Cavite City UMC

Call Directions
04/10/2026

"CALL"
Philippians 3b-14
October 4, 2026
Disclaimer: No copyright infringement intended, all video and music used belongs to the respective owners

27/09/2026

Learn, Love, LOVE
James 1:22
Galatians 2:20-21
September 27, 2026

Disclaimer: No copyright infringement intended, all video and music used belongs to the respective owners

20/09/2026

Learn, LOVE, Live
James 1:22
Matthew 22: 37-40
September 13, 2026
Disclaimer: No copyright infringement intended, all video and music used belongs to the respective owners

13/09/2026

Learn, Love, Live
James 1:22
September 13, 2026

Disclaimer: No copyright infringement intended, all video and music used belongs to the respective owners

06/09/2026

"OUR PLEDGE"
Romans 13:8-14
September 6, 2026

Disclaimer: No copyright infringement intended, all video and music used belongs to the respective owners

24/08/2026

August 25, 2026
Title: Thanksgiving of Praise
Scripture: Awit 105:1–6

“Ipahayag ninyo ang kaniyang mga kahanga-hangang gawa.” — Awit 105:2

Lesson: Ang pasasalamat ay hindi lamang sinasabi sa ating panalangin; ito ay dapat ding maging bahagi ng ating pang-araw-araw na usapan. Ang sabi ng salmista, “Ipahayag ninyo ang kaniyang mga kahanga-hangang gawa.” Kapag ang ating puso ay puno ng kabutihan ng Diyos, natural lamang na nais nating ibahagi ito sa iba. Ang mga gawa ng Diyos ay dapat maging paksa ng ating pakikipag-usap sa pamilya, kaibigan, at kapwa—hindi lamang bilang kuwento para sa libangan, kundi bilang paraan upang mapalakas ang pananampalataya at pag-asa. Tulad ng paalala sa Deuteronomio 6:7, maaari nating pag-usapan ang Diyos habang tayo ay nasa bahay at habang tayo ay naglalakad sa daan.

Sa bawat araw, maraming dahilan upang magpasalamat: sa buhay, sa pamilya, sa mga pagkakataong dumarating, sa proteksiyong hindi natin napapansin, at higit sa lahat, sa katapatan ng Diyos. Ang pagbabahagi ng Kaniyang kahanga-hangang gawa ay isang paraan ng pagpapaalala sa ating sarili at sa iba na ang Diyos ay kumikilos kahit sa mga panahong hindi agad natin nauunawaan ang Kaniyang ginagawa. Ang mga banal na bagay ay maaari nating gawing bahagi ng karaniwang usapan, basta ito ay ginagawa nang may paggalang at tunay na pananampalataya. Kapag ang ating mga salita ay puno ng pasasalamat, nagiging daan tayo upang ang iba ay muling magkaroon ng lakas na magtiwala sa Diyos.

Reflection: Sa araw-araw, huwag nating hayaang ang mga problema lamang ang maging laman ng ating usapan; alalahanin at ikuwento rin natin ang kabutihan at kahanga-hangang gawa ng Diyos. Ang pusong marunong magpasalamat ay pusong marunong magpahayag ng papuri.

Prayer: Panginoon, salamat sa lahat ng Iyong kahanga-hangang gawa sa aking buhay. Turuan Mo akong maging bukas sa pagbabahagi ng Iyong kabutihan, upang sa aking mga salita at buhay ay mapalakas ang pananampalataya at pag-asa ng iba. Nawa’y maging bahagi ng aking araw-araw na usapan ang Iyong katapatan at pag-ibig. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

23/08/2026

Devotion of the Day
Title: CALLING
August 24, 2026
Scripture: Exodus 3:1–15

Saan mo nakita ang presensya ng Diyos na humihila sa iyo upang tahakin ang iyong calling?

Sa Exodus 3, nakita ni Moises ang isang kakaibang tanawin—isang mababang punongkahoy na nagliliyab ngunit hindi natutupok. Sa simpleng lugar na iyon, ipinakita ng Diyos ang Kanyang presensya at tinawag si Moises para sa isang malaking misyon. Ipinapakita nito na ang calling ng Diyos ay maaaring magsimula sa isang ordinaryong lugar, ordinaryong gawain, o ordinaryong karanasan, ngunit nagiging extraordinary dahil ang Diyos ang tumatawag.

1. Calling to Be
Bago tayo tawagin ng Diyos upang gumawa, tinatawag muna Niya tayo upang hubugin. Tinawag si Moises upang matutong magtiwala, makinig, at kilalanin ang Diyos. Minsan, ang calling natin ay hindi agad isang posisyon o ministeryo. Maaaring ito ay tawag upang maging mas mapagmahal na magulang, tapat na kaibigan, mabuting lingkod, o taong tunay na sumusunod sa Diyos. Ang presensya ng Diyos ang humuhubog sa ating pagkatao bago Niya gamitin ang ating mga kamay.

2. Calling to Serve
Sinabi ng Diyos kay Moises, “Kaya't ngayon, humayo ka, at susuguin kita kay Paraon.” Ang calling ay hindi lamang para sa sariling fulfillment; ito ay para maging pagpapala sa iba. May calling sa pamilya, sa simbahan, sa komunidad, sa trabaho, at sa ministry. May ilan na tinatawag na mangaral, magturo, manguna, tumulong, mag-alaga, magbigay, o maging boses ng pag-asa. Tulad ni Moises, maaaring maramdaman natin na hindi tayo sapat. Ngunit ang sagot ng Diyos ay hindi, “Sapat ka na,” kundi “Ako'y sasaiyo.” Ang presensya ng Diyos ang ating lakas sa pagtupad ng ating calling.

Calling to Be: Tinatawag tayo ng Diyos upang hubugin ang ating character, faith, obedience, at relationship sa Kanya.

Calling to Do: Tinatawag tayo ng Diyos upang gamitin ang ating buhay, kakayahan, oras, at resources para sa Kanyang layunin at sa kapwa.

Realization: Hindi lahat ng calling ay nagsisimula sa malaking pangyayari; minsan, nagsisimula ito sa simpleng lugar kung saan ipinapakita ng Diyos ang Kanyang presensya.
Kapag alam nating kasama natin ang Diyos, maaari tayong humakbang kahit may takot, dahil ang calling ay hindi nakasalalay sa ating kakayahan kundi sa presensya ng Diyos.

Prayer: Panginoon, salamat dahil tinatawag Mo ako. Buksan Mo ang aking mga mata upang makita ko ang Iyong presensya sa bawat bahagi ng aking buhay. Bigyan Mo ako ng tapang na sundin ang Iyong calling, kahit ako ay natatakot o nakakaramdam na hindi ako sapat. Gamitin Mo ang aking buhay upang maging pagpapala sa iba. Narito ako, Panginoon. Gabayan Mo ako at sumama Ka sa bawat hakbang ko. Amen.

13/08/2026

Devotion of the Day
August 14, 2026
Title: Guard Your Heart
Scripture: Mateo 15:10-20

Lesson:
Itinuturo ni Jesus na ang tunay na karumihan ay hindi nagmumula sa mga bagay na pumapasok sa bibig, kundi sa mga bagay na lumalabas sa puso. Ang puso ang pinagmumulan ng ating mga salita, pag-iisip, at pagkilos. Kaya mahalagang bantayan natin ito laban sa galit, inggit, kasinungalingan, masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang-puri ang mga ito ang unti-unting sisira sa ating relasyon sa Diyos at sa kapwa.

Sa paglapit ng mga alagad sa ating Panginoon Jesus sinabi nila ang kanilang obserbasyon na nasasaktan ang mga pariseo sa kanilang naririnig. Ang pundasyon ng ministeryo ni Jesus ay pag-ibig. Bagama’t may mga pagkakataong nasasaktan ang mga tao sa Kanyang mga sinabi, hindi ito dahil nais Niya sila'y saktan, kundi dahil ang katotohanan ay kailangang marinig upang tayo ay mapalaya sa gapos ng kasalanan. Ang tunay na pag-ibig ay hindi laging nagsasabi ng gusto nating marinig; minsan, sinasabi nito ang katotohanang kailangan nating marinig upang magbago at lumapit muli sa Diyos.

Application: Bantayan ang iyong puso, sapagkat ang pusong pinaghaharian ng katotohanan at pag-ibig ni Cristo ay nagbubunga ng buhay na nagmumula Diyos.

Prayer: Panginoong Jesus, bantayan Mo ang aking puso at linisin Mo ako sa lahat ng masamang hangarin at kasalanan. Bigyan Mo ako ng pusong marunong tumanggap ng Iyong katotohanan, kahit minsan ito ay masakit, sapagkat alam kong ang Iyong katotohanan ang nagpapalaya sa akin. Turuan Mo akong mamuhay sa pag-ibig at katapatan. Amen.

Address

M. Gregorio Cor J. Bernal Street San Antonio
Cavite
4100

Telephone

+630997946

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cavite City UMC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share