04/08/2026
📖 HALAL BA O RIBA?
Hindi lahat ng transaksyon na may dagdag ay Riba, at hindi rin lahat ng barter ay awtomatikong Halal.
May malinaw na panuntunan ang Islam tungkol sa pagpapalitan ng mga ari-arian at Ribawi items. Kapag hindi ito naunawaan, maaaring mahulog ang isang tao sa Riba nang hindi niya namamalayan.
وَأَحَلَّ اللَّهُ الْبَيْعَ وَحَرَّمَ الرِّبَا
"At pinahintulutan ni Allah ang kalakalan at ipinagbawal Niya ang Riba." (Surah Al-Baqarah 2:275)
Ang pag-aaral ng Mu'amalat (Islamic Transactions) ay hindi lamang para sa mga negosyante. Ito ay kaalaman na kailangan ng bawat Muslim upang maging malinis ang kanyang kinikita at maiwasan ang anumang uri ng Riba.
Kung sa tingin mo ay makatutulong ito sa iba, ibahagi mo ito. Baka ito ang maging dahilan upang may isang kapatid na makaiwas sa ipinagbabawal ni Allah.
وَاللَّهُ أَعْلَمُ