20/05/2026
Hindi nasusukat ang tunay na faith sa lakas ng awit sa loob ng simbahan, kundi sa uri ng pamumuhay mo kapag wala nang nakakakita.
Madaling sumunod sa Panginoon kapag kasama natin ang mga kapatiran.
Madaling maging banal kapag nasa banal na lugar.
Pero ang tunay na pagkakakilanlan ng isang Kristiyano ay nakikita sa labas ng simbahan.
Kaya "๐ช๐ต๐ผ ๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐๐ผ๐, ๐ผ๐๐๐๐ถ๐ฑ๐ฒ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ต๐๐ฟ๐ฐ๐ต?"
Katulad ng encouragement ni Paul the Apostle sa mga taga-Thessalonica, hindi dapat mawalan ng joy, prayer, at pasasalamat kahit mahirap ang sitwasyon.
Dahil ang totoong connection sa Diyos hindi lang pang-Sundayโdala ito kahit sa ordinaryong araw, kahit sa gitna ng pagod, tukso, at pagsubok.
Maraming handog ang mundo na sayaโy panandalian, pero puwedeng dahan-dahang pumatay ng espiritwal na kabanalanโผ๏ธ
Kaya bantayan natin ang puso natin outside the church.
Dahil ang tunay na sumusunod sa Diyos ay laging sabik na manatiling connected sa Kanyaโiniingatan ang apoy ng pananampalataya, hindi binibigyang-lungkot ang Holy Spirit, at hindi madaling maakit sa pansamantalang alok ng mundo na sumisira sa spiritual na buhay.
Sumusunod at nagtitiwala sa Diyos, may nakakakita man o wala.
Tandaan: Madaling maging spiritually alive sa comfort ng simbahan, pero ang tunay na test ay kung dala pa rin natin ang presensya ng Diyos paglabas natin nito.
Nawaโy kahit sa labas ng simbahan, piliin pa rin natin ang magpapasaya sa Panginoon, sa mundong maraming bagay ang humihila sa atin palayo sa Kanyang kalooban.
~ Sis. Mandy