28/09/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Parokya ng San Pedro Apostol | Lungsod ng Cavite
Ilan sa mga kuhang larawan sa pagsisimula ng ikalawang bahagi ng Dalaw Birhen 2026 ng ating parokya.
Sinimulan ang ikalawang bahagi noong Linggo, Setyembre 27, matapos ang huling Banal na Misa sa hapon, nang ihatid ang banal na imahe ng Mahal na Birhen sa Barangay 32. Sinundan ito ng Panalangin sa Pagtanggap na pinamunuan ng kanilang Punong Barangay.
Lunes, Setyembre 28, nagpatuloy ang Dalaw Birhen sa pamamagitan ng pagbabahay ng banal na imahe sa mga tahanan ng mga nasasakupan ng Barangay 32, kung saan sama-samang dinasal ang Santo Rosaryo. Dinalaw rin ng banal na imahe ng Mahal na Birhen ang Bautista Hospital, upang dalhin ang Kanyang presensya, panalangin at pag-asa sa mga naroroon.
Sinundan ang pagdalaw ng pagdarasal ng Nobena at Panalangin ng Pamamaalam na ginanap sa Barangay Hall. Matapos ang Nobena, inihatid ang banal na imahe ng Mahal na Birhen patungo sa Barangay 34, kung saan ito ay tinanggap ng pamayanan sa pamamagitan ng Panalangin sa Pagtanggap na pinamunuan ng kanilang Punong Barangay.
Nawaโy patuloy na maging daan ang Dalaw Birhen upang mapalalim ang ating pananampalataya, mapagtibay ang pagkakaisa ng bawat pamayanan, at mailapit ang bawat tahanan sa ating Panginoong Hesukristo, sa ilalim ng mapagkalingang paggabay ng Mahal na Ina.
Mahal na Birhen ng Soledad, ipanalangin mo kami.
ยกViva la Virgen!
ยกViva la Reina de Cavite!
ยกViva la Luz de Filipinas!