San Rafael Arkanghel - Salaban Amadeo, Cavite

San Rafael Arkanghel - Salaban Amadeo, Cavite Page of San Rafael Arkanghel Chapel, for updates about our Chapel, just check this page. Thankyou!

Ang Kapisanan ng Flores de Maria ay magsasagawa ng Share a Meal Project, isang makabuluhang gawain na naglalayong magbah...
18/12/2025

Ang Kapisanan ng Flores de Maria ay magsasagawa ng Share a Meal Project, isang makabuluhang gawain na naglalayong magbahagi ng biyaya at makatulong sa ating mga kapatid na nangangailangan, lalo na sa panahon ng Pasko at Bagong Taon.

Sa proyektong ito, ang bawat kalahok ay makatatanggap ng Jollibee meal na nagkakahalaga ng โ‚ฑ200.00. Sa halagang ito, ang โ‚ฑ100.00 ay katumbas ng mismong pagkain, habang ang natitirang โ‚ฑ100.00 ay magsisilbing donasyon. Ang lahat ng malilikom mula sa donasyong ito ay maingat na iipunin at ilalaan para sa ating Outreach Program.

Amin pong nililinaw na isang daang porsiyento (100%) ng kikitain mula sa proyektong ito ay iipunin at ipamamahagi sa ating mga kapatid na nangangailangan. Isasagawa ang pamamahagi bago matapos ang Taon ng Hubileyo โ€“ Taon ng Pag-asa, bilang pagsasabuhay ng diwa ng Pasko: pagmamahal, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa.

Sa mgha nagnanais bumili ay magsabi lamang sa kahit sinong miyembro ng Flores de Maria o sa ating Chapel Coordinator! Maraming Salamat po!

๐—ฆ ๐—œ ๐—  ๐—• ๐—” ๐—ก ๐—š   ๐—š ๐—” ๐—• ๐—œ   ๐Ÿฎ ๐Ÿฌ ๐Ÿฎ ๐ŸฑDisyembre 15 โ€“ 23, 2025 | 7:00 ng gabiSan Rafael Arkanghel Chapel โ€“ Salaban, Amadeo, Ca...
14/12/2025

๐—ฆ ๐—œ ๐—  ๐—• ๐—” ๐—ก ๐—š ๐—š ๐—” ๐—• ๐—œ ๐Ÿฎ ๐Ÿฌ ๐Ÿฎ ๐Ÿฑ
Disyembre 15 โ€“ 23, 2025 | 7:00 ng gabi
San Rafael Arkanghel Chapel โ€“ Salaban, Amadeo, Cavite

Inaayahan po ang lahat na makiisa sa Misa de Aguinaldo sa San Rafael Arkanghel Chapel mula Disyembre 15 โ€“ 23, 2025, 7:00 ng gabi. Halinaโ€™t ating kumpletuhin ang siyam na gabi ng panalangin, pananampalataya, at pag-asa.

Paggunita kay San Francisco Javier, Misyonero at Pari. Pintakasing Patron ng Nayon ng Halang, Bayan ng AmadeoPanalangin ...
03/12/2025

Paggunita kay San Francisco Javier, Misyonero at Pari. Pintakasing Patron ng Nayon ng Halang, Bayan ng Amadeo

Panalangin kay San Francisco Javier

O Diyos na makapangyarihan, na sa Iyong kabutihang walang hanggan ay nagtipon ng maraming anak mula sa mga lupain ng Silangan sa pamamagitan ng pangangaral at mga kababalaghan ni San Francisco Javier, ihatid Mo po sana sa amin ang biyayang sundan ang kanyang kadalisayan ng loob at sigasig sa paglilingkod. Nawaโ€™y sa paggalang namin sa kanyang maririkit na gawa, kami man ay mahubog ayon sa kanyang ulirang pananampalataya. Sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.

San Francisco Javier, ipanalangin mo kami.
โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”

Talambuhay ni San Francisco Javier

Si San Francisco Javier ay nagmula sa kaharian ng Espanya, kung saan siya isinilang noong taong 1506. Sa kanyang pag-aaral sa Paris, France, ay nakatagpo niya si San Ignacio de Loyola, na agad niyang hinangaan dahil sa kabanalan at talino. Mula roon, naging isa siya sa mga unang kasama at katuwang ni San Ignacio nang maitatag ang Kapisanan ni Hesus (Society of Jesus o mga Heswita).

Noong 1537 siya naordenahang pari, at simula noon ay buong puso niyang inialay ang kanyang sarili sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Pagsapit ng 1542, tinanggap niya ang misyong tumawid sa malalayong lupain ng Silangan upang ipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoong Hesukristo. Napakahirap ng kanyang paglalakbayโ€”mahaba, mapanganib, at puno ng pagsubokโ€”ngunit hindi siya natinag.

Pagdating sa India, hindi siya nanatili sa iisang pook. Sa halip, nilakbay niya ang ibaโ€™t ibang nayon at pulo, nagtuturo, nangangaral, at naglilingkod sa mga pinakamahirap at pinakaaba. Sa kanyang mga liham kay San Ignacio ay malinaw na naipahiwatig ang mga pakikibakang kanyang hinarap: ang wika, kaugalian, gutom, sakit, at mga panganib. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, lumitaw ang kabayanihan at katatagan ng loob ng isang taong itinalaga ang sarili sa pagdadala ng pananampalataya sa mga hindi pa nakakikilala kay Kristo.

Marami ring naitalang salaysay tungkol sa mga karanasan at โ€œpaglalakbay-bayaniโ€ ni San Francisco Javier, na makikita sa ibaโ€™t ibang kasulatan ng mga Heswita. Itinuturing siya bilang isa sa pinakadakilang misyonero sa kasaysayan ng Simbahanโ€”isang mabisang tagapagdala ng Salita ng Diyos sa sari-saring bayan at kultura. Kayaโ€™t kinikilala siyang Patron ng mga misyonero sa buong mundo.

Isang pambihirang tanda ng kabanalan ang nananatiling hindi pagkapulok ng kanyang katawan, daan-daang taon na mula nang siya ay pumanaw. Ang kanyang katawan ay naroroon sa Goa, India, kung saan dinarayo ng maraming deboto. Samantala, ang kanyang kanang braso at kamayโ€”na sa pamamagitan nitoโ€™y napakaraming nilikha na bininyagan, ikinumpisal, pinahiran, at binasbasanโ€”ay iniingatan sa Roma, sa simbahan ng Gesรน ng mga Heswita.

Retrato mula kay Sean Kevin Calle.

Pilgrimage to 7 churches of the Diocese of Rizal (November 29, 2025) Saturdayโ‚ฑ1,200 - includes the ticket, free breakfas...
18/11/2025

Pilgrimage to 7 churches of the Diocese of Rizal (November 29, 2025) Saturday
โ‚ฑ1,200 - includes the ticket, free breakfast, prayer guide
โ‚ฑ 1,500 - includes ticket, free breakfast, t-shirt and Prayer Guide

7 churches of the Diocese of Rizal
International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage (Antipolo Cathedral),
National Shrine and Parish of Saint Therese of the Child Jesus (Antipolo)
Minor Basilica and Diocesan Shrine and Parish of Saint Paul of Cross (Marikina)
National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu (San Mateo)
Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Abandoned (Marikina)
Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Light (Cainta)
Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist (Taytay)

sa Mga nagnanais sumama, maari po kayong makipagugnayan kina:
Lucy Garcia Bayot, Juztin Vergara, Marinette Magat o kung sino man pong Opisyales ng Core Group o ng KFDM. Maraming Salamat po!

12/10/2025

Buong kagalakang nakikiisa ang sambayanan ng ating Parokya sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen del Pilar, patrona ng Diyosesis ng Imus - ang Simbahang Katoliko sa Cavite.

Ayon sa minanang salaysay, ang Mahal na Birheng Maria na nooโ€™y nabubuhay pa ay mahimalang dumalaw (marahil sa biyaya ng bilocation) sa Apostol Santiago el Mayor na noon ay dumaranas sa kabiguan at panghihina ng loob dahil sa inaakala niyang hindi nagiging mabunga ang kanyang mga pagpapagal para ipahayag ang Mabuting Balita. Pinalakas ng Mahal na Ina ang kalooban ng apostol, at iniwan niya doon sa Zaragosa sa Espanya ang isang haligi (o pillar) kaakibat ang pagsasabing mananatili sa Espanya ang pananampalatayang Kristiyano hanggaโ€™t nanatili ang haligi na kanyang kaloob.

Noong naitatag ang Diyosesis ng Imus noong 1961, inilagay ng Santo Papa ang diyosesis sa pagtatangkilik ng Mahal na Birhen del Pilar bilang patrona.

Nawaโ€™y dalawin tayo ng Mahal na Birheng Maria sa lahat ng sandali, laloโ€™t higit sa panahon ng kalungkutan, pagkabigo, pagdurusa, at kapighatian, upang palakasin ang ating loob at ipamalas sa atin ang kanyang Anak na si Jesus - ating pag-asa!

Mahal na Birhen del Pilar,
aming lakas at pag-asa,
ipanalangin mo kami.

Letโ€™s support the KFDM-Halang on their First Event!
08/10/2025

Letโ€™s support the KFDM-Halang on their First Event!

๐Ÿƒโ€โ™‚๏ธโœจ ๐‘ป๐’‰๐’† ๐’๐’๐’๐’ˆ ๐’˜๐’‚๐’Š๐’• ๐’Š๐’” ๐’‡๐’Š๐’๐’‚๐’๐’๐’š ๐’๐’—๐’†๐’“! โœจ๐Ÿ’ƒ

The most colorful event of the year is here โ€” ๐‘ด๐‘จ๐‘ฒ๐‘ผ๐‘ณ๐‘จ๐’€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“: ๐‘ช๐’๐’๐’๐’“ ๐‘ญ๐’–๐’ ๐‘น๐’–๐’ & ๐’๐’–๐’Ž๐’ƒ๐’‚!

Happening on ๐Ž๐œ๐ญ๐จ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ at ๐‘ฉ๐’“๐’๐’•๐’‰๐’†๐’“๐’” ๐’๐’‡ ๐‘ช๐’‰๐’“๐’Š๐’”๐’•, ๐‘ฏ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ, ๐‘จ๐’Ž๐’‚๐’…๐’†๐’, this one-of-a-kind celebration promises a day filled with energy, joy, and community spirit.

Proudly organized by ๐“š๐“ช๐“น๐“ฒ๐“ผ๐“ช๐“ท๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“•๐“ต๐“ธ๐“ป๐“ฎ๐“ผ ๐“ญ๐“ฎ ๐“œ๐“ช๐“ป๐“ฒ๐“ช, this event brings together faith, fitness, and fun in the most vibrant way possible.

๐ŸŽ‰ With tickets starting at just โ‚ฑ๐Ÿ๐ŸŽ๐ŸŽ, you can already be part of an unforgettable experience that will let you run, dance, and shine with the whole community. Other details regarding the event will be posted on our page, so stay tuned๐Ÿ™Œ

Donโ€™t miss it โ€” click the link below to register now

https://forms.gle/rEfFNFDoDwwtXEgC7
https://forms.gle/rEfFNFDoDwwtXEgC7
https://forms.gle/rEfFNFDoDwwtXEgC7

Through the unwavering efforts of our former Hermana, Mrs. Lucy Bayot, together with the members of the Hermandad de San...
08/10/2025

Through the unwavering efforts of our former Hermana, Mrs. Lucy Bayot, together with the members of the Hermandad de San Rafael Arcangel, the long-standing problem of water leakage through our chapelโ€™s roof is now nearly resolved. Their dedication, hard work, and generosity have brought us closer to a safer and more comfortable place of worship. For months, we have experienced difficulties during rainy days due to the dripping roof, but thanks to their concern and initiative, this burden is finally being lifted. We sincerely thanks Mrs. Lucy Bayot and the Hermandad for their continuous support, love, and service to our chapel and community. May San Rafael the Archangel reward their good deeds and bless them abundantly for their kindness and commitment.

Ikatlong Araw ng Nobernayo bilang paghahanda sa Kapistahan ni San Rafael ArkanghelParing Tagapagdiwang Reberendo Padre M...
22/09/2025

Ikatlong Araw ng Nobernayo bilang paghahanda sa Kapistahan ni San Rafael Arkanghel

Paring Tagapagdiwang Reberendo Padre Mariel Sumallo, SMA, Parochial Vicar ng Ating Parokya

Brgy. Sponsors: Brgy. Maitim at Brgy. Minantok Kanluran

21/09/2025

HINDI NA TAYO MANANAHIMIK!

Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay
Lupang Hinirang
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig
'Di ka pasisiil
Sa dagat at bundok
Sa simoy at sa langit mong bughaw
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal
Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y 'di magdidilim
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya na 'pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa iyo

21/09/2025

Address

Salaban
Cavite
4119

Opening Hours

4pm - 6pm

Telephone

+639366917893

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Rafael Arkanghel - Salaban Amadeo, Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share