29/09/2026
๐ฆ๐๐ง๐ฌ๐๐ ๐๐ฅ๐ ๐ฎ๐ต: ๐๐๐ฃ๐๐ฆ๐ง๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐๐ก๐๐๐๐ โ ๐ฆ๐๐ก ๐ ๐๐๐จ๐๐, ๐ฆ๐๐ก ๐๐๐๐ฅ๐๐๐ ๐๐ง ๐ฆ๐๐ก ๐ฅ๐๐๐๐๐
Ang mga โArkanghelโ ay mga anghel na may mas mahahalagang mensahe na dala sa tao mula sa Diyos. Sa kalendaryo ng pagdiriwang ng liturhiya, tatlong Arkanghel ang pinararangalan ngayon. Sila ay may titulong โSanโ upang ipakilala ang kanilang kabanalan, na sila ay tunay na sugo ng Diyos.
Karaniwang walang pangalan ang mga anghel sa Bibliya pero sa Lumang Tipan, ibinigay sa atin ang pangalan ng tatlong arkanghel na ating kinikilala ngayon.
Si ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐ฅ๐ฎ๐ณ๐ฎ๐ฒ๐น ay makikita natin sa Tobit 12:11-15, 18. Dito, isinugo siya ng Diyos upang pagalingin si Tobit at upang ibigay kay Tobias ang kanyang asawang si Sara. Ang pangalan ni Rafael ay may kahulugang โang nagpapagaling na Diyos.โ
Si ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐ ๐ถ๐ด๐๐ฒ๐น naman ay ipinakilala sa atin sa aklat ni Daniel 10:13, 21; 12:1. Dito, siya ang dakilang patron at tagapagtanggol ng bayang Israel. Ang kahulugan ng kanyang pangalan ay โkamukha ng Diyos.โ
Si ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐น naman ang mensahero ng Diyos na nakilala sa Daniel 8:16, 9:21 at Lk 1: 19. Dala niya ng magandang balita ng pagsilang ni Juan Bautista, at ang pagsilang ng ating Panginoong Jesukristo mula sa Mahal na Birheng Maria. Ang pangalan ni San Gabriel ay nangangahulugang โLakas ng Diyosโ.
Simula noong 1970, ang mga pista nina San Gabriel, at San Rafael ay idinagdag kay San Miguel. Sila ay tinatawag na mga โsantoโ dahil sila ay mga banal; sila ay mga anghel, ibig sabihin ay mga โMensahero ng Diyosโ na naghahatid ng pag-ibig at pag-asa. Binigyan ng Diyos ang bawat tao ng kanyang sariling anghel na tagapagbantay bilang tagapagtanggol at tagapamagitan. Nakasaad sa Katekismo: Mula sa pagsilang hanggang sa kamatayan, ang buhay ng tao ay pinalilibutan ng kanilang maingat na pag-aalaga at pamamagitan. Sa tabi ng bawat mananampalataya ay nakatayo ang isang anghel bilang tagapagtanggol at pastol na gumagabay sa kanya sa buhay.
Ang pagpaparangal sa tatlong arkanghel ay papuri at pasasalamat sa Diyos na lumikha sa kanila at nagsugo sa kanila upang mabatid natin ang kalooban ng Diyos.
(Pasasalamat at pagkilala sa mga nagmamay-ari ng mga larawang ito.)