26/02/2017
ALAM MO BA?!
Kung wala kaming na-schedule na "Boring ba ang Bible at lovelife mo" seminar ay malamang na isa sa tatlong seminar kahapon sa Manila ang aking pinuntahan bilang bahagi ng pagpapalago sa aking sarili.
Lahat ng tatlong seminar na yan sa Manila ay pinaniniwalaan kong makakatulong sa akin at sa aking ministry pero higit kong priority ang iba at di ko maaaring talikuran ang CAVITE PCEC-NYC, ang grupong pinamumunuan ko simula noong July, 2012.
Mula nuon hanggang kasalukuyan, ang CAVITE PCEC-NYC ay nakatutok sa kapakanan ng mga simbahan at mga kabataan sa buong Cavite at kalapit lugar nito sa pamamagitan ng seminars, trainings, visitations & follow ups at marami pang iba.
Ang kamangha-mangha nito... Wala kaming budget o anumang pondo pero ang lahat ng gawain ay nauumpisahan at natatapos dahil sa tulong ng ating kamangha-mangha at makapangyarihang DIYOS. Opo, DIYOS at PUSO ang mayroon kami para sa lahat ng gawain sa Cavite.
Habang malinaw naming nauunawaan ang pinapagawa ng Diyos... hanggang may katulad nyo na umaattend sa gawain... Hanggang may mga katuwang kami sa pananalangin... Ako at ang kasama ko sa CAVITE PCEC-NYC ay hindi mapapagod bagkus ay magpapatuloy sa paglilingkod. Sa iyo mahal kong MhEann, Ptr. Benjie, Ptr. Philip at Ptr. Israel, maraming salamat na iisa tayo ng puso sa paglilingkod. Pagpapala sa CAVITE PCEC-NYC! Sa Diyos ang papuri!!! ๐๐๐๐ - Ptr Jon Singua (Chairman of CAVITE PCEC-NYC)