Vision Islamic Center Cebu

Vision Islamic Center Cebu اللَّهُمَّ إِنِّي أَعُوذُ بِكَ أَنْ أُشْرِكَ بِكَ وَأَنَا أَعْلَمُ، وَأَسْتَغْفِرُكَ لِمَا لاَ أَعْلَ

31/05/2026
31/05/2026
بسم الله الرحمن الرحيمMga kapatid sa pananampalayang islam, Inaanyayahan po namin kayu na dumalo ngayung darating na biy...
20/05/2026

بسم الله الرحمن الرحيم

Mga kapatid sa pananampalayang islam,
Inaanyayahan po namin kayu na dumalo ngayung darating na biyernes para makinig ng khutbah sa Masjid Al-khairia.

ANO: KHUTBATUL JUMU'AH

SAAN: MASJID AL-KHAIRIA ( baranggay mambaling Cebu City Philippines)

KAILAN: MAY 22, 2026

KHATIB: SHAYKH RASHEED SASUMAN NANTIZA

TOPIC: ANG UNANG SAMPUNG ARAW NG DHUL HIJJAH. 🌟🕌💫

17/05/2026

PUMASOK NA ANG PINAKAMAINAM NA MGA ARAW SA BUONG TAON: ANG UNANG SAMPUNG ARAW NG DHUL-HIJJAH

[Tumapat ito ngayong taon 1447 mula Lunes May 18 hanggang Miyerkules May 27, 2026].

Kung ang huling sampung gabi ng Ramadan ang pinakamainam na mga gabi sa buong taon; dahil nandoon ang Laylatul-Qadr (Gabi ng Tadhana) na mas mainam pa kaysa sa isang libong buwan, ang unang sampung araw naman ng Dhul-hijjah ang pinakamainam na mga araw sa buong taon; dahil nandirito ang Araw ng 'Arafah na kung saan ay doon kinumpleto ng Allah ang Islam, kaya ang pag-aayuno sa araw na iyon sa mga hindi nagha-hajj ay kapatawaran sa dalawang taon na mga kasalanan nila batay sa Hadith Sahih na:
صيام يوم عرفة أحتسب على الله أن يكفر السنة التي قبله والسنة التي بعده.

At ang ika-10 ng Dhul-Hijjah na fiesta ng mahigit 2 bilyon na kamusliman sa buong mundo, nag-aalay sila at nagkakatay ng mga halal at piling hayop para sa Allah; bilang paggunita sa ginawa noon ni Propeta Ibrahim [Abraham] عليه السلام.

Katunayan, ang Allah ay nanumpa dito, Kanyang sinabi sa QUR'AN: وَلَيَالٍ عَشۡرٍ
"At [sa unang] sampung gabi." [Al-Fajr 2].

Ayon kay Ibnu Abbas رضي الله عنهما, at ni Ibnuz-Zubayr, at Mujahid bin Jabr at iba pa na: ito ang unang sampung araw ng Dhul-hijjah. At iyan ay Ijma' (Consensus) ng mga Ulama ayon kay Tabari sa kanyang Tafsir Vol. 5, p. 514, at ni Ibnu Katheer sa kanyang Tafsir Vol. 8, p. 413.

Sinabi ng Propeta ﷺ bilang pagbibigay diin sa kahigitan ng mga araw na ito:
"مَا مِنْ أَيَّامٍ الْعَمَلُ الصَّالِحُ فِيهَا أَحَبُّ إِلَى اللَّهِ مِنْ هَذِهِ الْأَيَّامِ". يَعْنِي أَيَّامَ الْعَشْرِ، قَالُوا: يَا رَسُولَ اللَّهِ، وَلَا الْجِهَادُ فِي سَبِيلِ اللَّهِ؟ قَالَ: "وَلَا الْجِهَادُ فِي سَبِيلِ اللَّهِ، إِلَّا رَجُلٌ خَرَجَ بِنَفْسِهِ وَمَالِهِ فَلَمْ يَرْجِعْ مِنْ ذَلِكَ بِشَيْءٍ".
"Walang mga araw kung saan ang isang mabuting gawa ay higit na nakalulugod sa Allah kaysa sa sampung araw na ito (unang sampung araw ng Dhul-hijjah)"; Sabi nila (mga Sahabah): 'O Sugo ng Allah, kahit ang Jihad sa landas ng Allah?' Sabi niya: "Hindi kahit ang Jihad sa landas ng Allah, maliban sa isang tao na lumabas (para mag-jihad sa landas ng Allah) kasama ang kanyang ari-arian (kayamanan) at hindi na nakabalik pa [dahil siya ay na-shaheed o namartir sa Jihad fi Sabilillah]." [Inulat ni Bukhari, at ang teksto ay mula kay Abu Dawud sa kanyang Sunan].

Na kung kaya, salubungin natin ang mga araw na ito (Unang Sampung Araw ng Dhul-hijjah) nang tunay na pagbabalik-loob [Tawbah] sa Allah at paghingi ng tawad sa Kanya, at dalisayin natin ang ating mga puso at mga gawain, at paramihin natin ang mga mabubuting gawain dito sa pangkahalatan, lalo na ang pag-aayuno sa ikasiyam na araw ng Dhul-hijjah (Araw ng Arafah) para sa mga hindi Hujjaj tulad ng nabanggit natin sa itaas, at gayundin paramihin natin ang TAHLIL (pagsabi ng LA ILAHA ILLALLAH), at ang TAKBIR (pagsabi ng ALLAHU AKBAR) at ang TAHMID (pagsabi ng ALHAMDULILLAH), sapagkat sinabi ng Propeta ﷺ na:
"ما من أيام أعظم عند الله ولا أحب إليه العمل فيهن من هذه الأيام العشر فأكثروا فيهن من التهليل والتكبير والتحميد".
"Walang mga araw na kung saan ang isang mabuting gawa ay higit na dakila at higit na kalugod-lugod sa Allah kaysa sa (unang) sampung mga araw na ito (ng Dhul-hijjah), kaya paramihin ninyo dito ang Tahlil, at ang Takbir at ang Tahmid." [Inulat ni Ahmad sa kanyang MUSNAD].

At para naman sa mga may kakayahan na mag-Hajj at mag-alay ng Udhhiyah ay napakadakilang pagkakataon ito para sa inyo. Sa Hadith na inulat ni Termidhi sa kanyang Jami':
ما عمل آدمي من عمل يوم النحر أحب إلى الله من إهراق الدم، إنها لتأتي يوم القيامة بقرونها وأشعارها وأظلافها، وأن الدم ليقع من الله بمكان قبل أن يقع من الأرض، فطيبوا بها نفسا.
TAWFIQAN NAWA TAYO AT TULUNGAN NG ALLAH PALAGI.

Address

Inayawan Cebu
Cebu City
6000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vision Islamic Center Cebu posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share