24/03/2022
25 Marso 2022
Kapistahan ng Pagpapahayag ng Anghel sa Mahal na Birhen ukol sa Pagkakatawang Tao ng Panginoon
"๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ !"
๐๐ฏ๐ข๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐บ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐ต๐ฐ ๐๐ข๐ฑ๐ข ๐๐ณ๐ข๐ฏ๐ค๐ช๐ด๐ค๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฎ๐ฃ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ช๐ช๐ด๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐๐ข๐จ๐ต๐ข๐ต๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ฐ, ๐ญ๐ข๐ญ๐ฐ'๐ต ๐ฉ๐ช๐จ๐ช๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ด๐ด๐ช๐ข ๐ข๐ต ๐๐ฌ๐ณ๐ข๐ช๐ฏ๐ฆ ๐ด๐ข ๐๐ข๐ญ๐ช๐ฏ๐ช๐ด-๐ญ๐ช๐ฏ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ด๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฉ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐๐ช๐ณ๐ฉ๐ฆ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ณ๐ช๐ข.
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ง๐๐ง๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ฅ๐จ๐ฆ๐ฆ๐๐ ๐๐ง ๐จ๐๐ฅ๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ฆ-๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐ฃ๐จ๐ฆ๐ข ๐ก๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐
(Opisyal na salin sa wikang Filipino)
Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos at aming Ina, sa panahong ito ng pagsubok bumabaling kami sa iyo. Bilang aming ina, mahal mo kami at kilala mo kami. Walang alalahanin sa aming mga puso ang lingid sa iyo. Ina ng awa, hindi minsang naranasan namin ang iyong pagkalinga at payapang pananatili sa aming piling. Walang sawa mo kaming inaakay patungo kay Hesus, ang Prinsipe ng Kapayapaan.
Ngunit naligaw kaming lihis sa landas ng kapayapaan. Nakalimot kami sa mga aral na dulot ng mga trahedya ng nakaraang siglo, ang sakripisyo ng marami na nagbuwis ng buhay sa nakaraang dalawang digmaang pandaigdig. Isinantabi namin ang aming pananagutan sa pamayanan ng mga bansa. Nagtaksil kami sa pangarap ng lahat para sa kapayapaan at sa pag-asa ng mga kabataan. Naging sakim kami. Pinahalagahan lang namin ang aming sariling bayan at sariling interes. Naging manhid kami at nakulong sa mga makasariling pangangailangan at alalahanin. Pinili naming balewalain ang Diyos, na magpasasa sa aming mga ilusyon, na maging mayabang at mapusok, na kitilin ang mga inosenteng buhay at mag-imbak ng mga sandata. Kinaligtaan naming maging mapagmalasakit na kapwa at katiwala ng sangnilikha na tahanan naming lahat. Nagdulot kami ng pinsala sa hardin ng mundo dahil sa mga digmaan at aming kasalanan. At sinugatan namin ang puso ng Ama sa langit na naghahangad na magturingan kaming magkakapatid. Naging manhid kami sa lahat maliban sa aming sarili. Wala kaming mukhang maihaharap sa iyo. Kamiโy nagsusumamo, Kaawaan mo kami, Panginoon.
Mahal naming Ina, sa abang kalagayan ng aming pagka-makasalanan, ng aming mga pagsisikap at kahinaan, sa misteryo ng kabuktutan ng kasamaan at digmaan, ipinapaalala mo sa amin na hindi ka mi pinababayaan ng Diyos bagkus nagpapatuloy na kalugdan kami ng may pagmamahal at laging handa na magpatawad at iahon kami sa bagong buhay. Ipinagkaloob ka Niya sa amin upang ang iyong Kalinislinisang Puso ay maging tahanan at takbuhan ng Simbahan at sangkatauhan. Sa mapagpalang kalooban ng Diyos, kapiling ka naming lagi kahit na sa maligalig na bahagi ng aming kasaysayan naroroon ka upang gabayan mo kami ng iyong masintahing pag-ibig.
Bumabaling kami sa iyo at dumudulog sa iyong puso. Kami ang iyong mga minanamahal na anak. Sa bawat salinlahi ipinapahayag mo ang iyong sarili at hinihimok kaming magbalik-loob at magbagong buhay. Sa madilim na yugtong ito, tulungan at papanatagin mo kami. Sambitin mong muli sa amin โHindi baโt naririto ako? Ako ang inyong Ina.โ Nakakalag mo ang mga buhol sa aming mga puso at sa aming panahon. Nagtitiwala kami sa iyo. Panatag kami na hindi mo bibiguin ang aming pagsamo at tutulungan mo kami lalo na sa panahon ng pagsubok.
Ginawa mo ito sa Cana, Galilea nang ikaw ang dumulog kay Hesus na nagsagawa ng kanyang unang himala. Upang mapanatili ang diwa ng pagdiriwang sa kasalan, ipinamanhik mo sa kanya, โNaubusan sila ng alakโ (Jn 2:3). Mahal naming Ina, ipamanhik niyo rin kami sa panahong nauubusan na kami ng alak ng pag-asa. Lumisan na ang kagalakan. Nanamlay na ang pagsasamahan. Nakaligtaan namin
Kaban ng Tipan, pukawin mo sa amin ang mga gawain at landas ng pakikipagkasundo.
Reyna ng Langit, panumbalikin mo ang kapayapaang mula sa Diyos sa mundo. Supilin mo ang galit at paghihiganti. Turuan mo kaming magpatawad.
Ipag-adya mo kami sa digmaan at ipagsanggalang sa kasamaan ng mga sandatang nuclear.
Ina ng Santo Rosaryo, imulat mo sa amin ang pangangailangang manalangin at magmahal.
Reyna ng Sangkatauhan, ipakita mo sa amin ang landas ng pakakapatiran.
Reyna ng Kapayapaan, ipamanhik mo na mamayani ang kapayapaan sa buong mundo.
Mahal naming Ina, mapukaw nawa ng inyong nagdadalamhating pagsusumamo ang aming pusong namanhid. Nawaโy sumibol muli ang buhay sa pagdilig ng iyong mga luha sa lambak na pinatuyo ng aming mga galit. Sa daluyong ng mga sandata, ibaling nawa kami ng iyong panalangin sa kapayapaan. Papanatagin nawa ng iyong maka-inang haplos ang mga nagdurusa at umiiwas sa pagsabog ng mga bomba. Nawa ang iyong maka-inang yakap ay lingapin ang mga napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan at bayan. Himukin nawa kami ng iyong nagdadalamhating puso tungo sa pagmamalasakit at pagbubukas ng aming mga puso na kalingain ang aming mga kapatid na sugatan at nakaligtaan.
Mahal na Ina ng Diyos, sa pagtindig mo sa paanan ng krus , ibinilin sa iyo ang minamahal na alagad sa iyong tabi โNarito ang iyong anakโ (Jn 19:26). Ipinagkatiwala niya kami sa iyo. Sa minamahal na alagad at sa bawat isa sa amin, winika niya, โNarito ang iyong Inaโ (v. 27). Inang Maria, nais ka naming panahanin sa aming buhay at kasaysayan. Sa panahong ito, kasama mong nakatindig sa paanan ng krus ang naliligalig at nahahapong sangkatauhan na nais ipagkatiwala ang aming mga sarili sa iyo at sa pamamagitan mo ipagkatiwala kay Kristo. Bumabaling sa iyo ang mga kapatid namin sa Ukraine at Russia na sumisinta sa iyo nang may pagmamahal, ang iyong puso ay pumipintig nang may habag sa kanila at sa lahat ng taong napinsala ng digmaan, kagutuman, kawalang katarungan at karukhaan.
Mahal na Ina ng Diyos, mahal naming Ina, ipinagkakatiwala at itinatatalaga namin sa iyong Kalinis-linisang Puso ang aming mga sarili, ang Simbahan, at ang buong sangkatauhan lalo na ang Russia at Ukraine. Tanggapin mo itong isinasagawa naming may pagtitiwala at pagmamahal. Itulot mo na ang digmaan ay magwakas at ang kapayapaan ay mamayani sa buong mundo. Umusad ang iyong โFiatโ mula sa iyong puso na nagbukas ng pintuan ng kasaysayan sa Prinsipe ng Kapayapaan. Nagtitiwala kami na sa pamamagitan ng iyong puso dadatal muli ang kapayapaan. Itinatalaga namin sa iyo ang kinabukasan ng buong san gkatauhan, ang mga pangangailangan at pangarap ng lahat ng tao, ang mga alalahanin at pag-asa ng buong daigdig. Siya Nawa.