06/02/2022
Mga minamahal naming kapatid sa pananampalataya, sa ngalan po ng mga parokyano ng aming kapilya sa San Isidro de Labrador ng Barangay Mababangbaybay, muli nais po naming kumatok sa kagandahang loob ng iyong puso. Kami po ay humihingi ng tulong pinansyal, materyal o serbisyo upang ang aming lumang kapilya ay makumpuni dahil sa tagal na po ng panahon, sira-sira na po ang gusali ng aming Simbahang Katoliko.
Dahil may kalakihan po ang halaga na kailanganin upang maisaayos ang buong kapilya, napagdesisyonan po ng mga boluntaryo sa aming barangay na unahin munang ayusin ang bubong dahil ito po ay tumutulo na kapag umuulan.
Naumpisahan na po ang pagsasaayos nito noong taong 2017 pa, ngunit dahil sa kakulangan ng pundo, hinde pa ito lubusang natapos ayusin. Sa ngayon, mero na pong nangako upang makapagbigay ng 50 sako ng semento, meron din para sa buhangin at graba. Ngunit marami pa pong materyales ang kailangan kagaya po ng yero, rebars, kahoy at iba pa, upang mapalitan na ang bubong.
Kung nais po ninyong tumulong sa pamamagitan ng pagbigay ng materyales o serbisyo, huwag po kayong mag atubiling mag mensahe sa page na ito. At para naman doon sa tulong pinansyal, maaari po ninyo itong ipadala sa bangko:
Bank: RCBC
Account No. 1965-6190-50
Account Name: Riza Eturma
Taospuso po kaming nag papasalamat sa inyong kabutihang loob, pagpalain nawa kayo ng ating mahal na Panginoon. 🙏