07/12/2022
⚠️Anong meron ngayong December 8?
Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary
⚠️ANO NGA BA ANG IMMACULATE CONCEPTION?
Ito ay ang kalinis-linisang paglilihi sa Mahal na Birheng Maria ng kanyang inang si Santa Ana. Ibig sabihin, sa sinapupunan pa lang ni Santa Ana ang Mahal na Birheng Maria ay WALA NANG BAHID NG KASALANAN.
⚠️Bakit walang bahid ng kasalanan ang Mahal na Birheng Maria simula nang siya ay ipinaglihi pa lang ng kanyang inang si Santa Ana?
Alam natin na ang Panginoong Jesus, Diyos na totoo at ang SALITA na nagkatawang tao, ang bugtong na Anak ng Diyos, ay isang banal at walang kahit anong kasalanan ay isinilang sa sanlibutan. Bakit naman papasok ang Diyos sa isang sinapupunang marumi at may bahid ng kasalanan?
Catechism of the Catholic Church No. 491:
The most Blessed Virgin Mary was, from the first moment of her conception, by a singular grace and privilege of almighty God and by virtue of the merits of Jesus Christ, Savior of the human race, preserved immune from all stain of original sin.
In short, niligtas muna ng Diyos ang Mahal na Birheng Maria sa kasalanan. Kaya sa paglilihi pa lamang ni Santa Ana kay Maria, malinis na siya. Wala nang bahid ng kasalanan.
Kaya nga napa-awit sa galak noon ang Mahal na Birheng Maria...
📌LUCAS 1:45-49
[46] At sinabi ni Maria,
“Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon,
[47]at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas,
[48]sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!
Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong pinagpala;
[49] dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.
Banal ang kanyang pangalan!
📌FULL of GRACE
Ayon sa Lucas 1:28 ang Mahal na Birheng Maria ay FULL of GRACE.
Alam ng lahat ng mga TUNAY na KRISTIYANO na hindi maaring tawaging nasa "STATE of GRACE" ang isang tao kung siya ay may bahid ng kasalanan o "STATE of SIN".
Yamang ang Mahal na Birhen ay tinawag ng Anghel Gabiel na FULL of GRACE, ibig sabihin, NAG-UUMAPAW sa kanya ang GRASYA ng DIOS at WALA nang PUWANG ang KASALANAN sa kanya.
⚠️Kung duda pa rin at hindi mo kayang paniwalaaan ang Immaculate Conception, para mo na ring sinabi na ang Panginoong Jesus ay mula sa isang makasalanan!
‼️Malinaw pa sa sikat ng araw na ito ay isang pahayag ng pamumusong (blasphemy)!
Nawa mas lalong naging malinaw sa atin ang Immaculate Conception ♥️
-Bro. Admin