10/05/2026
"Honesty"
Si Lord, mas gusto Niya yung tapat na pusong wasak kaysa sa perfect na plastic.
Hindi mo nasusunod lahat ng utos, naiinis ka, galit ka sa tao, nagmumura ka, nagtatampo ka sa Kanya?
Gusto mo malaman sikreto?
Lahat ng tao sa Bible na ginamit ni Lord ay ganun din.
1. Si Moses — nakapatay, mainitin ang ulo, nagreklamo kay Lord.
2. Si David — nagnakaw ng asawa, pero sabi ni Lord "taong ayon sa puso Ko."
3. Si Pedro — nag-deny kay Jesus 3 times, mainitin din ang ulo.
4. Si Pablo — pumatay ng mga Kristiyano dati.
Masama ba sila? Oo, nagkasala sila. Pero, hindi sila tinawag ni Lord na "masama" nung lumapit sila. Tinawag Niya silang "anak."
Yung hindi Niya naririnig ang panalangin ng masama, para yun sa mga ayaw talagang lumapit. Yung matigas yung puso. Ikaw? Umiiyak ka, nagtatampo ka, kasi mahal mo Siya. Kaya ka nasasaktan. Kung wala kang pake, di ka magtatampo.
Si Lord hindi Siya naghahanap ng perfect. Kung perfect lang pakikinggan Niya, wala Siyang kakausapin. Kahit ako, kahit ikaw, kahit si pastor.
Alam mo ginagawa ni Jesus ?
Romans 8:34 _"Siya ang namamagitan para sa atin." Ibig sabihin, pag nagkakasala ka, Siya yung nagsasabi kay Father God: "Akin yan." Bayad na kasalanan niyan. Pinatawad na.
Yung galit mo sa tao? Naiintindihan Niya. Minamaliit ka, Siya rin dati. Pinagtatawanan, dinuraan, pinako. Kaya gets ka Niya.
Yung pagkakasala mo? Hindi ka kulong dun. 1 John 1:9 "Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, Siya ay tapat at banal na magpapatawad sa atin.
Hindi ka masama. Sugatan ka lang. At si Lord, Doctor Siya ng mga sugatan, hindi Judge ng mga perfect.
Kaya pwede ka pa rin mag-pray, lumapit. Pwede ka pa rin umiyak. Pwede ka pa rin humingi ng kahit ano. Kasi anak ka Niya. At ang anak, kahit makulit, kahit pasaway, laging may uwi sa bahay ng Tatay.
Si Lord hindi ka hinihiya. Mahal ka. Ngayon, bukas, kahit nagkasala ka kanina. ❤️