10/06/2026
WELCOME HOME KAPATID ♥️
Ayon kay Areld Bond Cayao-Favila Dusong, isang dating aktibo at masigasig na miyembro ng Born Again Christian community, ang isa sa pinakamalaking dahilan ng kanyang pagyakap sa pananampalatayang Katoliko ay ang kanyang mas malalim na pag-unawa sa pinakamatandang kayamanan ng Simbahan—ang Banal na Eukaristiya.
Sa kanyang pag-aaral ng Banal na Kasulatan at kasaysayan ng Kristiyanismo, napagtanto niya na ang Banal na Eukaristiya ay hindi lamang isang simbolo, kundi ang tunay na Presensya ni Hesucristo—ang Kanyang Katawan, Dugo, Kaluluwa, at Pagka-Diyos.
Para sa kanya, ito ang dakilang handog na ipinagkatiwala ni Kristo sa Kanyang Simbahan at siyang naging puso ng pananampalatayang Kristiyano sa loob ng halos 2,000 taon.