12/01/2023
"WAY OUT"
Sa Spiritual Battle, isa sa pinaka mahirap na harapin ay ang Temptation.
Dahil di natin alam kung ano at paano gagamitin ng enemy yung pang-hatak niya satin para tayo'y mag-sin.
Yun ang goal ng enemy e, hatakin tayo para magkasala ng magkasala at tuluyang mapalayo sa Diyos
And para sa akin, isa ito sa mga daily challenges ng buhay ko. Lalo na sa times na akala ko ang strong ko na. Yung feeling mo alam mo na kung paano kumilos yung enemy sa paligid mo na naaanticipate mo na yung possible attacks niya tapos iisa-iisahin ka ng mga temptations hanggang sa magtagumpay siya.
But thank God kasi sa tulong ng Holy Spirit and ng Word ni God, meron tayong WAY OUT. Ang ganda ng paalala na to na mababasa natin sa 1 Corinthians 10.
Sabi sa verse 12-13,
“So anyone who thinks they are standing strong should be careful that they don’t fall. The only temptations that you have are the same temptations that all people have.
But you can trust God.
He will not let you be tempted more than you can bear.
But when you are tempted, God will also give you a way to escape that temptation. Then you will be able to endure it.”
1 Corinthians 10:12-13 ERV
ANG GANDANG PAALALA DIBA? Kaya Kristyano, tuloy lang ang pagseek kay God, pagstudy sa Bible at patuloy na kilalanin pa Siya. Dahil kahit mahirap ang laban natin dito sa mundo, dahil kay Jesus, PANALO NA TAYO.
SO AGAIN, PAALALA ITO NA EVERY TIME NA MAY PAGSUBOK, LOOK for the WAY OUT na prineprepare ni LORD. TAPOS PUNTA NA TAYO AGAD DUN!
Wag na tayong makipaglaro sa temptation,
Punta na kagad pabalik sa PANGINOON.
----
For more paalalas, Read your Bible.