Capilla La Inmaculada Concepcion de Dagatan

Directions

Capilla La Inmaculada Concepcion de Dagatan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Capilla La Inmaculada Concepcion de Dagatan, Religious organisation, Cavite.

BUWAN NG SANTO ROSARYO 2026Kasalukuyang nagpapatuloy ang pag panhik ng Imahen ng Mahal na Birhen sa mga tahanan sa ating...
03/10/2026

BUWAN NG SANTO ROSARYO 2026

Kasalukuyang nagpapatuloy ang pag panhik ng Imahen ng Mahal na Birhen sa mga tahanan sa ating nayon. Nawa ay atin siyang tanggapin at sama-samang magnilay sa mga misteryo ng santo rosaryo.

Ang pagpa panhik ng Mahal na Birhen ay pinangangasiwaan ng mga Tagapag-ugnay ng Rosaryo sa Kapitbahayan ng bawat Purok ng ating Nayon.

DALAW PATRONA SA BAWAT PUROKAng Pagdalaw ng Replica Imahen ng ating Patrona Inmaculada Concepcion sa Purok 9 at Purok 8 ...
03/10/2026

DALAW PATRONA SA BAWAT PUROK

Ang Pagdalaw ng Replica Imahen ng ating Patrona Inmaculada Concepcion sa Purok 9 at Purok 8 bilang bahagi ng ating Novena Menor.

BUWAN NG SANTO ROSARYO 2026Kasalukuyang nagsisimula na ang pag panhik ng Imahen ng Mahal na Birhen sa mga tahanan sa ati...
30/09/2026

BUWAN NG SANTO ROSARYO 2026

Kasalukuyang nagsisimula na ang pag panhik ng Imahen ng Mahal na Birhen sa mga tahanan sa ating nayon. Nawa ay atin siyang tanggapin at sama-samang magnilay sa mga misteryo ng santo rosaryo.

Para sa schedule ng pagdalaw ng Mahal na Birhen sa inyong tahanan, mangyaring makipag ugnayan sa RSK Coordinators ng inyong purok.

Happy Birthday Fr. Alex !Pagbati mula sa Sambayanang Kristiyano ng Barangay Dagatan
29/09/2026

Happy Birthday Fr. Alex !

Pagbati mula sa Sambayanang Kristiyano ng Barangay Dagatan

Ipinaabot po natin ang taus-pusong pagbati sa katuwang na pari ng ating Parokya, Rev. Fr. Alex Estancia, MSFS.

Dalangin po namin na pagkalooban kayo ng Panginoon ng mabuting kalusugan at mahabang buhay upang patuloy ninyong mapaglingkuran ang Diyos at ang kanyang sambayanan.

Maligayang kaarawan po, Fr. Alex!

R E Q U I E S C A T    I N    P A C EAming ipinapaabot ang taos pusong pakikiramay sa pamilya ng yumao nating kapatid na...
16/09/2026

R E Q U I E S C A T I N P A C E

Aming ipinapaabot ang taos pusong pakikiramay sa pamilya ng yumao nating kapatid na si +HERMANA MARIETTA DELA REA PAYABAN.

Si ATE ETTA ay naglingkod sa ating Kapilya bilang Hermana Mayor o tagapangalaga ng Matanda at Orihinal na imahen ng ating Pintakasing Patrona sa loob ng halos ilang beses.

Isang saksi sa mga mapaghimalang pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion at tapat na deboto hanggang sa pagwawakas ng kaniyang buhay.

Siya ay kasalukuyang PUROK COORDINATOR ng Purok 2 ng ating Nayon at aktibong Kasapi ng mga Samahang Pang Simbahan ng ating Parokya.

•Tagapag-ugnay ng Rosaryo sa Kapitbahayan (RSK)
•Kasapi ng Hermanidad La Inmaculada Concepcion
•Kasapi ng Kapatirang Santa Maria Magdalena
•Kasapi ng Kapisanan ng Nuestra Señora del Santisímo Rosario
•Kasapi ng Apostolado ng Panalangin

Aming hinihiling ang inyong panalangin lalo't higit sa ating kapatid na pumanaw.

Isinagawa ngayong araw na ito, Setyembre 8 ang ROSARY HOUR bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kaarawan ng Mahal na Birhen.A...
08/09/2026

Isinagawa ngayong araw na ito, Setyembre 8 ang ROSARY HOUR bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kaarawan ng Mahal na Birhen.

Ang Pagdarasal ng 20 Dekada ng Santo Rosaryo ay pinamunuan ng mga Tagapag-ugnay ng Rosaryo sa Kapitbahayan at dinaluhan rin ito ng mga Kasapi ng Hermanidad at Kapisanan ng Santísimo Rosario.

𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎 𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐀𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐢𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐝𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐦𝐢𝐝𝐚𝐝 Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa lyo ang aming mga pusong...
07/08/2026

𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎 𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐀
𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐢𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐝𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐦𝐢𝐝𝐚𝐝

Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa lyo ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng lyong nilikha kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan mong gumagabay sa takbo ng daigdig.

Kinikilala namin ang aming mga pagkakasala sa lyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan. Pinagkamali namin ang iyong utos na pangasiwaan ang daigdig. Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam. Ang "global warming" ay laganap na. Ang mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan, paglindol at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta. Lumalapit kami sa lyo, Mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan.

Hinihiling namin na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari-arian at ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.
Iniluluhog namin gawin kaming mapanagutang katiwala ng lyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan.
Dalangin namin ito Sa Pangalan ni Hesus. Amen.

Kristo, Maawa Ka sa amin.
Inmaculada Concepcion, Ipanalangin mo kami.
San Jose, Ipanalangin mo kami.

Ika - Apat na Araw ng Pagsisiyam sa Karangalan ni Santa Maria Magdalena.Palagiang Nobena sa Mahal na Birhen ng del Carme...
16/07/2026

Ika - Apat na Araw ng Pagsisiyam sa Karangalan ni Santa Maria Magdalena.

Palagiang Nobena sa Mahal na Birhen ng del Carmen at San Judas Tadeo tuwing araw ng Huwebes.

Ikatlong Araw ng Pagsisiyam sa Karangalan ni Santa Maria Magdalena.Palagiang Nobena sa Ina ng Laging Saklolo at Mahal na...
15/07/2026

Ikatlong Araw ng Pagsisiyam sa Karangalan ni Santa Maria Magdalena.

Palagiang Nobena sa Ina ng Laging Saklolo at Mahal na Poong San Jose

Ikalawang Araw ng Pagsisiyam sa Karangalan ni Santa Maria Magdalena.Palagiang Nobena kay San Antonio de Padua tuwing ara...
14/07/2026

Ikalawang Araw ng Pagsisiyam sa Karangalan ni Santa Maria Magdalena.

Palagiang Nobena kay San Antonio de Padua tuwing araw ng Martes.

Address

Cavite
4119

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Capilla La Inmaculada Concepcion de Dagatan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share