30/06/2016
"Udyok ng kaisipan at damdamin!
Tungo sa pagkilala sa Kahalagahan ng IFI
Mananakop ang unang nakinabangan sa Katangahan at kamangmangan ng bayan: banal ito sa kasinungalingan ng maka-imperyong relihiyon! Karangalan sa Diyos ang huwag tanga: love God with all your heart and MIND and strength. Ang Katangahan ay isang kasuklamsuklam sa darating, so stop! We should be able to say 'God is the beginning and the end, the Alpha and the Omega! Mabuhay ang IFI.
Ang makasaysayang simbahan IFI ng mga bayani ay minsay tinatawag na "mahirap" ay kinabibilangan ng mga taong may pilosopiya, prinsipyo't paninindigan na maka Diyos, makatao/makabayan. Sa mahirap na Pilipinas ang simbahang 'mayaman' ay tila kinabibilangan ng mga taong insecure at nais mapa bilang at kilalaning "mayaman!"
Ang makapagtutukoy ng mahalaga at may saysay na gawain ay ang diwa ng taong ginawa ng Diyos, subok ang kabutihan at kabanalan o kahalagahan sa kapait-paitang sinapit sa kaalipinan. Subalit ay may Diwa na subok na mahalaga sa kaganapan ng kasaysayang handang pakamatyan ng nilalang ng Diyos. Ang 'diyos' ng makadayo ay ginagamit upang lalo tayong mapa-tanga at alipinin sa kaisipan gamit ang propaganda't kasinungalingan sa pangalan ng dogmatismo doktrina at diyos; Ngunit ang katotohanang sang-ayon sa Diyos ay mag hahatid ng tunay na kalayaan at kasiyasiya ng mga nilalang ng Diyos na nadarama ng puso't kaluluwa. Sa Kalayaan ng mga kawangis ng Diyos ay kalayaang handang pakamatyan, kalayaan ng paggalang sa kaangkinang Tao, salamat sa Diyos na binigyan tayo ng katangiang hindi tanga at marunong manindigan at manginlaban tungo sa maka-Diyos na Kabutihan.
Mabuhay ang Simbahang isinilang dahil sa ganitong katotohanan ng buhay 'nilalang' nilalang ng Diyos. Mabuhay ang IFI!"- VENTUR DIONES