23/01/2026
Isang 6-anyos na bata ang naospital matapos magkaroon ng seryosong problema sa mga buto na umano’y dulot ng araw-araw na pag-inom ng mga tinatawag na “healthy” drinks tulad ng tsokolateng gatas at yogurt na punô pala ng asukal. Ayon sa kanyang mga magulang, inakala nilang masustansya at ligtas ang mga iniinom ng kanilang anak, hanggang sa bigla na lamang itong makaranas ng matinding pananakit ng katawan, pamamaga, rashes, at pagkakaroon ng mga peklat sa balat. Sa isinagawang pagsusuri ni Doc Dale Pedia, lumabas na ang labis na asukal sa mga inuming ito ang naging sanhi ng pinsala sa kanyang mga buto at kalusugan.
Dahil dito, paalala sa mga magulang na mag-ingat at maging mapanuri sa mga iniinom ng mga bata. Dapat limitahan ang flavored milk at tsokolate drinks, mga yogurt drinks na may artificial flavor, at powdered juice na kunwari’y “fortified” ngunit mataas pala sa asukal. Tandaan, hindi lahat ng may label na “healthy” ay tunay na ligtas—mahalagang basahin ang nutrition facts at piliin ang mas natural at mas mababang asukal para sa kalusugan ng ating mga anak.