12/09/2021
IKALIMANG ARAW
12 Septiembre 2021
๐ฆ๐๐ฃ๐ง๐๐ก๐๐ฅ๐๐ข ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ง๐ข๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฆ ๐ก๐ ๐ก๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐ ๐๐ง ๐ก๐๐ก๐๐จ๐ก๐๐จ๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฆ
Sa ngalan ng โ Ama, at ng โ Anak, at ng โ Espiritu Santo. Amen.
PAMBUNGAD NA MGA PANALANGIN
O Panginoong Diyos, muli kaming dumudulog sa Iyo upang ihain ang aming mga panalangin. Maraming ulit na kaming lumapit sa Iyo at sa bawat pagkakataong iyon lalo lamang nadadagdagan ang aming pananampalataya na Ikaw nga ang Diyos ng pag-ibig at buhay.
Gayunpaman, maraming ulit din na kami ay nakakalimot na tumawag sa Iyo. Nakakalimot na magmahal sa aming kapwa. Nakakalimot na tumupad sa aming mga pangako. Nakakalimot humingi ng tawad at magbigay ng patawad sa iba. Nakakalimot magpasalamat sa mga biyayang aming tinatanggap. Subalit sa lahat ng mga pagkakataong ito, nariyan Ka pa rin O Panginoon upang lagi kaming paalalahanan na narito Ka lamang at laging handa na kami ay muling tanggapin kung kami lamang ay magbabalik sa Iyo.
Sa pamamagitan ng pagninilay sa Pitong Hapis ng Mahal na Virgen, lalung-lalo na sa septenariong ito sa karangalan ng Ina ng aming Panginoong Jesucristo, La Virgen de la Soledad de Porta Vaga, nawaโy matagpuan Ka namin sa aming buhay gaya ng pagkatagpo sa Iyo ng Mahal na Virgen sa bawat yugto ng kanyang buhay at makilalala nawa namin ang Iyong kapangyarihan upang lagi naming maisapuso na Ikaw nga ang Emmanuel โ ang Diyos na kaisa namin โ ngayon at magpakailanman. Amen.
PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid namin ang walang katulad na kalungkutan at sama ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkakalayo sa Iyo ng Iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang kami ay mahango at magsisi sa aming mga kasalanan.
Pinagsisisihan namin ang lahat at alin mang kasalanang nagawa namin at nanaisin pa namin ang mamatay muna bago muli kaming magkasala sa kanya. Mula ngayon, Mahal Na Ina, kami ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng Iyong Anak na dahil sa amin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay. Hinihiling rin namin, Mahal na Ina, na nawaโy matanggap namin ang mga biyayang ito alang-alang sa Iyong mga dinanas na pagpapakasakit. Siya nawa.
PAKIKIRAMAY SA MAHAL NA INANG BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
Namimighating Ina, pahintulutan mo kaming manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman naming kamiโy hindi karapat-dapat sapagkaโt kami ang dahilan ng Iyong mga kalungkutan. Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo kami sa aming pagsisisi at paghingi ng tawad. Patuloy mong patnubayan ang Inang Simbahan sa Kanyang mga tungkulin at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo. Nawaโy mapabilang kami sa Iyong mga tapat na lingkod na nakikiisa sa Iyong kalungkutan upang mabago ang masama naming buhay. Tulungan mo kami sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan mong Anak magpasawalang hanggan. Siya nawa.
(Pasumandaling katahimikan)
MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabagin at nahahapis na Inang Maria, La Virgen de la Soledad de Porta Vaga, na kailan maโy di narinig na may dumulog sa Iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan. Dala ng pag-asa na ito, dumudulog kami sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo kamiโy lumalapit, sa Iyo kamiโy humaharap na makasalanan at namimighati. Oh Ina ng Walang Hanggang Berbo, wag mo kaming siphayuin, sa aming pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo kami at pakapakinggan. Siya nawa.
ANG CORONA NG SIETE DOLORES DE MARรA
Virgeng walang bahid sala, Ina ng hapis at awa at kaisa ng Panginoon sa Kanyang Mahal na Pasiรณn, isinasamo namin na papagningasin ang aming loob, upang mapagnilayan namin ang Iyong mga sรกkit at nang aming makamtan ang mga indulhensiyang ipinagkakaloob mo sa Septenariong ito.
(Susundan ng tanging mga panalangin para sa araw at ang letania at iba pang pangwakas na panalangin.)
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฆ๐ฬ๐๐๐ง ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ฆ-๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ก ๐๐ง ๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐ ๐ฃ๐จ๐ฆ๐ข ๐ก๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐
ANG PAGKAPAKO AT PAGKAMATAY NI JESรS SA CRUZ
โ โ โ
โNakatayo sa tabi ng cruz ni Jesรบs ang Kanyang Ina at ang kapatid na babae nito si Marรญa [Jacobรฉ], na asawa ni Cleofรกs. Naroon din si Marรญa Magdalena. Nang makita ni Jesรบs ang Kanyang Ina, at ang minamahal Niyang alagad sa tabi nito, Kanyang sinabi โGinang, narito ang iyong anak!โ At sinabi sa alagad, โNarito ang iyong Ina!โ (San Juan 19:25-27)
(sandaling katahimikan)
Virgeng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina ng Kabite! Ilaw ka ng Pilipinas, Virgeng dinarangal ng bayang sinisinta!
Sa huling hantungan ng Iyong Anak, naroon ka rin Mahal na Seรฑora upang kahit sa huling sandaliโy maghain sa kanya ng pagmamahal at upang ihain din sa Ama ang Iyong sarili kaisa ng pag-aalay ng sarili ng Diyos Anak. Sinundan mo Siya hanggang sa cruz. Sumampalataya ka hanggang sa cruz. Ang cruz nga ang palatandaan ng pagiging tunay na Cristiano. At cruz din ang dahilan kung bakit mahirap sumunod sa Panginoon. Tulungan mo kaming pasanin ang cruz na ito O Inang mahal. At tulad moโy maging bahagi din sana kami ng pag-aalay ng Panginoon, para sa aming kaligtasan at sa kaligtasan ng iba.
Lipos ng Pighating Ina ng lalong nahihirapang Anak, sino kaya ang makakaunawa ng kahirapang Iyong tiniis ng lumakad ka sa lansangang dinaanan ng Iyong pinahirapang Anak. Pagpapahirap, mga katampalasanan, pagpapako sa cruz, ang mga gunita nito ang nagdulot sa Iyo ng matinding hapis. Nawaโy tumimo sa aming isipan ang mga pagpapakasakit at mga kahirapang ito ni Cristo upang sa mga sandali ng aming panghihina at panlalamig, ang mga ala-alang ito ang magsilbing gabay tungo sa wastong pag-ibig sa Iyo at sa aming mga Kapatid. At kung magiging marapat sa Kanyang kaluwalhatian, at sa kagalingan ng aming kaluluwa, ay ipagkaloob nawa sa amin ang biyayang hinihingi namin sa septenariong ito. Siya Nawa.
DALIT
Walang kabagay na hapis
Oh Ina, ang Iyong tiniis,
hindi sukat na malirip
ang iyong pagkakamasid
sa lagay ng Anak mong giliw at liyag
na sa cruz ay nagdurusaโt naghihirap.
Virgen de la Soledad de Porta Vaga, sa amiโy igawad and buhay na mapalad.
(sandaling katahimikan)
Ngayoโy matahimik nating idulog sa Diyos ang ating mga pansariling kahilingan sa tulong ng panalangin ng Ina ng Diyos- ang VIRGEN DE LA SOLEDAD DE PORTA VAGA.
Manalangin ng Isang (1) AMA NAMIN, Pitong (7) Aba Ginoong Maria at Isang (1) Luwalhati.
Oh katamis-tamisang Virgen de la SOLEDAD, aming Ina at Reina, nawaโy kamiโy matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na sadyang kay tatag!
LETANIA SA PITONG HAPIS
NG VIRGEN DE LA SOLEDAD DE PORTA VAGA
Panginoon, kaawaan Mo kami,
Cristo, kaawaan Mo kami,
Panginoon, kaawaan Mo kami,
Cristo, pakinggan Mo kami,
Cristo, pakipakinggan Mo kami.
Diyos Ama sa langit,
Maawa Ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan,
Maawa Ka sa amin.
Diyos Espiritu Santo,
Maawa Ka sa amin.
Santรญsima Trinidad na iisang Diyos,
Maawa Ka sa amin.
La Dolorosisima, Virgen de la SOLEDAD, Ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, Ina ng Diyos,
Ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis ng di kinupkop ninuman sa kanilang panunuluyan, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang inihiga ang Niรฑo Jesรบs sa isang sabsaban, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis sa paglalakbay patungong Egipto, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis sa pagpatay sa niรฑos inocentes, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang ang batang si Jesรบs ay mawala ng tatlong araw, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang si Jesรบs ay kapootan ng mga Judio, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang si Jesรบs ay ipagkanulo sa pamagitan ng isang halik at dakpin sa halamanan, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang dalhin si Jesรบs ng mga punong Sacerdote na tulad ng isang salarin, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis ng paratangan si Jesรบs ng walang katotohanan, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis ng ang Banal na Mukha ni Jesรบs ay hampasin at duraan, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang si Jesรบs ay ipinagpalit kay Barabbas, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang mamasdang si Jesรบs ay igapos at hagupitin sa haliging bato, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang si Jesรบs ay putungan ng coronang tinik, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis ng si Jesรบs ay gawaran ng sentencia, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis sa pagkikita nila ni Jesรบs na pasan ang cruz patungo sa Calvario, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang ang mga kabanal-banalang kamay at paa ni Jesรบs ay paglagusan ng mga paco, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang marinig ang mga huling wika ni Jesรบs sa cruz, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang mamasdan si Jesรบs na nag-aagaw buhay, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang tanggapin ang walang buhay na katawan ni Jesรบs sa kanyang kandungan, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, nahapis nang si Jesรบs ay ihatid sa huling hantungan, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, Inang nangulila sa Gabi ng Unang Viernes Santo, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, Reinang nagpakasรกkit, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, Pag-asa ng mga mahihina, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, Mapagkupkop sa mga makasalanan, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, Puno ng maka-inang pagkahabag, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, Tagapag-adya sa biglaan at di-inaasahang kamatayan, ipanalangin mo kami.
Birhen ng SOLEDAD, aming Ina,Reina at Patrona, ipanalangin mo kami.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, Patawarin Mo kami Panginoon.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, Pakipakinggan Mo kami Panginoon.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, Maawa Ka sa amin.
MANALANGIN TAYO.
O Panginoon naming Diyos, niloob Mong ang Mahal na Virgeng Marรญa ay tumayong nakikipagtiis sa Iyong Anak na itinampok sa cruz. Ipagkaloob mong kaming kasalo sa pagpapakasรกkit ni Cristo kaisa ng Ina Niya ay marapating makapagdiwang sa piging ng muling pagkabuhay.
Idulot Mo O Panginoon sa Iyong mga lingkod ang Iyong makalangit na pagkalinga upang makasunod kami sa Iyo nang buong puso at upang maging marapat kami sa biyayang aming hinihiling.
Pakinggan Mo O Panginoon ang aming mga panalangin at ipagkaloob sa aming mga mahal sa buhay na yumao ang kapahingahan ng langit at sa Iyong Simbahan, igawad Mo ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin ng maluwalhating Virgen Marรญa at ng kadakilaan ng Iyong Anak, si Jesucristong aming Panginoon.
LA VIRGEN DE LA SOLEDAD DE PORTA VAGA, ipanalangin mo po kami!
Sa ngalan ng โ Ama, at ng โ Anak, at ng โ Espiritu Santo. Amen.