16/01/2025
Kapag Dumaan ang mga Sakuna sa Buong Mundo, Huwag Matakot, dahil Poprotektahan ng Diyos ang Kanyang mga Tao!
Sabi ng Diyos, βSa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar sa mundo, madalas magkaroon ng mga lindol, taggutom, salot, at lahat ng uri ng sakuna. Habang ginagawa Ko ang Aking dakilang gawain sa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar, darating ang mga sakuna na ito nang mas matindi kaysa alinmang panahon mula nang likhain ang mundo. Ito ang simula ng Aking paghatol sa lahat ng tao, ngunit makakahinga nang maluwag ang Aking mga anak; walang sakuna na sasapit sa inyo, at poprotektahan Ko kayo. (Ang ibig sabihin nito ay na mabubuhay kayo sa katawan pagkatapos nito, ngunit hindi sa laman, kaya hindi kayo daranas ng pasakit ng anumang sakuna.) Kasama Ko, mamumuno lamang kayo bilang mga hari at hahatulan ang lahat ng bansa at lahat ng tao, na tinatamasa ang mabubuting pagpapala kasama Ko magpakailanman sa sansinukob at sa mga dulo ng daigdig. Ang mga salitang ito ay matutupad na lahat, at malapit nang makamtan ang mga ito sa harap ng mga mata ninyo mismo.β
Nais mo bang tamasahin ang mabubuting pagpapala kasama ng Diyos? Amen.