagsak na rin ang iba pa niyang mga kabutihan, bagsak ang kanyang ayuno, Zakah, Hajj, Sadaqah, at iba pa.

قال ﷺ: "إِنَّ أَوَّلَ مَا يُحَاسَبُ بِهِ الْعَبْدُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ مِنْ عَمَلِهِ صَلَاتُهُ فَإِنْ صَلُحَتْ فَقَدْ أَفْلَحَ وَأَنْجَحَ وَإِنْ فَسَدَتْ فَقَدْ خَابَ وَخَسِرَ، فَإِنْ انْتَقَصَ مِنْ فَرِيضَتِهِ شَيْءٌ قَالَ الرَّبُّ عَزَّ وَجَلَّ: انْظُرُوا هَلْ لِعَبْدِي مِنْ تَطَوُّعٍ فَيُكَمَّلَ بِهَا مَا انْتَقَصَ مِنْ الْفَرِيضَةِ؟ ثُمَّ يَكُونُ سَائِرُ عَمَلِهِ عَلَى ذَلِكَ." (رواه الترمذي وأبو داود وغيرهما، وصححه الألباني).

2. Dahil ang SALĀH ay liwanag.

قال ﷺ: "والصلاة نور." (رواه مسلم).

3. Dahil ang SALĀH sa takdang oras nito ang pinak**amahal na gawain para sa Allah. At ito ang pinak**ainam na gawain.

قال ابن مسعود: سَأَلْتُ النَّبِيَّ ﷺ: أَيُّ الْعَمَلِ أَحَبُّ إِلَى اللهِ؟ قَالَ: "الصَّلَاةُ عَلَى وَقْتِهَا." (متفق عليه).

4. Dahil ang SALĀH ay itinagubilin sa mga Mu'minin sa mga itinakdang oras nito.
قال الله عز وجل: { إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ كَانَتۡ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ كِتَٰبًا مَّوۡقُوتًا }.

5. Dahil ang SALĀH ay pumipigil sa mga kahalayan at kasamaan.
قال الله تعالى: { إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ تَنۡهَىٰ عَنِ ٱلۡفَحۡشَآءِ وَٱلۡمُنكَرِۗ }.

6. Dahil ang SALĀH ay dahilan ng kaginhawahan, kapayapaan ng isipan at kapanatagan.

قال ﷺ لبلال: "يَا بِلَالُ، أَقِمِ الصَّلَاةَ أَرِحْنَا بِهَا." (رواه أبو داود وأحمد).

7. Dahil ang LIMANG SALĀH ay bumubura sa mga kasalanan.
قال ﷺ: "الصلوات الخمس، والجمعة إلى الجمعة، ورمضان إلى رمضان مكفرات لما بينهن إذا اجتنبت الكبائر." (رواه مسلم).

8. Dahil ang sinumang isinasagawa niya palagi ang Limang mga Obligadong Salah araw-araw at wala siyang iniwan dito kahit isa, siya ay magkakaroon ng kasunduan sa Allah na makapasok ng Jannah (Paraiso), nguni’t ang sinumang hindi niya ito ginawa ay wala siyang kasunduan sa Allah na makapasok ng Jannah.

قال ﷺ: "خَمْسُ صَلَوَاتٍ كَتَبَهُنَّ اللهُ عَلَى الْعِبَادِ، مَنْ جَاءَ بِهِنَّ لَمْ يُضَيِّعْ مِنْهُنَّ شَيْئًا اسْتِخْفَافًا بِحَقِّهِنَّ كَانَ لَهُ عِنْدَ اللهِ عَهْدٌ أَنْ يُدْخِلَهُ الْجَنَّةَ، وَمَنْ لَمْ يَأْتِ بِهِنَّ فَلَيْسَ لَهُ عِنْدَ اللهِ عَهْدٌ، إِنْ شَاءَ عَذَّبَهُ، وَإِنْ شَاءَ أَدْخَلَهُ الْجَنَّةَ." (رواه أبو داود، والنسائي، وابن ماجه وأحمد).

9. Dahil ang sinumang nangangalaga sa SALĀH ay magkakaroon siya ng liwanag, malinaw na patunay at kaligtasan sa Araw ng Paghuhukom. Nguni’t ang sinumang hindi nangangalaga sa SALĀH pabaya dito ay hindi siya magkakaroon ng liwanag ni malinaw na patunay ni kaligtasan sa Araw ng Paghuhukom, at siya'y bubuhaying muli sa Araw ng Paghuhukom kasama ni Fir'awn (Paraon), Hāmān, Qārūn at Ubayy bin Khalaf.

قال ﷺ: "من حافظ عليها كانت له نورًا وبرهانًا ونجاةً يوم القيامةِ، ومن لم يحافظْ عليها لم يكنْ له نورٌ ولا برهانٌ ولا نجاةٌ، وحشِر يومَ القيامةِ مع فرعونَ وهامانَ وقارونَ وأُبيِّ بنِ خلفٍ." (رواه أحمد والدارمي).

10. Dahil ang SALĀH ang huling habilin ng Rasulullah ﷺ bago siya pumanaw.

عَنْ عَلِيٍّ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، قَالَ: كَانَ آخِرُ كَلَامِ رَسُولِ اللهِ ﷺ: "الصَّلَاةَ الصَّلَاةَ، اتَّقُوا اللهَ فِيمَا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ." (رواه أبو داود، وابن ماجه وأحمد).

11. Dahil ito ang pagitan natin at ng mga hindi muslim, kaya ang sinumang iniwan niya ang Obligadong SALAH nang sinasadya at walang katanggap-tanggap na dahilan ay naging kafir.

قال ﷺ: "الْعَهْدُ الَّذِي بَيْنَنَا وَبَيْنَهُمُ الصَّلَاةُ، فَمَنْ تَرَكَهَا فَقَدْ كَفَرَ." (رواه الترمذي وصححه، والنسائي، وابن ماجه وأحمد).

12. Dahil ang pag-iwan sa Obligadong SALĀH ay Shirk at Kufr.

قال ﷺ: "إِنَّ بَيْنَ الرَّجُلِ وَبَيْنَ الشِّرْكِ وَالْكُفْرِ تَرْكَ الصَّلَاةِ." (رواه مسلم).

13. Dahil ang pag-iwan ng kahit isang OBLIGADONG SALAH ay mawawalang saysay ang mga 'amal salih'.

قال ﷺ: "من ترك صلاة العصر فقد حبط عمله." (رواه البخاري).

14. Dahil ang nagpapabaya sa SALĀH ay itatapon sa napakalalim na bangin o balon ng Naraka Jahannam (Impiyerno) na puno ng mga dumadaloy na nana ng mga taga-Impiyerno. Kasawian sa kanila roon.

قال الله جل وعز: ۞فَخَلَفَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ خَلۡفٌ أَضَاعُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَٱتَّبَعُواْ ٱلشَّهَوَٰتِۖ فَسَوۡفَ يَلۡقَوۡنَ غَيًّا

Kaya anoman ang mangyari, kahit gaano ka man ka-busy sa trabaho at pag-aaral ay huwag mong iiwanan ang kahit isang Salah na Obligado. Huwag mong ipahuli ito hanggang sa lumabas ang takdang oras nito, kung walang mabigat at katanggap-tanggap na dahilan.

Dahil sinabi ng Allah na:

فويل للمصلين الذين هم عن صلاتهم ساهون
"Kasawian at malalim na bangin sa Naraka Jahannam para sa mga nagsa-salah, yaong sa kanilang salah ay MGA PABAYA."

Tatlo ang pananaw ng mga Ulama sa Tafsir nito ayon kay Imam At-Tabari:

A. Pinapahuli nila ang Obligadong SALĀH sa takdang oras nito, doon pa lamang nila ito gagawin pagkatapos na lumabas na ang takdang oras nito.

B. Iniiwanan nila ang SALĀH, hindi nila ito ginagawa. Ginagawa lang nila ito kapag mayroong nakakita sa kanila, nguni’t kapag walang nakakita ay hindi nila ito ginagawa, sila ang mga Munafiqun (mga nagkukunwaring muslim, mga hipokrito).

C. Hindi nila ito pinapansin, binabalewala nila ito, abala sila sa ibang bagay. Wala silang pakialam kung nag-salah ba sila o hindi.

15. Dahil walang exempted sa SALĀH - lalaki man o babae - kahit ang mga maysakit, hangga't nariyan ang kanilang kaisipan at buhay pa sila at sila ay nasa puberty na (balig 'aqil) OBLIGADO SA KANILA ANG SALĀH, sa anomang kalagayan nila ito kayang gawin. Mag-salah na nakatayo, kapag hindi kaya ay mag-salah na nakaupo, kung hindi kaya ay mag-salah na nakatagilid, kung hindi kaya ay mag-salah na nakahiga, kung hindi kayang gumalaw ay mag-salah sa pamamagitan ng isipan, iisipin mong ikaw ay nagsa-salah. Kung hindi kayang mag-wudhu ay mag-tayammum, kung hindi talaga kayang mag-tayammum ay ipa-tayammum siya ng kanyang kasama, o di-kaya'y mag-salah siya kahit walang tayammum.

قال الله تعالى: { فاتقوا الله ما استطعتم }.

وعَنْ عِمْرَانَ بْنِ حُصَيْنٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، قَالَ: كَانَتْ بِي بَوَاسِيرُ فَسَأَلْتُ النَّبِيَّ ﷺ عَنِ الصَّلَاةِ فَقَالَ: "صَلِّ قَائِمًا، فَإِنْ لَمْ تَسْتَطِعْ فَقَاعِدًا، فَإِنْ لَمْ تَسْتَطِعْ فَعَلَى جَنْبٍ."

Kahit ang mga Muhajidin sa kasagsagan ng kanilang pagji-Jihad ay Obligado pa rin sa kanila ang Salah, kaya nga merong espesyal at natatanging Salah na itinalaga ng Allah para sa kanila: ang صلاة الخوف SALATUL-KHAWF.

16. Dahil ang hindi pagsama sa pagsa-salah ay isa sa mga dahilan ng pagpasok sa سقر SAQAR (Isa sa mga pangalan ng Impiyerno).
قال الله تعالى عنهم: { ما سلككم في سقر قالوا لم نك من المصلين }.
Utosan natin at sanayin rito ang ating mga anak at pamayanan, at magtiis tayo sa pag-uutos nito sa kanila.

وَأۡمُرۡ أَهۡلَكَ بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱصۡطَبِرۡ عَلَيۡهَاۖ

والله ولي التوفيق، وصلى الله وسلم وبارك على نبينا
محمد وعلى آله وصحبه أجمعين.

ANG PAGPAPA-TATTOO MAHIGPIT NA IPINAGBAWAL ANG PAGPAPA-TATTOO❗👉 HADITH:“Isinumpa ng Mahal na Propeta ang gumagawa ng TAT...
02/05/2024

ANG PAGPAPA-TATTOO

MAHIGPIT NA IPINAGBAWAL ANG PAGPAPA-TATTOO❗

👉 HADITH:
“Isinumpa ng Mahal na Propeta ang gumagawa ng TATTOO at sila na nagpa- TATTOO…”Inulat ni Imam Albukhari 5032

- Alalahanin na ang pagpapa-TATTOO ay kabilang sa pagbabago sa nilikha ni Allah.

👉 Binanggit sa Qur’an:

“Sasabihin ni Shaitan: Aming uutosan sila (ililigaw ko ang mga tao) na baguhin ang anumang nilikha ni Allah". Qur’an 4:119

👉 Gayunpaman, Ang sumpa at kasalanan ay mabubura at mapapatawad kapag nagsagawa ng Tawbah (nagbalik-loob kay Allah) mula sa nagawang kasalanan❗

👉 Sinabi ng Propeta kay Amr Bin A’s: “Hindi mo ba nababatid na ang pagyakap sa Islam (pagbalik-loob) ay napapatawad ang mga naunang kasalanan?!” Inulat ni Imam Muslim

- Kung ang ang hanapbuhay ay pagpa-Tattoo ay kailangan niya itong iwan, magtaubah at maghanap ng ibang kabuhayan na Halal.

Sa mga nagpa-Tattoo, kanila itong ipabura sa anumang paraan na hindi makakapinsala sa kanilang kalusugan, Ngunit kung ito ay makakapinsala sa kanila (magdudulot ng ibayong kasiraan sa kanilang katawan) tulad ng pagkakaroon ng piklat, pagkasira ng balat o pagkawala ng karamdaman,

Sa ganitong kalgayan ay sapat na ang pagsagawa ng Tawbah ayon kay Imam An-nawawi sa kanyang paliwanag mula sa Aklat ni Imam Muslim 14/106

PAALAALA:

♦️ Sa mga may tattoo na hindi kayang burahin dahil maaaring magdudulot ng ibayong pinsala sa katawan ay mainam na takpan sa pamamagitan ng damit at huwag ihayag sa publiko at lalu't huwag itong ipagmayabang dahil ang paghahayag at pagmamayabang nito ay tanda ng paghahayag sa kasalanan!

♦️ Ang pagguhit na walang larawang may-buhay (tulad ng tao o hayop) gamit ang Hena sa mga kababaihan bilang palamuti na walang involved ng pag ukit ng karayom ay walang pagbabawal at ito ay kabilang sa ipinahintulot na palamuti ng mga kababaihan❗

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

-حديث: "عن أبي جحيفة رضي الله عنه قال: " لعن النبي صلى الله عليه وسلم الواشمة والمستوشمة" رواه البخاري 5032.

قوله تعالى : (وَلآمُرَنَّهُمْ فَلَيُغَيِّرُنَّ خَلْقَ اللَّهِ ....... ) سورة النساء: ١١٩

قول النبي لعمرو بن العاص : "أما علمت أن الإسلام يهدم ما كان قبله"رواه مسلم ( 121 )

✍️ Zulameen Sarento Puti

ANG PAG-ÌNOM NG ALAKPARUSA SA TAONG UMIINOM NG ALAK👉Ang pag-inom ng alak ay kabilang sa pinaka mabigat na kasalanan.Mapa...
01/05/2024

ANG PAG-ÌNOM NG ALAK

PARUSA SA TAONG UMIINOM NG ALAK

👉Ang pag-inom ng alak ay kabilang sa pinaka mabigat na kasalanan.

Mapapasakanya ang masakit na parusa sa araw ng paghuhukom kapag siya ay inabutan ng k**atayan na hindi Nag-tawba❗

👉 PINSALA NG ALAK:

-Kabilang sa taong isinumpa (tingnan ang “a”)

-Mawawala ang ganap na pananampalataya (tingnan ang “b”)

-Lalaganap ang sakuna tulad ng pagkaguho ng lupa etc..

👉 PARUSA SA MUNDO:

-Papaluin o lalatiguin ng 40 o 80 beses (Tingnan ang “c”)

👉 PARUSA SA HULING ARAW:

-Hindi tatanggapin ang gantimpala ng kanyang Salah na apat-napong araw (tingnan ang “d”)

- Paiinumin mula sa ilog sa impiyerno na mula sa nana at pawis (tingnan ang “e”)

-Sa unang pagkakataon ay hindi siya makakapasok sa paraiso (tingnan ang “f”)

-Hindi siya paiinumin ng alak sa paraiso (tingnan ang “g”)

Tinawag ni Uthman Bin Affan ang alak bilang ina ng kasamaan dahil sa dami ng pinsala nito sa indibidwal at lipunan, kabilang rito ang:

1-Nawawala ang magandang kaisipan, kaya siya ay walang pinagkaiba sa isang hayop na hindi alam ang tama at mali.

2-Nagagawa niya ang maraming krimin at pamiminsala tulad ng: pagpatay, pagnakaw, pakikiapid, pamiminsala sa kapwa, pananalita ng hindi mabuti at pagsuway sa magulang.

3-Nasisisira niya ang kanyang relihiyon, Nakakalimutan ang Panginoon (Allah), Ang Salah, Nawawala ang kanyang hiya, Ang kanyang paninibugho at Ang mainam na asal at Nag-uudyok sa gawaing masama.

4-Ang kapinsalaan at parusang ito ay natatangi lamang sa mga taong hindi pa nagbago (tawba).

Sinuman ang nakaranas ng ganitong pagsubok ay kailangan niyang MAGTAUBA SA ALLAH bago pa siya abutan ng k**atayan sa pamamagitan ng:

1- Pag-iwan sa gawaing ito (pag-inom ng alak)

2-Pagsisihan ang nagawang kasalanan

3-Huwag hangaring balikan at
Paramihin ang pagsagawa ng mabuting gawa (Ibadah).

Kapag ito ay kanyang magawa bago pa siya mamatay ay mapapatawad ang kanyang kasalanan

👉👉 MGA BATAYAN:

a-Hadith: “ Isinumpa ang Alak, ang umiinom, ang naghahain, ang nagtitinda, ang bumibili, ang gumagawa, ang nagpapagawa, ang naghahatid at ang nagpapahatid ang kumakain mula sa halaga nito”

حديث : "لعن الله الخمر، وشاربها ، وساقيها ، وبائعها ، ومبتاعها ، وعاصرها ، ومعتصرها ، وحاملها ، والمحمولة إليه ، وآكل ثمنها." وهذا الحديث صححه الألباني في صحيح الجامع برقم: 5091

b-Hadith: “ Walang pag-inom ng alak, na sa panahon ng kanyang pag-inom ay siya a ganap na mananampalataya (hindi ganap ang kanyang Eiman) Iniulat nila Imam AlBukhari: 5256 – Muslim: 57

حديث: " لا يشرب الخمر حين يشرب وهو مؤمن"متفق عليه

c-Hadith: “Katunayan ang Propeta ay nagpataw sa uminom ng alak sa pamamagitan ng pagpalo at gayundin si Abubakar ay nagpataw ng pagpalo ng apatnapong ulit na pagpalo”

حديث: " أَنَّ النَّبِيَّ صلى الله عليه وسلم ضَرَبَ فِي الْخَمْرِ بِالْجَرِيدِ وَالنِّعَالِ، وَجَلَدَ أَبُو بَكْرٍ أَرْبَعِينَ (متفق عليه

d-Hadith: “Sinumang iinom ng alak mula sa aking Ummah ay hindi tatanggapin sa kanya ang kanyang Salah na apatnapong araw"

حديث: " لَا يشرب الخمر رجل مِنْ أُمَّتِي فَيَقْبَلُ اللَّهُ مِنْهُ صَلَاةً أَرْبَعِينَ يَوْمًا (النسائي وابن ماجة

-Hindi ibig sabihin na hindi na obligado sa kanya ang Salah, tunay na mananatili pa rin itong wajib sa kanya. Sapagkat kung iiwan niya ang anomang obligadong Salah sa panahong ito, tunay na nakagawa siya ng malaking kasalanan

-Ang alak sa paraiso ay masarap, hindi nakalalasing at hindi rin nakakahilo bagkus nagpapaganda ng kaisipan”

e-Hadith: “Katunayan ang ipinangako ni Allah sa sinumang iminom ng alak ay paiinumin ng Teenatul Khabal. Tinanong ang Propeta: “Ano ang Teenatul Khabal? “Kanyang sinabi: “Ito ay pawis o nana ng mga taong nasa impiyerno”

حديث: " إِنَّ عَلَى اللَّهِ عَزَّ وَجَلَّ عَهْدًا لِمَنْ يَشْرَبُ الْمُسْكِرَ أَنْ يَسْقِيَهُ مِنْ طِينَةِ الْخَبَالِ". قَالُوا: يَا رَسُولَ اللَّهِ وَمَا طِينَةُ الْخَبَالِ؟ قَالَ: "عَرَقُ أَهْلِ النَّارِ أَوْ عُصَارَةُ أَهْلِ النَّارِ". أخرجه مسلم في صحيح

g-Hadith: "Tatlong uri ng tao ang hindi makakapasok sa paraiso: Ang taong pasaway sa kanyang magulang, Ang sugapa sa pag-inom ng alak at ang taong mahilig manumbat sa kanyang ibinibigay”

حديث: " ثَلَاثَةٌ لَا يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ الْعَاقُّ لِوَالِدَيْهِ وَالْمُدْمِنُ عَلَى الْخَمْرِ وَالْمَنَّانُ بِمَا أَعْطَى"النسائي وصححه الألباني

g-Hadith: " Sinuman ang uminon ng alak dito sa mundo at inabutan ng k**atayan na hindi siya nagbalik-loob (tawbah) ay ipagkakait sa kanya ang alak sa huling araw (paraiso)”

حديث: "ومن شرب الخمر في الدنيا فمات ، ولم يتب منها لم يشربها في الآخرة"

✍️ Zulameen Sarento Puti

INIT NG PANAHON ANG SUBRANG INIT NG PANAHON AY HININGA LAMANG NG IMPIYERNO👉 Ang nararamdaman natin na init dito sa Pilip...
30/04/2024

INIT NG PANAHON

ANG SUBRANG INIT NG PANAHON AY HININGA LAMANG NG IMPIYERNO

👉 Ang nararamdaman natin na init dito sa Pilipinas na mahigit 40 degree ay hininga lamang ito ng IMPIYERNO❗❗❗

👉 Sinabi ng mahal na Propeta: "Nagreklamo ang Narr (Impiyerno) sa kanyang Panginoon at kanyang sinabi: "Oh aking Panginoon❗ Kinakain na ng ilang bahagi ko ang ilang bahagi ko.

Magkagayun, Pinahintulutan siya (impiyerno) na huminga ng dalawang beses:

-Ang paghinga sa taglamig at
-An paghinga sa tag-init.

Yaong nararamdaman ninyo na subrang init sa tag-init (summer) at ang nararamdanan ninyo na subrang lamig sa taglamig (winter)" Inulat nila Imam Al-bukhari at Muslim

Paalaala:

♦️ Tayo na nasa Pilipinas, lagi tayo magpasalamat kay Allah dahil binigyan tayo na katamtaman lagay ng panahon, ngunit ganun pa man marami parin ang hindi nagsasalah, samantala hindi naman mainit ang tubig at hindi naman ito yelo sa lamig.

Samantala sa Middle East, kahit gaano kainit o gaano kalamig ang panahon ay nagdarasal parin sila at nag-aayuno (fasting)❗❗❗

♦️ Bilang Ahlus Sunnah Wal-Jamaah, tayo ay naniniwala na may dalawang kaparusahan sa impiyerno:
-Subrang init
-Subrang lamig.

👉 Kaway-kaway sa nakakarelate na mga OFW 🖐🖐🖐

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: "اشْتَكَتْ النَّارُ إِلَى رَبِّهَا فَقَالَتْ : يَا رَبِّ أَكَلَ بَعْضِي بَعْضًا ، فَأَذِنَ لَهَا بِنَفَسَيْنِ : نَفَسٍ فِي الشِّتَاءِ ، وَنَفَسٍ فِي الصَّيْفِ ، فَهُوَ أَشَدُّ مَا تَجِدُونَ مِنْ الْحَرِّ ، وَأَشَدُّ مَا تَجِدُونَ مِنْ الزَّمْهَرِيرِ" رواه البخاري ومسلم

✍️ Zulameen Saren Puti

Maligaya, Matiwasay at Masaganang Eidul Fitr Al-MubarakNaway tanggapin ni Allah ang atin at inyong babubuting gawaEid Mu...
10/04/2024

Maligaya, Matiwasay at Masaganang Eidul Fitr Al-Mubarak

Naway tanggapin ni Allah ang atin at inyong babubuting gawa
Eid Mubarak po sa ating lahat.

Mula Maynila to GenSan alhamdulillah nakalapag at nakarating ng maayos
01/09/2023

Mula Maynila to GenSan alhamdulillah nakalapag at nakarating ng maayos

Address

Maguindanao
Cotabato City

Telephone

+966508238742

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Kagandahan ng Islam - Brother Majed posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share