San Agustin Youth Ministry- Magallanes, Cavite

San Agustin Youth Ministry- Magallanes, Cavite Ito ay para sa mga updates, announcement at mahahalagang bagay para sa kabataan ng San Agustin, Magallanes, Cavite

๐๐€๐€๐๐˜๐€๐˜๐€ | ๐€๐‡๐Ž๐ ๐๐† ๐๐€๐†-๐€๐’๐€ 2026โ›ฐ๏ธ๐ŸŒณSa darating na ika-19 ng Mayo (Martes), muli nating sasariwaing may galak ang isa sa p...
18/05/2026

๐๐€๐€๐๐˜๐€๐˜๐€ | ๐€๐‡๐Ž๐ ๐๐† ๐๐€๐†-๐€๐’๐€ 2026โ›ฐ๏ธ๐ŸŒณ

Sa darating na ika-19 ng Mayo (Martes), muli nating sasariwaing may galak ang isa sa pinakamahalagang yugto ng ating pananampalataya kay Mariaโ€”ang anibersaryo ng pagkakatagpo sa pinakamatandang imahe ng Mahal na Birheng Maria sa Pilipinas, ang Nuestra Seรฑora de Guia.

Sa pagdiriwang ng mahalagang anibersaryong ito, inaanyayahan namin kayong makibahagi sa โ€œAhon ng Pag-asa 2026.โ€

Sa ganap na ika-5:00 ng madaling araw, tayo ay sama-samang aakyat sa luntiang bahagi ng ating bayan. Tulad ng pagkakatagpo sa kanya sa kalikasan daang taon na ang nakalilipas, muli nating hahanapin ang kanyang presensya sa bawat hakbang paitaas. Ang ating pag-ahon ay hindi lamang isang pisikal na sakripisyo, kundi isang simbolo ng ating pag-iwan sa mga bigat ng buhay upang makatagpo ang kapayapaan sa piling ng Diyos at ng ating Inang Patnubay.

Halinaโ€™t iwanan ang ingay ng mundo at makinig sa bulong ng pag-asa. Tayo ay umahon, manalangin, at muling matagpuan ang landas patungo sa Panginoon sa pamamagitan ng ating Mahal na Ina.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ฎ:

โœจMaging handa sa paglalakad; magsuot ng maayos at kumportableng sapatos.
โœจMagdala ng sariling inuming tubig at iwasan ang pag-iiwan ng anumang basura sa forest area upang mapangalagaan ang nilikha ng Diyos.
โœจMagdala ng anumang uri ng bulaklak na maaaring gamitin sa pag-aalay matapos ang Banal na Misa.






MAY 11, 2026Mga kuhang larawan sa pagsundo ng mga maninimbang Agustino sa Imahen ng Tejero, General Trias, Cavite ang Bi...
11/05/2026

MAY 11, 2026

Mga kuhang larawan sa pagsundo ng mga maninimbang Agustino sa Imahen ng Tejero, General Trias, Cavite ang Birheng Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano sa Sitio Maangyo, Brgy. Urdaneta, Magallanes, Cavite

Birheng Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano,
Ipanalangin mo kami!

11/05/2026
PABATIDMAY 11, 2026Ipinapaalam sa lahat ng maninimbang Agustino na ang Imahen ng Birheng Maria mapag-ampon sa mga kristi...
11/05/2026

PABATID
MAY 11, 2026

Ipinapaalam sa lahat ng maninimbang Agustino na ang Imahen ng Birheng Maria mapag-ampon sa mga kristiyano ay kasalukuyan na pong nasa ating kapilya, maaari niyo po itong masilayan hanggang bukas ng hapon. At sa ganap na 3:30 ng hapon ay ipagdadaos ang misa pamamaalam at ito ay susunduin na ng susunod na Barangay, inaasahan po ang pakikiisa ng bawat maninimbang Agustino na makilahok sa nasabi.

BIRHENG MARIA MAPAG-AMPON SA MGA KRISTIYANO,
IPANALANGIN MO KAMI!

FLORES DE MARIAMAY 07, 2026PAG-AALAY NG BULAKLAKSa Ikapitong araw ng pagdiriwang ng Flores de Maria ay pinangunahan ito ...
08/05/2026

FLORES DE MARIA
MAY 07, 2026

PAG-AALAY NG BULAKLAK

Sa Ikapitong araw ng pagdiriwang ng Flores de Maria ay pinangunahan ito ng mga mananampalataya mula San Agustin katuwang ng Poblacion 1, at ang nag-alay ng koronang bulaklak na si Karen Climacosa at kanyang anak na si Chinue Climacosa . Makikita sa bawat isa ang matatag na debosyon para kay Maria, sapagkat ang buwan ng Mayo ay nakalaan para kay Maria ang ating mahal na Ina.

FIESTA DELA MADRE 2026MAY 05, 2026PRUSISYONSa bawat pagpatak ng kandila ay siya din pagdagdag ng biyaya at ang liwanag n...
06/05/2026

FIESTA DELA MADRE 2026
MAY 05, 2026

PRUSISYON
Sa bawat pagpatak ng kandila ay siya din pagdagdag ng biyaya at ang liwanag ng kadila ay siya namang gabay natin patungo sa tuwid na landas. Matapos ang pagluluwa o ang pagtula ng tatlong hermana sa harap ng mag-ina ay agad na inumpisahan naman ang prusisyon, makikita sa mga larawan na madami ang nakiisa sa banal na prusisyon.

Santa Monica,
Ipanalangin mo kami!

San Agustin,
Ipanalangin mo kami!

FIESTA DELA MADRE 2026MAY 05, 2026LUWAGanap na 5:30 ng hapon ay inumpisahan ang pagluluwa sa kapistahan ng mag-inang San...
06/05/2026

FIESTA DELA MADRE 2026
MAY 05, 2026

LUWA
Ganap na 5:30 ng hapon ay inumpisahan ang pagluluwa sa kapistahan ng mag-inang Santa Monica at San Agustin, ang kaganapang ito ay ginawa bago lumabas ang prusisyon, ito ay pinangunahan ng tatlong hermana ng flores de Maria ang hermana 2025, hermana 2026 at hermana 2027. Ang pagluluwa o ang pagtula ng tatlong kababaihan sa harap ng mag-ina ay simbolo ng kasaganahan at patuloy na biyayang natatanggap ng mga Agustino.

Santa Monica,
Ipanalangin mo kami!

San Agustin,
Ipanalangin mo kami!

FIESTA DELA MADRE 2026MAY 05, 2026BANAL NA MISASa ganap na 9:00 ng umaga pagkatapos ipagdaos ang pag sayaw ng karakol sa...
06/05/2026

FIESTA DELA MADRE 2026
MAY 05, 2026

BANAL NA MISA
Sa ganap na 9:00 ng umaga pagkatapos ipagdaos ang pag sayaw ng karakol sa Brgy. San Agustin ay sinundan naman ito ng banal na misa sa pangunguna ng ating kura Rev. Fr. Efren "Sani" Araracap Jr., ito ay dinaluhan hindi lamang ng mga maninimbang Agustino kundi pati na din mga deboto ni Tata Usteng na nagmula sa ibang Barangay o Bayan. Kasabay nito ay naganap din ang binyag para sa mga batang Agustino.

Santa Monica,
Ipanalangin mo kami!

San Agustin,
Ipanalangin mo kami!

Address

San Agustin, Magallanes
Cavite
4113

Telephone

+639978464285

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Agustin Youth Ministry- Magallanes, Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to San Agustin Youth Ministry- Magallanes, Cavite:

Share